Kabanata 27

282K 6.4K 615
                                    



Ang Panda at ang Kawayan.

xxRaevenxx

"Apology accepted, Attorney. Nag-alala din ako dahil akala ko may masamang nangyari sayo." Tinapik ko ang likod nya pero pinanatili ang yakap nya sa akin. Gumaan ng husto ang pakiramdam ko, parang ito lang ang kailangan ko sa kabila ng sama ng pakiramdam ko kahapon.

This is one of those things na kailangan ko para maniwala ako na kailangan kong mabuhay. To still feel this warmth and comfort. Sana lang bigyan nya ako lagi ng dahilan para lumaban. Dahil ang paghinga ko, nakadepende na lang sa mga taong umaasang mananatili ako kahit hindi nila alam ang kalagayan ko.

Hinawakan ako ni Deuce sa magkabilang braso at pinanliitan ako ng mata. He pressed my nose twice kagaya ng ginagawa nya noon kapag may ginagawa akong hindi nya nagugustuhan.

"Wag mo ng uulitin yon. Kapag hindi ako dumating sa oras, umalis ka na.." Mahinahong sabi nya.

"Paano kung dumating ka pero wala na ako?" Tanong ko pabalik.

"Ayos lang. Basta panatag ako na hindi kita pinag-intay."

"Dumating ka naman di ba? Pag sinabi mong dadating ka, mag-iintay ako."

Mas lalong nanliit ang mat ni Deuce at napakamot ng kanyang ulo.

"Aist! Ang tigas ng ulo. Gutom ka ba? Nasaan na ang diet plan na binigay nung doktor na yon?" Naiinis na tanong nya. Ibinigay ko ang papel na hawak ko mula kay Martin at agad nyang binasa iyon.

"Sige, magluluto ako. Higa ka muna sa kama at pilitin mong matulog. Nagpupuyat ka kasi kaya ka Anemic. Tingnan mo, may pasa ka na." Hinawakan ni Deuce ang braso ko pero iniwas ko yon sa kanya.

Ang bilis ng simtomas sa akin. Sana makuha ng gamot na inireseta sa akin ni Dra. Caedo, ang oncologist na kaibigan ni Martin. Si Martin lang ang bumili ng gamot para sa akin pero ang reseta, galing sa doktor na espesyalista sa cancer.

Stage 1 cancer. May pag-asa pang labanan, pero mas mabilis ang pagkalat kaysa sa proseso ng pagpapagaling,

"Papasok ka pa hindi ba?" Sumunod ako sa kanya patungo sa kusina. Tutok ang mata nya doon sa meal plan na hinanda ni Martin habang naglalabas ng kung ano ano sa ref.

"Hindi.. Hindi na siguro. Dito muna ako para mabantayan ka. Bukas wag ka munang pumasok sa school--"

"Ayoko." Sagot ko agad. May importante kaming report kaya hindi ako maaring umabsent. Nagtaas ng kilay nya si Deuce.

"Tsk, siguro gusto mo talagang magkasakit para makita ang Martin na yon?" Akusa nya.

"Importante ang klase ko bukas."

"At ang kalusugan mo, hindi? Tsk, dapat hindi na lang kita pinabalik sa eskwela."

Napayuko ako, gusto ko pa ding makapagtapos sana lalo na may tsansa na mamatay ako. Deuce sighed then pat my head tapos binigyan ako ng ngiti.

"Nag-aalala lang ako okay?"

Tumango ako.

Naniniwala nga akong nag-aalala sya dahil kinabukasan, nagseat-in sya sa klase ko. Pinagtitinginan sya ng mga kaklase ko pero wala syang pakialam. Madami ang namangha ng husto sa kagwapuhan nya but Deuce don't mind, nakasimangot sya at diretso ang tingin sa akin. Pinagmamasdan nya ako at nakikinig sa klase.

"Miss Mendoza, so your opinion contradicts what's written in your book, sigurado ka bang nagbasa ka?" Tinaasan ako ng kilay ni Professor Lou, mabagsik talaga ito at dati pang kinakatakutan ng lahat ng estudyante.

TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon