Nananaginip ba 'ko nang gising? Tama panaginip lang ito, hindi totoong first kiss ko ang Tristan na 'to pero bakit... bakit nararamdaman ko ang labi niya sa labi ko? Wahhh! Totoo nga ang halik na 'to, hindi ito panaginip. Akmang ilalayo ko na ang mukha ko nang biglang humigpit ang yakap niya sa 'kin kaya lalong nagkadikit ang mga labi namin. At bigla ay may naramdaman akong basa at malambot na bagay na pumapasok sa bibig ko. Dila? Wahhh!! Dila 'to ni Tristan, ano'ng gagawin ko? Inipit ko ang mga labi ko para hindi makapasok ang dila niya sa 'king bibig. Yuck! Kadiri talaga 'tong lalaking 'to, gusto pa 'kong e-frenchkiss.
"Por favor, abra los labios," mahinang usal niya. Ano daw? Por favor? Spanish 'yon ah. Hindi ako espanyol kaya hindi ko maintindihan 'yong sinabi niya.
Parang lalo siyang naging agresibo at sa isang saglit lang ay natagpuan ko naman ang aking sarili na tumutugon sa halik niya. What the heck? Nagfe-frenchkiss kami! Kanina lang nandidiri ako pero ngayon lumalaban na 'ko sa halik niya. First time ko ito kaya hindi ako masyado marunong.
First kiss ko lalaki? Sandali lang hindi ito tama. Iniwas ko ang aking labi at tinanggal ko ang pagkakayakap ni Tristan sakin. Tinulak ko siya palayo pero nanatili pa rin siyang tulog, hindi man lang siya nakaramdam.
Nilingon ko ang wall clock at nakita ko ang oras, five pa lang ng madaling araw. Gusto ko pa sanang matulog pero hindi na pwede dahil 7:00 am ang pasok ko kaya bumangon na 'ko at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumalik na 'ko sa kwarto para magpalit ng damit at nadatnan ko si Tristan na tulog pa rin, sa subrang himbing ng tulog niya ay para siyang mantika na ipinasok sa ref. At biglang puminta sa isip ko ang eksena ng paghahalikan naming dalawa kani-kanina lang. Iyon ang unang halik ko, hindi dapat iyon nangyari. Umiling-iling ako para itaboy ang ala-alang 'yon. Hay naku isang pagkakamali iyon. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at tumugon ako?!
Pagkatapos kong magbihis ay hinanda ko na ang aking mga gamit sa klase para sa pagpasok. Ang pagpe-prepare ng gamit ang huli kong ginagawa bago ako umalis ng condo at hindi ang pag-aalmusal dahil doon ako nagbe-breakfast sa canteen ng Yin-Yang para maka-save ng oras at hindi rin kasi ako mahilig magluto dahil hindi ako marunong. Saktong alas sais nang lumabas ako ng unit at naiwan namang tulog si Tristan. Hindi ko na siya ginising at iniwanan ko na lang siya ng sulat sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Sabi ko sa sulat, "Salamat sa pagtulong mo kagabi, salamat sa pagdala ng notebook at libro ko. Sana hindi na magcross ang landas natin para iwas disgrasya. Pakilock na lang ng pinto ng unit ko pag-uwi mo. Salamat!"
Ilang minuto lang ang lumipas at narating ko ang Yin-Yang. Dumiretso ako sa canteen at doon nag-breakfast. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na 'ko at tumungo sa building of mathematics, 4 storeys iyon at bawat floor ay merong tig-aanim na lecture room. Nasa first floor ang sa freshmen, second floor para sa mga sophomore, third floor para sa mga juniors at fourth floor naman para sa mga seniors.
Papasok na 'ko sa pinto ng lecture room sa algebra nang may marinig akong tumawag sakin.
"Shero!"
Lumingon ako sa 'king likuran at nakita ko si Canzo. Siya ang tumawag sakin at kasama niya si Lesha. Mga kaklase ko sila at tinuturing kong mga best friend. Dito ko lang sila nakilala sa Yin-Yang dahil pareho kami ng kursong kinukuha, BSBM.
BINABASA MO ANG
[THS Book I] Yinyang University - The Aquaist Tale (Completed) *BoysLove*
Fiksi RemajaThe Hidden Series [Book 1] YINYANG UNIVERSITY - The Aquaist Tale [Year created: 2013] *** My name is Shero and I am a mixed blood, half-human half-hidden. I am a guardian. I am one of the four elemental users and they called me 'the Aquaist'. I have...