P.A.R.T.Y

23 1 0
                                    

Maaga kaming nagising ni Kin kanina. Para nga kaming baliw kasi napansin ko kasi ngumingiti siya mag-isa. Ganoon rin ako. Ano kaya ang meron kay Kin ngayon? Baliw na nga siguro kami.

Nasa school na kami ni Kin.

"Joheun Achim Seosangnim (goodmorning teachers) " mga bata

"Joheun Achim"

Sabi namin ni Kin doon sa mga bata na bumati sa amin kanina. Napakaganda talaga nang araw na ito. Sa tingin ko kahit na magkaka bad day ang araw na ito maganda pa rin! Hahahahaha

"Oii Kin! Mel! May meeting daw mamaya" Katalina

Kasamahaan namin.

"Para saan daw iyong meeting Kat" Kin

"Hindi ko alam. Mamaya dadating si Mr. Choi dito para kausapin tayong lahat" Kat

"Ganoon ba?" Ako

"Oo Mel" Kat

"Sige. Mamaya na ulit tayo mag-usap malapit na magstart iyong mga klase natin!" Kin

"Oo nga pala" Kat

"Mamaya ulit Kat" ako

"Sige, bye" Kat

Nagpunta na kami sa kanyang-kanya table namin ni Kin at nagstay muna saglit sa table namin. Nakita ko na tumayo na si Kin at papasok na yata siya sa klase niya.

"Mel una na ako sa iyo ha?" Kin

"Sige Kin, susunod nalang ako" ako

"Sige. Bilisan mo" Kin

"Oo" ako

Umalis na si Kin. Tumayo na ako at Kinuha ang gamit ko. Bago ako nakahakbang papuntang room ko tumunog naman ang phone ko. Si Mae pala ang tumawag. Sinagot ko muna ang tawag niya.

"Mae? Napatawag ka?" Ako

"Mel? Sa sabado pala huwag ka nang pumasok sa shop. May isesend akong place at magkita nalang tayo diyan" Mae

"Bakit mae? Ano ba ang meron?" Ako

"May photoshoot." Mae

"Ahh. Sige mae. Salamat" ako

"Sige. Bye" Mae

"Bye" ako

Pagkatapos nang tawag namin ni Mae ay agad akong pumunta sa room ko. Medyo late na nga ako nang kaunti. Mabuti nalang at wala si Mr. Choi mapapagalitan ako nun for sure. Pumasok ako sa room at agad naman tumayo ang mga studyante ko at nag bow bilang sign of respect. Wala kasi ang adviser at may mga meeting. Isa akong Assistant Teacher. Kami nila Kindra at mga kasamahan namin dito sa school. At naka assign ako sa Primary kaya okay lang na walang nagbabantay sa kanila kasi mga malalaki na naman sila.

"Goodmorning Ms. Mel!" mga bata

"Goodmorning! Anja juseyo (please take a sit)" ako

Naupo naman ang mga bata.

"Please pass your assignments" ako

Lumapit naman ang mga bata sa front at binigay sa akin ang mga papel nang mga classmates nila sa likod. Pagkatapos kong ayusin iyong mga papel.

"Thank you. Teacher Mike is not yet here because they have a meeting right now. So I will be doing our first lesson." ako

Nag start na ang klase ko the whole morning. Lunch na. Sa table nang office na ulit kami nagkita ni Kindra. Nakakagutom na talaga. Napagdesisyonan namin na kumain sa isang restaurant. Kasama ang iba naming katrabaho na sina Demi isang bakla at si Kat.

Someone Like You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon