"Malala na ang TB ng iyong ina. Hindi na ito kaya nang pag-inom lang ng gamot. Sumabay pa na diabetic pa pala siya. Kung naagapan sana hindi hahantong sa ganito ang lahat. Kailangan na siyang i-admit kaagad. Pero, tatapatin ko na kayo, baka hindi na siya abutin ng humigit kumulang na anim na buwan." Malungkot na saad ng doktor sa kanila ni Tiyo Dan.
Walang humpay namang tumulo ang kaniyang luha habang nakatingin sa nakaratay na ina. Wala pa rin itong malay. Bakit hindi nito sinabi ang bagay na iyon? Inilihim nito dahil alam niyang wala silang perang panggamot.
"Malaki raw ang magagastos sa panggagamot ng nanay mo. At hindi ko alam kung saan tayo kukuha niyon. Kailangan rin daw siyang ikuha ng sariling kuwarto para hindi makahawa sa iba. Nakakainis naman bakit si Tet pa ang dinapuan ng ganiyang sakit." Nakatiim-bagang ito habang nakatingin rin sa kaniyang ina.
Minsan, naiisip niya ring mahal nga talaga ng Dan ang kaniyang ina. Dahil kahit palaging nag-aaway ang mga ito, hindi naman sila nito iniwan.
Tumayo si Sam at nagpaalam saglit na hahanap ng pera. Ito na muna ang pinagbantay niya. Babalik na lang siya mamya kapag may nahiramanan na siya.
Sana.
Pampubliko man ang hospital pero marami pa ring dapat na bilhing gamot pati ang laboratory na gagawin. Kaya malaki-laki rin ang kakailanganin niya.
Habang palabas ng hospital, nagdayal-dayal siya ng mga kaibigang maaaring mahiraman niya ng pera. Nag-GM rin siya at hindi na ininda ang kahihiyan. Para iyon sa kaniyang ina. Subalit, kahit isa ay walang tumugon. Iniisip siguro nilang wala siyang pambayad o hindi siya makakapagbayad.
Minabuti niyang umuwi muna. Naiwan niya kasi ang bagong contact number ni Shaira. Basta na lang niya iyong naisuksok sa pantalon at nawala naman sa isip niyang i-save sa cellphone.
Pagkapasok sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kuwarto at nahiga saglit sa lapag. Naghalo-halo na kasi ang pagod niya at gutom sa maghapon. Parang ngayon niya lang naramdaman ang lahat ng iyon. Sumabay pa ang pag-iisip kung saan kukuha nang malaking halaga para sa ina. Nais na niyang sumigaw sa mga kamalasang nangyayari sa kaniyang buhay.
Mayamaya pa ay tumayo na rin siya. Agad na nilapitan ang pantalong nakasabit sa dingding. Kinuha at kinapa ang likurang bulsa nito. Napangiti nang makitang narito nga.
Dadamputin na sana niya ang cellphone na naiwan niya sa lapag nang matigilan. Napansin niya kasing katabi nito ang pink na notebook ng wishlist. Narito ba ito kanina? Bakit parang hindi naman niya ito napansin. Baka sa sobrang pagod kaya hindi niya namalayan na narito lang ito. Pinagwalang-bahala niya lang iyon at tuluyang dinampot ang aparato.
Mabilis na idinayal ang numerong nakasaad sa kapirasong papel. Habang nag-aantay sa pagsagot ni Shaira sa kabilang linya, nanatili siyang nakatingin sa notebook na nasa lapag.
"Hello, Shaira? Si Sam ito."medyo chappy ang signal kaya minabuti niyang lumabas ng kuwarto at dumiretso sa may pintuan.
"O, Sam kamusta?" masayang bati naman ni Shaira. Medyo nagkaroon siya ng kaunting pag-asa dahil good mood ang kaibigan.
"Ano kasi..." napakunot-noo si Sam ng busy tone na ang sunod niyang narinig at kahit anong hello niya ay walang Shaira na tumutugon. Idinayal niyang muli ang numero nito pero wala na pala siyang load na pangtawag.
Itinext na lang niya ito at sinabi ang pakay. Ilang segundo pa at nag-reply naman ito, wala raw itong mapapahiram sa kaniya.
Nanlumong pumasok na sa loob ng bahay si Sam. Malungkot na naupo sa isa sa mga upuang nasa hapag at nangalumbaba. Nabubuwiset na nasapo niya ang noo at hindi sinasadyang napalingon sa kaniyang kuwarto.
Bigla siyang natigilan sa naisip. Marahan siyang tumayo at lumapit sa kurtina at hinawi iyon. At doon sa lapag nakita niya ang maaaring makalutas ng kaniyang problema.
Sana nga.
Wishlist 2:
Sam
2016Ang kabuuan ng buong kuwento ng WISHLIST 2: SAM ay mababasa na sa DREAME (www.dreame.com). I-search lang ang JHAVRIL at naroon na ang pagpapatuloy nito. Mahilig ako sa twist kaya asahan na may kakaiba sa kuwentong ito. Maayos na rin po siyang na-edit. Pa-follow na rin po ako. Salamat sa pang-unawa :) daily update po 'yon :)
BINABASA MO ANG
Wishlist 2: SAM
HorrorTutuparin muli ng wishlist ang mga bagay na gugustuhin mong magkaroon. Subalit, gaya ni Rick kailangan sundin ni Sam ang mga utos para sa kaganapan nito. Kakayanin niya kaya o kaagad siyang susuko? Alamin sa pangalawang librong gugustuhin mo bang m...