REASON # 2

4 1 0
                                    

Pangalawang linggo ko na dito sa center. At kahit papaano naman ay masasabi kong maayos ayos na ang estado ng pag-iisip ko. That doctor knocked some sense to me.

Oh wait. Not Dr. Luke,but because of these innocent children playing in front of me. (Oh well, I can say that it was through Dr. Luke. I have to give him credits for that.)

Sa buong linggo ko dito. Eto lang at ang kwarto ko ang naging haven ko. Dumating na rin mula sa leave niya si Dra. Sheila. She took over my therapies. They thought that I was traumatized. Looking back, yes. I was hurt,kahit ngayon naman eh but sa naiisip ko ngayon, parang ang babaw ko lang pala para makapagisip ng ganon. Kung di ko pa maririnig ang kuwento ng mga batang ito mula kay Luke (So yeah,I decided to call him by his first name kasi di ko naman siya doctor and parang magkaedad lang kami), marahil isa pa rin akong selfish woman na ang pananaw lang ay 'Yung nasasaktan ako'. Nakalimutan kong di lang pala ako ang tao sa mundo at di lang ako ang may problema pang ganito.

Tinutulungan din ako ni Ate Sheila (Yan ang sinabi niyang itawag ko sa kanya). Paunti-unti nakakapagopen up na ako sa kanya. Mabagal ang progress ko pero sabi niya, ganun naman daw talaga. We should take our time,ika nga niya. Kaya di niya ako binibigla sa pagtatanong. Sinisimulan niya sa mga tanong kung anong nararamdaman ko at tinatry ko namang maging honest sa kanya. She helped me to divert the pain and to tranform it into something positive. Mula noong araw na sinabihan ako ni Luke ay di ko na ulit siya nakausap. It's not that hinahanap ko ang presensya niya ah? No! Hindi yun. He was just nice and I feel at ease kapag kasama ko siya. Siguro dahil doctor siya sa utak kaya parang ang warm ng aura niya. What am I thinking of Luke? Jeez.

"Ate! Hello po." Naudlot ang pagiisip ko ng may sumulpot na batang lalaki sa harapan ko. Ngumiti siya at kitang-kita ko ang bungi niya sa kanyang ipin.

"Hello." Ngumiti ako ng kaunti.

Umupo ang bata sa tabi ko at tumingin sakin. Napakunot naman ako ng noo kasi parang may inaassessed niya ako.

"Ate,mahal po ba kayo ng magulang niyo?" Napangaga ako sa narinig ko mula sa bata. I was caught off guard. "Kasi po ako di ko po naranasang magkamagulang. Masarap po bang magkamagulang?" Pagpapatuloy niya.

I cleared my throat and suddenly pictures of my mom and dad suddenly filled my mind. Nanunuyo ang lalamunan ko at ilang segundo na lang ay maiiyak na ako.

The child waited for my answer. He was hopeful. Pinigilan ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo at hinawakan ko ang kamay niya.

"Bakit? Asan ba ang mga magulang mo?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Sabi po kasi ng doctor dito, namatay daw po sa isang aksidente ang mga magulang ko. Nasa langit na daw po sila sabi niya. Wala na po akong maalala sa hitsura nila at wala din po akong makitang picture nila. Kaya di ko po alam kung anong pakiramdam ng may magulang."

Napaawang ang bibig ko. God. I was speechless. Niyakap ko siya ng mahigpit. Para dun man lang sana maramdaman niya kung anong pagmamahal ang ipinaramdam sa akin ng mga magulang ko. Di ko na ring mapigilang mapahikbi habang yakap yakap ang batang iyon.

"Ate,bakit po kayo umiiyak?" Inosenteng tanong ng bata sa akin. Isa isa niyang pinunasan ang mga luba na tumutulo sa mata ko. Ngumiti ako, my genuine smile.

"Umiiyak si ate kasi nasaktan niya mga magulang niya. Nagsisisi na si ate ngayon. At gusto niyang magpasalamat sayo kasi tinuruan mo si ate. Salamat." Ginulo ko ang buhok niya at muling ngumiti.

"Ha? Ano po yun ate?" Nagkamot pa siya ng ulo at dahil sa ginawa niyang yun,napatawa ako. Ito ang unang beses na nakatawa ulit ako ng ganito. Aaminin ko na gumaan ang pakiramdam ko. Masarap kasi nalaman ko na di pala habangbuhay, malungkot at nasasaktan ako. Hindi pala habang buhay ay miserable ako.

Sa katunayan,napaka-swerte ko sa lahat ng bagay. Noong iniwan niya ako,nakalimutan ko lahat yun. Nasaktan ko ang mga magulang ko. Nakalimutan ko pala na doble ang nararamdaman nilang sakit kasi nakikita nila akong ganito. Wala silang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako but look kung anong iginanti ko? Mas lalo ko pa silang nasaktan sa mga maling desisyon ko sa buhay. My mom always wanted me to be happy so as my dad. Wala silang ibang ginusto kundi ang maging masaya ako pero ipinagtabuyan ko sila. Nabulag ako sa idea na ako lang ang nasasaktan. I failed to notice they were hurting too. Ano akong klaseng anak?

"Tan tan!" Lumingon ang batang nasa likuran ko sa tumawag sa kanya. Alam ko ang boses na iyon kaya napalingon na din ako.

"Halika na Tantan. Kakain na."  Si Luke. "Ikaw din, akyat ka na para makakain ka na rin." Muli ay ngumiti na naman siya sa akin.

"Osige" Yun lamang ang nasabi ko kasi hindi ko alam kung ano pa ang dapat sabihin.

"Tsaka pala, tumawag ang mommy mo. Puntahan mo na lang dun sa may office ni Sheila." Pahabol niya.

At the mere mention of my mother, I ran to Ate Sheila's office. I need to make ammends with my family. It's time.

11 Reasons Why You Shouldn't Die Because Of A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon