Humans - Ordinary people.
Hiddens (Partly-Human and Non-Human) Mermen and Mermaids, Vampires and Wolves, Witches and Warlocks, Faeries and Elves, Giants and dwarfs, Albino, Monsters, Beasts, etc.
BABALA: Ang kwentong ito ay puno ng mali, grammar, spelling at kung anu-ano pang kaechusan. So kung feelingerang reader ka at gusto mo ng perpektong kwento pwes hindi ito para sayo. Hindi ko bet ang mga feelingerang palaka na kung makacomment akala mo kung sinong prinsesa... Punyeta wala ka namang maipagmamalaki!! Hindi ako masungit guys sadyang nakakahighblood lang talaga yung ibang mga palakang readers.
___o*O*o___o*O*o____o*O*o___
Ako si Shero Tan, 16 years old. Kasalukuyan akong nag-aaral bilang freshman sa Yin-Yang University dito sa Maynila. Ang mga estudyante ng Yin-Yang University ay nahahati sa dalawang klase, ang Grey Class at ang Crimson Class. Ang grey class ang kinabibilangan ng mga average students samantala ang crimson class naman ang kinabibilangan ng mga advance students, sila 'yung mga matatalino, genius at mga multi-talented na mga estudyante.
Dalawa ang kulay ng uniporme ng mga estudyante ng Yin-Yang University, kulay grey para sa grey class at crimson naman para sa crimson class. Sumusunod din kami sa tinatawag na time-rule dito sa university, 7:00 am hanggang 3:00 pm, sa loob ng oras na ito ang buong campus ay pagmamay ari ng grey class at walang crimson ang pwedeng pumasok sa loob ng campus. Mula 4:00pm hanggang 11:00pm naman ang campus ay pagmamay-ari ng crimson class at walang grey class ang pwedeng pumasok dito.
Ayaw ng grey class sa crimson class at ayaw din ng crimson class sa grey class, parang araw at gabi lang ang relasyon ng dalawang klase na hindi pwedeng magsama. Tinitingala at kinakatakutan ng mga grey ang mga crimson, tinitingala dahil magaganda, gwapo, matatalino at multi-talented ang mga ito. At kinakatakutan dahil, mayayabang, masusungit, dominante at masasama ang ugali ang karamihan sa kanila.
Hawak ng crimson class ang student council, pati na ang mga staffs at mga propesor at propesora ng Yin-Yang, sa madaling salita ang crimson society ang nagpapatakbo ng University. Sa kabuuang populasyon ng mga estudyante ng Yin-Yang ay 95% sa mga estudyante ang kabilang sa upper class o mayayaman at 5% naman ang kabilang sa lower class o mahihirap. Hindi lahat ng nasa crimson class ay matatalino o multi-talented ang iba sa kanila ay mayayaman lang talaga kaya nakapasok sa crimson society.
Ako naman ay kabilang sa grey class at masaya na ako do'n. Tahimik at normal ang buhay ko sa Yin-Yang pero nagbago ang lahat nang isang gabi ay sinuway ko ang time-rule ng school at dahil dito'y nagtagpo ang landas namin ni Tristan Armando Razon, isang crimson na mayabang, dominante, moody at suplado.
Dahil din sa pagbreak ko ng time-rule kung kaya marami akong nadiskubreng hindi pangkaraniwang mga bagay-bagay tulad na lamang ng mga tao at mga hidden na kagaya kong sereno ay nagtataglay ng kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
[THS Book I] Yinyang University - The Aquaist Tale (Completed) *BoysLove*
أدب المراهقينThe Hidden Series [Book 1] YINYANG UNIVERSITY - The Aquaist Tale [Year created: 2013] *** My name is Shero and I am a mixed blood, half-human half-hidden. I am a guardian. I am one of the four elemental users and they called me 'the Aquaist'. I have...