We Meet Again

12 1 2
                                    

Taehyung POV

Free day ulit namin! :)

Grabe naman! 2 weeks na yata at hindi pa rin niya ako kinontak? Wala kaya siyang gusto sa akin? Hindi niya kaya ako type?

Aish!

Ahh impossible! Sa gwapo ko na ito?

"Bakit ba hindi ka magtext o tumawag!"

Sabi ko sa sarili ko sabay tapon nang mahina sa phone ko. Nasa loob ako nang Studio at nakaupo. Wala naman ang iba kasi lumabas. Susunod nalang ako. I need time para sa sarili ko. Napapansin na rin nila ang mga kinikilos ko.

Paano naman kasi?

Aish!

Tsk!

Bzzt bzzt

From: Namjoon

Hey! Nasaan ka?

Akala ko siya na. Tss.. Tatawagan ko nalang.

Calling Namjoon ....

"Bakit?" Ako

"Wala lang. Hindi ka pa ba lumabas sa Studio? Ayaw mo bang lumabas?" RM

"Mamaya na" ako

"Lumabas ka na diyan. May problema ka ba? Kasama ko sila ngayon" RM

"Wala naman. Nasaan kayo?" Ako

"Isesend ko nalang sayo ang lugar basta sumunod ka dito ha?" RM

" Okay. Byeeee~ " ako

Isenend naman ni Namjoon ang place sa kakaotalk. Inihanda ko na ang sarili ko at lumabas nang studio. Pagkalabas ko nakasalubong ko ang ibang trainee. Nag Hi sila sa akin. Ako naman nag Hello rin. Sumakay ako sa kotse ko at nagpunta kina namjoon.

"Ang tagal mo naman!" Jimin

Nagsmile ako kay Jimin.

"Sorry" ako

"Oh, inom ka na" JK

Nakasanayan na namin ang minsan ay uminom. Paminsan minsan lang naman. Sa 10 years namin sa industriyang ito marami na kaming natutunan, malayo na rin ang narating namin, marami man kaming mga pinagdaanan na issue sa huli nananatili pa rin kaming buo at malakas. Mahal na mahal ko ang grupong ito.

Mahal ko sila.

Forever.

Kinuha ko ang isang bote at uminom.

"Sige sige" ako

"Bakit ka ba wala sa mood?" RM

"Oo nga. Ilang araw na yata iyan ah?" JK

"Huwag kang ganyan mag-aalala ang Armys!" Jimin

"Wala naman" ako

"Hindi ka pa rin ba nakamove-on?" JH

"Ha? Bakit mo naman natanong?" Ako

"Wala? Naisip ko lang?" JH

"Alam niyo naman na nakove-on na ako sa kanya dibaaa?" Ako

"Oo na oo na. Makipag date ka kaya?" Jin

"Date again? Sa tingin ko we are old enough sa date-date na iyan" Suga

Hindi ko talaga maintindihan ang mga logic at mga ewan ni Yoongi. Sumang-ayon naman si Namjoon.

"Yeah right!" RM

Someone Like You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon