Alpha

6 1 2
                                    

This is it. This where everything begins. Two become one. I've been waiting for this day. When I was a child, all I can visualize is this special day. All I can imagine is the perfect fairytale I created for myself. All my life, I've been patiently waiting for this moment to come.

Hinaplos ko ang bodice ng wedding gown ko. I feel the softness through my fingers. Pinasadya ko talaga ito para sa special na araw na ito. Binigyan ko talaga ng pansin ang detalye at designs nito. I love how it fits me. Tandang tanda ko pa non na umiyak ako sa tuwa nung finifit ko ito. Even my friends and mother cried. I spent moments admiring my reflection in the mirror.

"Illea." My mom peeked through my door.

"Come in mom." She made her way inside of the bride's room. "Where's dad?"

She genuinely smiled at me. Leandra Madrigal is a woman of perfection. She's elegantly beautiful even in forties.

"Dadating na yun. You look so beautiful anak. Very very beautiful." Mom said with a hint of tears in her eyes. My tears are also trying to escape.

"Ma naman. Naiiyak na ako oh." I smiled and hugged her. My mom is always the sentimental one. Mababa ang kaligayahan niya. And when she's happy,she cries. Namana ko ata sa kanya yung mababaw na luha ko.

"Bakit di ako tinawag ng mag-ina ako? May group hug pala dito. I wasn't informed." My dad bursts through the open door.

"Daddy!" I ran towards him. Alesander Madrigal is the best father in the world. He loves us. He gave us everything we asked for. And like mom, he's also strikingly handsome at forties.

"My baby girl." I can't help but cry sa tinawag sa akin ng daddy ko. I've always been his baby girl. I don't have siblings so he's been really protective of me. Ang tagal nga bago napapayag na magpakasal ako. I don't know what Xavier did to ask my hand to my father. Alam kong pinahirapan siya ni papa.

"Daddy,di na ako baby. Magpapakasal na nga ako oh."  I joked. They both looked at me lovingly.

"Yes. You've grown up so well. So beautiful. I remember your mother nung wedding namin. She looks exactly like you. You're both beautiful." My dad said. He kissed my mother's cheeks and my mom giggled like a teenager. I smiled. My parents are a living proof of true love. Mom's one great love of dad and dad is to mom. Sabi ko sa sarili ko na mahahanap ko rin ang lalaking katulad ng daddy ko. Yung lalaking mamahalin at aalagaan ako. Tears are pooling again on the side of my eyes.

"Sander, wag mo ng paiyakin ang anak mo. Osige na anak. Hintayin ka namin sa labas. Magretouch ka na. I'm so happy for you anak." After sinabi ni mommy yun ay umalis na silang dalawa ni papa. Nagparetouch ako sa make up artist ko at tumingin sa salamin. Konting oras na lang magiging Mrs. Pascual na ako. Illea Alexandra Pascual. Napangiti ako.

Ang saya saya ko ngayon. Sa wakas, maikakasal na ako sa una at huling taong pinakamamahal ko. Xavier Pascual. Simula pa noong mga bata pa kami, siya na talaga ang gusto kong makasama sa pagtanda. I imagined him to be my husband since the day I felt the unexplainable feeling towards him. Gustong gusto ko siya and fortunately, he loves me too. Di nagtagal naging kami at eto na nga, kasal na namin. Wala akong ibang minahal kundi siya. Siya lahat ang firsts ko. He gave a whole lot of meaning sa buhay ko.

---
Panay ang tingin ko sa pinto ng bride's room. Marami ng tao sa labas at kitang kita ko kung paano naging aligaga ang organizer na kinuha namin. Ilang sandali na rin babagsak na ako sa sahig at iiyak na. Ilang minuto na rin kaming naghihintay sa simbahan. Hindi ba dapat mas mauuna ang groom kesa sa bride pero nasaan siya?

Kanina ko pa kinuha ang cellphone ko at ilang beses ko na rin siyang tinawagan ngunit wala. Nakapatay ang phone niya. Ilang beses na din akong pinuntahan ng mga kaibigan ko at sinisigurado akong darating si Xavier. Ilang rason na rin ang narinig ko mula sa kanila. Lahat ng mga rason nato ay pinaniniwalaan ko. I'm convincing myself that he'll come, he'll come for me.

Ilang sandali ay napaupo na lamang ako sa lapag. Napaiyak. This is supposed to be the happiest day of my life. But where is Xavier? Oras na. Ang daming tumatakbo sa utak ko. What if? What if Xavier bailed out?

"Tahan na anak." Pagaalo sakin ng mommy ko but that wouldn't do me any good kasi maging siya ay umiiyak din. Kanina pa din galit na galit ang daddy ko sa nangyari. I heard curses from my dad and he said that he would hunt Xavier down and make him present himself on the altar. Lalo akong nanlumo. Napaisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Sa pagkakaalam ko,wala naman akong nagawang masama. Ni hindi nga kami nagaway these past few days. Hell, even these past few weeks. Kaya di ko alam kung ano bang problema.

Natigil ang lahat ng pumasok si Jon sa bride's room. Jon is Xav's bestfriend and best man kung matutuloy tong kasal.

"Lea..." Yun lang ang sinabi niya at ibinigay sa akin ang isang papel. Kinuha ko ito at binasa.

Di ko na napigilan pang humagulgol. Sulat to ni Xavier para sakin.

Illea,

I'm a jerk. Curse me. Everything. Pero mas mahihirapan lang tayo kung matatali ka sakin. I don't love you anymore Illea. Nagising na lang ako isang araw na I don't feel na mahal kita. I know this is unreasonable. Ayokong maging unfair sayo. I'll pay for the damages . I am really sorry Illea. Really really sorry. ~ Xavier

Nabitawan ko ang sulat at napasalampak sa sahig. Wala kong pakialam kung ano ang tingin sa akin ng mga tao. Ang alam ko lang ay ang sakit na nararamdaman ko. Sa sobrang sakit gusto ko ng matapos na ito. I don't want to feel this. Ano bang nagawa ko to deserve this? I don't think I can handle this heartbreak. It is too intense that I feel like my heart's ripped in two.

11 Reasons Why You Shouldn't Die Because Of A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon