One month later ..
Nakalipat na kami ni Kindra sa bago naming tirahan. At condo na nga. Dito sa Itaewon. Malapit-lapit lang sa school namin. Ensakto lang naman ang bayad namin. Split kami ni Kindra sa bayad. Nakakapagpadala rin kami nang pera sa mga pamilya namin sa Pinas.
"Okay na ako dito Kin. Ensakto lang at malapit lang talaga sa school natin" ako
"Oo nga Mel. Hahaha apir!" Kin
"Apir! Ang galing mo talaga Kin! Hahahaha" ako
"Ako pa? Hahahaha" Kin
Tapos pomorma pa si Kin nang parang pogi? Iyong thumb at pointing finger mo ay ilalagay sa chin mo? Ganoon ang ginawa niya hahahaha. Pumunta kami ni Kin sa may bintana kung saan kita mo ang mga ilaw nang Itaewon. Gabi na kasi.
Ang gandaaaa!
"Ang gandaaa" ako
"Oo nga Mel. Wooow!" Kin
Grrruuupp~
"Ikaw iyon Kin?" Ako
"Mel gutoom na ako hahahaha" Kin
"Hahahahah ano ba iyan. Sige wait ka lang dito at bibili ako diyan sa baba nang makakain natin" ako
"Yeheeey! Thank youu" Kin
Lumabas na ako at nagpunta sa may malapit na kainan. Hindi ko mabasa kasi hangul iyong nakasulat. Pero mukhang masarap ang mga isiniserve nila dito. Pumasok ako sa loob at nag-order.
" 2 teokbeokki juseyo " Ako
"Neh. Wait a minute" Boy
"Kamsahamnida" ako
Ang hirap talaga pag hindi mo alam ang language nila. Plano namin ni Kin na mag-aral nang korean language pero hindi na muna sa ngayon. Umupo ako sa isang table at hinintay ang order ko. Tiningnan ko naman ang loob nang restaurant. Ang daming pictures nang mga kpop artist na nakapunta na dito. May Bigbang, 2NE1, Girls Generation, Miss A, Super Junior, Shinee, at maraming-marami pa. Woah! Sikat siguro itong lugar na ito.
"Maam. Your order" boy
"Kamsahamnida" ako
"Neeeh" Boy
Iyon lang talaga ang alam ko. Kamsahamnida hahahahaha atleast. Binigay ko ang bayad ko sa kanya at kinuha ang dalawang box ng teokbeokki. Lumabas ako at nagpunta sa may shop para bumili nang tubig, C2 at junkfoods. Paborito kasi namin ni Kin ang C2 hahahaha. Paglabas ko ay may nabangga akong lalaki. Hindi ko siya kilala kasi nakaclose get-up kasi siya. Pero kahit naman hindi siya nakaclose get-up hindi ko pa rin naman siya makikilala. Ang tangkad niyaa! Hanggang kili-kili lang yata ako?
"Mianhamnida (Im sorry)" siya
"It's okay" ako
Nalaglag tuloy iyong pinamili ko pero hindi naman nagalaw iyong teokbeokki. Hinawakan ko nang mabuti iyon eh para hindi malaglag. Tinulongan naman ako nang lalaki na pulutin iyong mga pinamili ko. Ang bait naman. Nakabanga na ng, tinulongan pa ako.
"Yeogi (here)" siya
"Kamsahamnida" ako
Tiningnan ko iyong lalaki at tumingin naman siya sa akin at nagsmile. Nagulat ako sa nakita ko at hindi makapaniwala!!!
"Ki-kim Taehyung!?" Ako
Dahil sa nagulat ako. Napalakas yata ang boses ko kaya siya ay nagulat din. Mas lalo akong nagulat noong hinila niya ako at itibakbo sa isang lugar kung saan walang masyadong tao.