Prologue

25 3 0
                                    

Hindi ko na kaya 'to. Pumipikit na ang mga mata ko. Ayoko. Ayokong iwan siya. Diyos ko ayoko!

"Boss, patay na yata yung babae."

"Hindi pa yan. Humihinga pa. Siguraduhin niyo lang na patay talaga yan para wala tayong sabit kay boss."

Sino sila? Bakit ba nangyari sa akin to? Kanina lang ang saya ko kasi nakapagsoot ako ng puting gown na gawa pa ng nanay ko. Ikinasal ako kanina sa taong mahal ko. Alam niyo bang ang saya ko talaga? Simula pagkabata, minahal ko na si Manuel. Nabigyan katuparan iyon ng magtapat siya sa kin na mahal niya rin ako. Ilang buwan lang, kinasal kami, pero nangyari ito.

"Hayaan na lang nating mag hinalo to boss. Sa dami ba namang dugo nawala dahil sa pagkasaksak mo ay patay yan sigurado."

"Kunin mo yung gaas at posporo. Tatapusin na natin to. Naghihintay pa si boss ng balita natin. Bilisan mo."

Kabog at yapak lang mga naririnig ko. Hindi ko na maimulat mata ko. Mamamatay na lang ba ako ng ganito? Marami akong mga naiisip na pagsisisi at alinlangan. Ano kayang nangyari kung hindi ako nagpakasal? Mabubuhay ba ako?

'Diyos ko. Patawarin mo ko sa lahat ng nagawa ko mang mga kasalanan. Kung ito man yung katapusan ko, sana makita ko man lang yung mga mahal ko sa buhay. Sila Ina, Ama, mga kapatid ko at si Manuel. Si Manuel. Saan kaya siya dinala ng mga lalaking yun? Sana hindi siya sinaktan.'

Sumasakit na masyado ang tiyan ko. Ang lamig ng pawis ko. Ang wedding gown ko, basa ng sarili kong dugo. Ang hirap mamatay ng ganito. Sobrang init ng pakiramdam ko. Nasusunog ang balat ko. Ganito na lang ba talaga?

Tatangapin ko na lang. Paalam.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

R. Est

Forever YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon