Chapter 6: New classmate

11 1 0
                                    

Jasmine's POV

"Ano to!? Uuwi ka lang dito para i-check kami! Para ano siguradohing buhay pa ba kami!? Ano ba kami ng anak mo? Alaga mo!? After all what happened, nag-iba kana! Ano ba!?" Pagsisigaw ni mommy, habang pinaghahagis ang mga mababasagin na gamit. Sa totoo lang, sanay na akong marinig ang sigaw ni mommy ka'da umaga, eh kasi naman halos araw-araw niya na itong ginagawa. As a matter of fact, minsan lang talagang tumahimik ang bahay namin.



Hindi na ako nakialam sa away nila mommy and daddy dahil ika nga nila away mag-asawa lang daw iyon, kaya mali ang makisaw-saw. I remembered, ngayon nga pala rarating ang new classmate namin kaya dapat iyon nalang ang isipin ko kaysa diyan sa away nila mommy.


Kinuha ko ang Hello kitty clock ko sa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng kama ko. At nakita kong hindi na pala iyon gumagana. Kaya kinapa-kapa ko ang kama ko para hanapin ang cellphone ko, at nung nakita ko na ang cellphone ko agad ko naman iyong binuksan upang i-check kung anong oras na ba. And when I checked it...., it's already....


7:00 am? What the fudge !!! Kasalanan kasi to ng alarm clock ko, eh kasi naman sa lahat ba namang oras na pwede siyang masira, ngayon pa talaga. Psssh!



Nagmamadali akong pumasok ng cr at naligo. At makalipas ang sampung minuto ay natapos din. Jusko! Parang wisik-wisik lang ata ang ginawa ko. At nagmamadali din akong nagbihis, at di na nakapagpaganda, tanging pag-suklay nalang ang nagawa ko,eh di naman ganun ka-taasan ang buhok ko kaya madali lang akong natapos.




Patakbo akong bumaba at nagpaalam kina manang, at yaya, maaga dawng umalis si daddy and mommy dahil may urgent meeting daw. Alam ko naman na nagsisinungaling lang sila sakin dahil ayaw nilang malaman ko ang katotohanan.



Wala yung family driver namin na si manong Jun dahil lumuwas daw ng probinsya nila. Bali may tatlong kotse kami, yung isa para sundo-hatid sakin sa school, yung isa naman for mom and dad, and yung panghuli para kay ate. Bali ngayon, yung isa ginamit ni mommy, at yung isa ginamit naman ni daddy kaya yung natira nalang ay ang kotse ni ate, di ko namang kayang gamitin iyon dahil andami naming bondings ni ate doon, mas mamasaktan lang ako.



Kaya naman ginamit ko nalang ang scotter ko na ilang dekada ko ng di ginagamit. Kinuha ko yung susi at agad na pinaandar iyon. Sa katunayan ay nangi-nginig ang mga paa kong gamitin iyon ulit. At dahil nagmamadali na talaga ako, wala akong pakialam sa kong anong mangyari sakin, because for now ang nasa isip ko lang ay sana hindi ako male-late.



After twenty minutes, ay sawakas nakaabot din. Jusko po! I'm really late, just what I expected. Dahan-dahan akong pumasok, at ipinakita ang ID ko.


"Miss hindi po yan school ID, it was just a piece of paper." Sabi ni manong security guard.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon