REASON # 1

3 1 3
                                    

Nang ibuka ko ang mga mata ko, tanging puting ceiling,puting kurtina at puting dingding lamang ang nakita ko. I already know where I am. So that means, I didn't succeed in taking my own life. Hay.

"Illea? Anak?" Dali daling lumapit sa akin si mommy. Bakas pa sa kanyang mukha na galing pa lang siya sa iyak. Hinawakan niya ang kamay ko at tuluyan ng humagulgol. "Ano ba naman anak? Bakit mo ginawa yun? Illea.." Paputol putol na sabi niya. Sinuklay niya ang aking buhok at tinignan ako ng mariin. "Teka,tatawag lang ako ng doctor." Pinindot niya yung intercom na nakakabit sa gilid ng kama ko.

Isa isang pumasok ang isang lalaking doctor at isang nurse. Kasabay noon ay nakita ko si daddy. Galit na galit at paiyak na rin. Binangga niya lamang ang lalaking doctor at tuluy-tuloy na pumunta sa harapan ko.

"Are you out of your mind?! Anak,hindi kita pinalaki upang magkaganyan! Magpapakamatay ka! Naisip mo ba kami ng mommy mo ha?! Naisip mo man lang ba ang nararamdamang sakit ng mommy mo sa mga pinaggagawa mo?" Sigaw lang ng sigaw si daddy. Papasok sa isang tenga ko at lalabas sa isa. Sa totoo niyan, wala na talaga akong maramdaman ni katiting man. Para na rin akong bangkay.

"Nakikinig ka ba sa akin ha?! Parang wala na kaming kwenta sayo." Pinigilan na siya ni mommy na walang tigil ang pag-iyak.

"Sana hinayaan niyo na lang ako." I said coldly to them.

"Yan ba ang gusto mo Illea? Then so be it." With finality, dad went out of the room. Muli akong tinignan ni mommy atsaka sinundan si daddy. Nanatili lang akong nakatingin sa pintuang nilabasan nilang dalawa.

I'm worst. Pati na rin sila nasasaktan ko. Pero di nila alam kung gaano kasakit. They don't know how it feels.

"Nurse,please leave the room firsts. Tatawagan na lang ulit kita through the intercom." Napatingin ako sa lalaking doctor na hindi pa pala lumalabas.

"Kamusta ka na?" He asked. "I'm Dr. Luke Santiago. Actually, I shouldn't be the one to take over your case but Dr. Sheila asked me personally since she had special matters to attend to." Pagpapakilala niya.

"Kailan ako makakalabas?" Yun lang ang naisagot ko sa dinami-dami niyang sinabi sa akin.

"Based sa nakita ko kanina at personal observations, tatagal ka dito." Kinuha niya yung upuan na nasa dulo ng kwarto at nilagay ito sa paanan ng kama ko at umupo doon.

Umupo ako upang makita siya. Pinagmasdan ko siya. Sa tingin ko ay nasa 25 years old pa lang siya. "Uuwi na ako." Yun lang ang tanging nasabi ko.

Tumayo siya at pumunta sa intercom. "Nurse, magpadala ka nga ng wheel chair dito."

"Uuwi na ba ako?" I repeat what I said and he just looked at me. Then he slowly shaked his head.

"May pupuntahan tayo. I want you to see what you're missing." then flashed his smile.

Ilang minuto din akong nakatitig lamang sa kanya. Pilit kong pinaprocess ang gusto niyang sabihin sa utak ko. Naputol lamang ang pagtitig ko sa kanya noong dumating yung wheel chair na pinapadala niya sa kwarto.

Pinagmasdan ko lang siya habang inaayos ang dextrose ko at unti unti akong inalalayan na mapaupo sa wheelchair.

Dumaan kami sa hallway na puno ng mga nagtatawanang mga matatanda. I can see their faces, so radiant and they are so happy. It shows on the way they pat each other's hands and shoulders. It shows on the way they smile.

It's like the smile this doctor gave me. Siya ang tumutulak ng wheel chair ko at halos lahat ng madaanan namin ay bumabati sa at ngumingiti sa kanya. I can say na gusto siya ng mga pasyente dito.

Inihinto niya ang pagtulak nung mapunta kami sa isang garden. Actually,it's a playground. Maraming bata ang naglalaro dito at kagaya ng mga nadaanan namin kanina, silang lahat ay may ngiti sa labi. That smile. Feeling ko naman ay out of place ako dito.

"Where is this place? What is this place?" Iritado kong sabi.

Muli,ngumiti lang siya. "Tell me,what do you see? Simula noong lumabas tayo hanggang dito."  He warmly asked me.

There's something about his smile that pulls the words inside my mind and spit it out. "They look.....happy." I hesitated to say the last word. Happy tasted bitter sa dila ko. For more than two months, I didn't even think of smiling. I didn't even think of the word happiness.

"Yes, they are."  Sagot niya at muling tumingin sa mga batang naglalaro.

"Nasan ba ako? I don't belong here." I whispered while looking at him.

"No. You are exactly where you are. And you are here at STG Center." Kumunot ang ulo ko sa sinabi niyang yun.

"What do you mean? San ako dinala ng mga magulang ko? I'm not crazy. I'm fine! Mental ba ito?" Tumaas ang dugo ko at nafeel kong nagagalit ako.

Tumawa lang siya. He laughed at me. "Hindi. Wala ka sa mental." Sabi niya habang tumatawa. Maya maya tumigil rin siya sa pagtawa sa akin at nagseryoso. "Hindi ba nandito ka dahil hindi mo nakayanan ang pagiwan sayo sa altar ng lalaking mapapangasawa mo sana?" At the mere delivery of those words, naramdaman ko na naman ang sakit. Pero di na ako naluluha. Naubos na ata.

"Anong alam mo?" I bitterly uttered. As if naman na naiintindihan niya ako.

"Lahat ng mga nakita mo dito,ang mga matatanda at mga bata,ay mga iniwan dito sa center na ito." Napatigil ako at napatingin sa mga bata. "Some were kakasilang pa lang, ang iba ay iniwan dahil may behavioral anxities. Yung iba dyan minolestya at sinasaktan. Now look at them."

"You don't understand. Hindi kami magkakapareho." Ang sabi ko dito.

"Ikaw ang di nakakaintindi. Sa tingin mo ba hindi rin ganyan ang nararamdaman ng mga batang nasa harapan mo ngayon? All their lives, they were asking us kung nasan ang mga magulang nila. All their lives,they're fighting against the pain na nararanasan nila. Hindi dahil nasaktan ka ay magkakaganyan ka na. Tandaan mo, mas maraming tao ang mas mabigat pa ang nangyari sa kanila pero di sumusuko. Look at them."

Sinunod ko ang sinabi niya at tumingin ulit sa mga bata.

"Hindi dahil nasaktan na sila ay kukwestyunin mo na lahat ng bagay sa mundong ito. Di sagot ang pagkakamatay."

And after two months, I cried again. And I feel like for the first time since that day, someone understand what I'm feeling.

11 Reasons Why You Shouldn't Die Because Of A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon