Wedding.xxRAEVENxx
"Deuce hindi. Hindi mo ba nakikita? Hindi natin maaring ipagpatuloy to dahil isang taon na lang magiging abogado ka na. At ako? Waitress, estudyante na hindi makapagtapos." Pinalis ko ang luha ko. Now I see the hole. Mas lalong lalaki ang butas kapag nanatili kaming dalawa.
"Hindi.. Hindi Raeven. Hindi ganon. Kailangan ba hindi ako maging abogado para bagay tayo? Sige! Hindi na. Hindi na ako papasok. Please, Baby." Humihikbi si Deuce at mahigpit akong niyakap mula sa pagkakaluhod nya kanina.
"Mahal na mahal kita. Di ba sinabi ko sayo na mahal na mahal kita? Hindi mo ako pwedeng iwan. That's why I am trying to be the best because of you, pero kung yun pala ang magiging dahilan mo para layuan ako, ayoko na. Ayoko na nito." Nabasa ang balikat ko dahil sa mga luha ni Deuce. Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha ko. Naglaho ang isang magdamag na binuo kong mga salita sa utak ko, I really want to break up with him last night but I love him too. So much. Lalo na kapag nagmamakaawa sya ng ganito.
"Pero paano Deuce? Hindi ako magugustuhan ng Daddy mo? At marami pang aayaw. Hindi tayo bagay."
Umiling si Deuce. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. His stare became passionate. Kitang kita ko ang emosyon at pagsusumamo sa kanyang mga mata. How can I not give in?
"Wala akong pakialam. Wala tayo dapat pakialam. Sa akin lang ang tingin mo Raeven. Sa akin lang. Hindi kita sasaktan." Pagkasabi non ay nilapit nya ang mukha nya sa akin ay masuyong hinalikan. I kissed back, letting go all of my inhibitions. Mabilis nyang pinawi ang sugat at sama ng loob mula sa kagabi.
"Magpakasal tayo ngayon." Bulong nya pagkahiwalay nya sa aking mga labi. My mouth fell wide open.
"H-ha? Nababaliw ka na ba Deuce?"
"Seryoso ako."
"Itinatanan mo na ba ako?" Tanong ko ulit.
"Ayaw mo ba?"
"Sa tingin mo ba papayag ang Daddy mo?" Balik tanong ko. He just shook his head.
"Di ba sabi ko nga wala tayong pakialam sa kanila? I want to marry you Raeven. I want an assurance na hindi mo na ako ulit tatakutin ng ganito." Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.
Alam kong nasa tamang edad na kami pero nag-aaalala ako na baka bugso lang ng damdamin ito. That he just said it because he wanted to ask for my forgiveness. Pero natagpuan ko na lang ang sarili namin na nakaharap doon sa judge na magkakasal sa amin. Ninong pala yon ni Deuce at pinsan din ng Mommy nya.
"Sigurado ka Dos?" Tanong nito sa kanya. Pabagsak na umupo sa swivel chair ang isang may katandaang lalaki. May hawig sya kay Deuce, hindi maipagkakaila sa kabila ng katandaan ang angkin nitong kagwapuhan.
"Hindi to alam ng Mommy at Daddy mo. Pati ang mga magulang ni--- Ano nga pangalan mo ulit Hija?"
"Raeven po." Sagot ko.
"Hindi simpleng bagay ang pagpapakasal. Hindi yan parang kanin na kapag napaso ka, iluluwa mo na lang."
"Tito Dad, I know what I am doing. Isa pa, graduate na ako ng Political Science. Si Raeven ay isang taon na lang sa kolehiyo. I am 25 and she's 23."
Sinipat akong muli ng judge. Ngumiti ako ng tipid. Napabuga sya ng hangin at mayroong tinawagan. Kinakausap pa din nya kami habang ang tenga nya ay nandoon sa telepono.
"O sya sige. But this beautiful lady deserves a grand wedding. Kung talagang mahal mo sya ay ihaharap mo sya sa pamilya mo at haharap ka sa pamilya nya. Hindi yung ganito. I don't know." Nagkibit balikat ang judge bago saglit na inialis ang tingin sa amin "Barbara. Get their information. Magpapalit lang ako ng damit pra maayos naman ako and I will call your Tita Mommy para maging witness." Agad na lumapit sa amin si Barbara na sekretarya ng judge para kunin ang detalye namin ni Deuce.
BINABASA MO ANG
TOUCH ME AGAIN
RomanceHe loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite of that-- She left him.. Nang magtagpo muli ang kanilang landas, would it be sweeter the second time around? O muling mabubuhay ang...