Ice Cream

9 1 0
                                    

Kindra POV

Hindi pa rin ako makapaniwala!

Iyong mga nangyari kagabi parang panaginip lang talaga ang lahat? Hindi ko inexpect na mangyari ito sa amin ni Melissa. Ang pinunta lang naman namin ni Mel dito sa Korea ay magtrabaho lang.

Hahaha

naalala ko tuloy noong college kami ni Melissa kapag may mga vacant times kami palagi namin napag-uusapan ang BTS. Nag-iimagine kami, nagkakantahan kami kahit mali-mali na ang lyrics hahahaha.

Magkaibigan na kami ni V. Sana iyong iba rin. Sana ni Jungkook rin.

"Kin! Iniimbitahan nila tayong dalawa na magdinner" Mel

Dinner?

"Sino? Sino ang nag-imbita?" Ako

"Si V. Nagmessege siya akin" Siya

"Ayeeeeh! Hahahah bakit naman niya tayo inimbita? For real?" ako

"Hahaha parang hindi totoo diba? Pero inimbita nga tayo. Ewan ko." Siya

"Ang saya-saya mo na siguro ngayon Mel" ako

Umupo naman siya galing sa pagkahiga niya sa sahig. At tumabi sa akin.

"Hindi naman kin. Always na nga akong kinakabahan" siya

"Bakit naman?" Ako

Nagpop naman ang Ktalk niya pero kinancel niya ang phone niya. Nakita ko pa na si V iyong nagmessege. Akala ko hindi niya ako papansinin. Kasi diba iyong iba pag nagsstart nang magkalovelife? Nakakalimutan na ang barkada? Lalong-lalo na ang mga close na kaibigan mo. Tiningnan niya ako sa mata at diritso.

"Dahil sa sikat siya at normal lang ako. Hindi ko mapigilan na kabahan pag magkasama kami. Alam mo naman ang media ngayon" siya

"Oo nga Mel. Mabuti at naisip mo iyon?" Ako

"Dapat pinag-iisapan ang lahat nang bagay eh" siya

"Suuuuus! Seryoso hahahaha" ako

"Totoo nga! Hahahaha" siya

"Hahahahaha" ako

Nagtawanan kami ni Mel tapos nireplyan niya si V.

"Kin" siya

"Bakit?" Ako

"Sampalin mo nga ako" siya

"Haaaaa??" Ako

Ano ba ang iniisip ni Melissa?

Ako?

Sasampalin ko siya?

Bakit naman?

"Sige na. Alam mo kasi hindi talaga ako makapaniwala! Alam mo iyon? Bigla nalang kaming nagkabanggaan sa daan, naging magkaibigan, tapos ngayon iniimbita niya tayo. Diba? Parang napakadali lang talaga nang lahat!? At tsakaaa Kin! Araaaay!" Siya

Hindi ko siya sinampal. Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. Mahal ko si Melissa oi! Binatokan ko lang siya. Okay na iyon atleast hindi gaanong masakit diba? Hindi naman malakas iyon pagkabatok ko sa kanya.

"Ayan! Gising ka na? Totoo ang lahat nang nangyayari Melissa. Hindi ka nag-iimagine" ako

"Eeeeeeeeeeeeeehhhhhhhh! Kasi naman parang ang bilis nang mga pangyayari" Siya

Tama nga siya parang napakabilis nga. Hindi kaya siya niloloko ni V?

"oo nga naman. Ano naman sinabi mo kay V?" Ako

Someone Like You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon