Chapter 2: Sleep Over

36.2K 788 41
                                    




"Sino ka?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya at nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Tristan Armando Razon" balewalang sagot niya at binagsak niya sa harapan ko ang dala niyang plastic bag. "Iyan ang notebook at libro mo," aniya.

Natigilan at napanganga ako sa kanyang tinuran. Napakabastos. Pwede naman niyang iabot sa 'kin bakit kelangan pang ibagsak? Yumuko ako at dinampot ang plastic bag. "Salamat," sabi ko na pinipigilan ang inis sa ginawa niya.

Nakatitig ako sa mukha niya at nakikita kong parang naiirita siya, siguro 'yon ay dahil sa nabasa siya ng ulan. Well, hindi ko na kasalan kong wala siyang payong at saka ako rin naman ah nabasa rin ako ng ulan. Isa pa hindi ko naman sinabi sa kanya na sumuong siya sa ulan para ihatid ang gamit ko dito sa condo. Hindi na ako nagtataka kung paano niya natagpuan itong tinitirhan ko, meron kasi akong address sa notebook at libro ko kaya siguradong doon niya iyon nalaman.

"Susi mo," inabot niya sakin ang susi ng locker ko. Kinuha ko ito at bigla niya na lang akong itinulak ng bahagya at dahil do'n ay napaatras ako.

Hindi ako nakapagsalita ng dumiretso siya sa loob ng unit ko. Hanep ah porque tinulungan niya 'ko kanina magfe-feeling close na agad siya o sabihin na natin na nagfe-feeling may karapatan na siyang gawin ang gusto niya? Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanya. Tumungo siya sa sala at doon sa harap ng malaking aquarium huminto.

"Nice aquarium," aniya habang nakapako ang mga mata niya roon.

Hindi ako tumugon at binantayan ko lang ang susunod niyang gagawin. Ano kaya ang balak nito at pumasok sa unit ko? Ang kapal, hindi ko nga siya inimbitahan na pumasok eh. Masaya na sana ako dahil binigay niya sakin ang notebook at libro ko pero heto at nang-iisturbo pa. Parang iniinis talaga ako, ayaw pang umalis.

Nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang kanyang basang blazer at pati na ang white long sleeve at sando niya.

"Sandali, anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko at nakakunot ang aking noo.

Lumingon siya sakin. "Ano pa nga ba? Eh 'di naghuhubad," sarkastikong sagot niya sakin at binawi ang paningin. Sinunod niyang hubarin ang basa niyang sapatos at medyas.

"Bakit ka naghuhubad?" tanong ko pa.

Muli niya kong nilingon habang abala naman ang dalawa niyang mga kamay sa pagtanggal ng belt at hook ng pants niya. "Dahil ayokong magkasakit, basa ako ng ulan," aniya at binaba niya ang kulay crimson niyang pantalon. Tanging maikling boxer na kulay green ang naiwang saplot sa kanyang katawan. Maganda ang hubog ng kanyang katawan, hindi maipagkakaila iyon. Siguro nage-gym siya o hindi naman kaya ay active sa sports kaya medyo mamuscle ang kanyang katawan.

"Nasa'n ang banyo?" tanong niya sa 'kin. Hindi ako sumagot at tinuro ko ang pinto na nasa kanang bahagi ko. "Bigyan mo 'ko ng tuwalya at maliligo ako. Pahiramin mo na rin ako ng boxer at sando," dagdag niya.

Napabuntong hininga ako. Kakaasar. Makautos ang Tristan na 'to para niya 'kong katulong. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi lahat ng mga taong kusang tumutulong ay walang may hinihintay na kapalit, minsan ang iba sa kanila ay meron. At ito ang isang halimbawa si Tristan Armando Razon na isang crimson ng Yin-Yang University.

"Hoy! Ano na?! Tutunganga ka lang ba diyan? Kumilos ka na!" nagulat ako sa lakas ng boses niya. Nakatayo na siya sa tabi ng pintuan ng banyo at bakas sa kanyang mukha ang pagkainip.

[THS Book I] Yinyang University - The Aquaist Tale (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon