Princess Mae's POV* krrriiing kriiing kriiing*
Nagising ako sa ingay ng alarm. Good morning world, sana maganda ang araw ko ngayon, yung araw na wala ng iiyak, malulungkot, at syempre sana wala ng masasaktan. Napaisip ako sa lahat ng nangyari sa buhay ko, kahit na namatay na si ate eh para bang hindi ako nag-iisa, dahil andyan parati ang family and friends ko. Teka! Nabanggit ko ba ang friends? Gosh! I miss them. Sana makita ko na sila. Wait! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang narealize ko kung anong araw ngayon. Hulaan niyo?
For Hell's sake it's Monday !! Naman eh! Tinatamad akong pumasok, nasanay kasi ako na hindi pumasok for almost 1 month. I said my prayers and did my daily routines.
I'm now wearing my school uniform, syempre di ko dapat makalimutan ang I.D. ko. At tapos lagay-lagay ng kunting powder sa mukha at lagay ng konting lipgloss sa bibig, tapos spray sa leeg, spray sa kamay, at spray sa uniform. Tadaaaa! I'm ready.
Bumaba na ako at dumiretso na sa kusina, nahagip naman agad ng mga mata ko si manang na nagluluto ng almusal.
"Good morning manang! Paki tawagan naman ho si ate Quennie, at paki sabing kamusta na siya!" Masiglang bati ko. Natahimik naman kami pareho, napaisip ako, nga pala kailangan ko na siyang kalimutan. Wag nalang nating i-mention yung name kasi mas nasasaktan ako eh. Let's say na hindi parin ako nakakaget-over.
"Eh princess---" at di ko na siya pinatapos.
"Joke lang ho! " palusot ko habang naka peace sign.
Natawa naman siya at hinanda na ang pagkain ko. Yummy! Bacon and rice. Muntik ko ng makalimutan, I'm a piggy eater.
"Salamat manang" pasasalamat ko, at nag smile lang naman siya at bumalik na sa pag luluto.
Habang kumakain ako napaisip ako nung araw na umalis si ate eh para bang kailan lang, yung mga araw na masaya kaming kumakain ng sabay, at minsan nga nag lalaro pa kami, nakakamiss, sana pwede pang ulitin ang mga pangyayaring iyon ng paulit-ulit. May naramdaman akong tubig na dumaan sa rosy cheeks ko, umiiyak na naman ba ako? Pwede kaya kahit minsan sana may araw na hindi na ako iiyak?
"Princess anak, tahan na, dadating din ang araw na hindi kana iiyak, at magiging masaya ka nalang palagi. Sige na anak, mag toothbrush kana at baka mahuli kana sa klase." Sabi ni manang habang nililigpit ang pinagkainan ko, agad ko namang pinahid ang mga luha ko at sinunod ang inutos niya.
Pagkatapos kung mag toothbrush ay nag paalam na ako kay manang. Naitanong ko din kay manang kung ba't walang atang nag hihiyawan ngayon, simula kasi nung nangyari ay nagka leche-leche na ang buhay namin, parati ng nag-aaway sila mom and dad na para bang sinisisi nila ang sarili nila sa nangyari. For almost 2 days kong pag stay dito sa bahay na ito, yun lang ang narinig ko palagi kay mom and dad. Nakakabingi.
"Good morning manong Jun!" Bati ko at pumasok na sa sasakyan. Si manong Jun pala ang family driver namin, malapit na din siya samin kasi simula pagka bata namin eh siya na talaga ang nag-iisang family driver namin, kaya isa din siya sa mga witness ng pagsasamahan namin ni ate.
"Good morning princess, handa ka na bang bumalik sa klase?" Tanong niya habang tinitignan ako mula sa rare view mirror. Sa likuran kasi ako nakaupo.
"Eh? Manong kung di pa ako ready eh sana di po ako nagpahatid sa inyo sa school" pilosopong sagot ko. At natawa na lamang siya. "Joke lang po manong, syempre ready na ako, gusto ko lang kasing maging masaya ako kahit ngayong araw lang."
"Magiging masaya ka na palagi princess dahil alam kong paparating na ang inspirasyon mo---" at naputol dahil
*kriiing krrriiing krrriiing*
-Sissy Andrea's calling-
"Hello? Good morning Andrea--" at di na ako pinatapos.
[Oy princess, San kana? Alam mo bang may pasok ngayon? Bangon kana dyan ! bilis mala-late kana eh. San ka ba ah? Nasa kama ka pa ba ngayon?] Sunod-sunod na tanong niya. Natawa naman ako. Di niya talaga tinanong kung papunta na ba ako. Baliw talaga!
"Leche ka! Kailan ba maging uso sainyo ang salitang 'Good morning'?" Tanong ko.
[Che! Di pa yan naimbento samin eh. Oh, san ka na ba ha!?] Pasigaw na tanong niya. Baliw talaga! Ano bang problema nito? At ang lakas ng loob na ako pa talaga ang sini-sigawan niya. Ano kasalanan ko?
"I'm on my way Andrea, you don't have to shout kasi di pa naman ako bingi noh?" Pilosopong sabi ko. Natahimik naman siya. Thank God! Natahimik na siya, baka siguro na traffic, wala kasing preno yung bibig nun.
[Che! Wag kang pilosopo dyan sissy!] Aniya.
"Sige bye na, malapit na ako sa school eh---" di na ako pinatapos at.
*tooot tooot tooot*
Lecheng babae yun di man lang ako pinatapos. Nasanay na din ako sa ugali niya, yung di uso sa kanya ang mag 'good morning' or 'hello', tapos yung ugali din niyang walang preno ang bibig, dal-dal diyan, dal-dal dito, dal-dal sa labas, kahit san mo siya ilagay, napaka dal-dal niya, siya nga yung binansagan ng 'Reyna ng kadal-dalan' kaya mahal na mahal namin yun.
"Princess, andito na po tayo! Good luck! susunduin nalang po kita ng 5:00 pm" Masiglang paalala niya. Tumango naman ako at napa tingin naman ako sa labas ng kotse, at nakita ko ang napaka laki naming school, Gosh! Am I ready?
Lumabas na ako at dahan-dahang pumunta ng school gate. Para akong yelo na dahan-dahang nalalanay sa mga mata na naka masid mula sa kinatatayuan ko, yung iba nag bubulongan, yung iba din naka masid lang. Ano ba? May nagawa ba ako dito? Dahil sa pagtataka ko, agad akong tumakbo papuntang school gate at ipinakita ang I.D. ko. Di na ako nakapag 'good morning' kay manong security guard. Every time kasing dumadaan ako dito, hindi ko talaga kinakalimutang bumati kay manong security guard, pero ngayon lang talaga. Sorry manong !
Kahit na nasa loob na ako ng campus eh di parin mawawala ang pagmamasid sakin ng napakaraming mga mata.
'Andito na pala siya'
'Sana okay na siya'
'She's still pretty, crush ko na talaga siya'
'Sana di siya magbago matapos ng mga nangyari'
'Bumalik pa siya ha!? Sana di na siya bumalik, wala din naman siyang kwentang president eh'
'Yung nangyari sa kanya? Huh! She deserved it'
Nakakatuwa, kasi yung iba natutuwang bumalik ako, pero may iba din namang nagagalit sa pagbabalik ko. Ganyan ba sila mag welcome sa nag-iisa nilang school president?
Andito na ako ngayon sa tapad ng classroom namin, ang grade 10-A. Wohoooo! Kaya ko to. Dahan-dahan kong binuksan ang classroom namin at
Wala atang tao? Asan sila? Ang dilim. Tapos parang may tao sa likod ko, humarap ako at
"AAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!"
~~~~~
sorry po natagalan po ako sa pag-update, mahina po kasing yung cignal dito sa Mars. Patawad ho!!
Sorry din po kasi hindi po ganun ka-haba yung Chapter 3.
Ba-bawi po ako next chapter.Mahal ko kayo!
-HashHashtags
BINABASA MO ANG
Maling Akala
De TodoAkala natin totoo yang Fairytale na yan, tapos lahat tayo na mga princess eh may prince charming, yun pla ay akala lang. 'ISANG MALING AKALA' Because Fairytales? Castles? Glass shoes? Prince charming? They are just fake, a trickery of the mind. But...