Kabanata 24

258K 6.4K 837
                                    


Kinalimutan.

xxRaevenxx

"What the F just happened?!" Nagsusumigaw si Deuce pagkakita nya sa akin ngayong umaga.

We both woke up naked, ang pinagkaiba lang, may naaalala ako at sya ay wala.

"D-Deuce--"

Pumikit si Deuce na parang nagpipigil ng inis.

"Attorney! Call me Attorney."

"Attorney, may nangyari sa atin." Hayag ko. Pinalakihan naman ng mata si Deuce at mabilis na umiling iling.

Kitang kita mo sa mukha nya ang anyo ng napagsamantalahan at nadungisan ang puri.

"D-did you just--- Did you just rape me?!" Sigaw nya. Hinila nya ang kumot mula sa akin kaya ako naman ang nawalan ng takip.

Hinila ko din ang kumot kaya sya naman ang nawalan ng takip.

"Ano ba?!" Halos mapatalon ako sa pagsigaw nya.

"Tinatanggalan mo kasi ako ng kumot.." Nakayukong sabi ko.

"At ako? Ayos lang na walang takip?"

Ngumuso ako sa kanyang sinabi at tiningnan ang palad kong magkadaop. Nakita ko naman na ang lahat.

"May nangyari na naman sa atin so--"

"Don't you dare say that! Paano nangyari yon? I was mad at you! Paanong--- paanong may nangyari.."

"Ginapang mo ako, Attorney.." Namula ng husto ang pisngi ko. Nakakahiya ang usapan namin.

"Hah! Maganda ka? Sexy? Yuck."

Sumimangot ako agad. "Sabi mo kagabi maganda ako. Magandang maganda."

"Ha.. Malamang nagsasalita ako ng tulog." Umirap pa sya sa akin.. "At ikaw, gumawa ka ng paraan para gapangin ako."

"B-bakit ako?"

"Ewan ko! Matagal mo na akong pinagnanasaan di ba?"

"Hala---" Sabi nya ng may pagpoprotesta.

"Wag ka ng magsasalita. Naiinis ako!" Tumigil na nga ako sa pagsasalita.

"Pahiram ng kumot, magbibihis ako." Bahagya kong hinila ang kumot pero mahigpit ang kapit ni Deuce.

"At anong ipantatakip ko ng ano ko?"

"Kamay?" Sagot ko naman.

"Hindi kasya!" Reklamo nya.

Tumingin ako doon sa baba nya na natatakpan ng kumot. Ah baka hindi talaga kasya kasi---

"Hoy! Ano bang tinitingnan mo dyan?" Iritableng tanong nya.

"Pipikit na lang ako." Suhestyon ko.

"Tss." Kumuha sya ng unan at itinakip doon sa bahagi nya. "Dapat ako ang maunang maligo pero sige na. Pagkatapos natin maligo mag-uusap tayo."

"S-sabay tayo?"

Pinanlakihan si Deuce ng mata dahil sa tanong ko "Hindi! Bakit ganyan ka mag-isip! Tigilan mo ako Raeven."

Nagtungo na ako sa bathroom habang takip takip ng kumot. Baka magalit sya bigla.

----

xxDeucexx

Kingina, this can't be real. Pero may dugo ang bedsheet. She can't stay pure for so long lalo na't may boyfriend na sya.

O baka hindi naman to dugo.

TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon