Chapter 4: Crimson Invasion

29.3K 710 20
                                    




Kinabukasan ay huwebes. Alas otso ng umaga ang pasok ko kaya alas siyete pa lang ay pumaroon na ako sa Yin-Yang. Nagulat ako nang pagpasok ko sa gate ay sinalubong ako ng hindi magandang tanawin. Nakakalat ang mga crimson kahit saan.


Panaginip ba 'to? Binabangungot ba 'ko? Bulong ko sa aking sarili at pinisil ko ang aking braso. Aray! Hindi ako binabangungot, totoo nga ang mga nakikita ko. Ano ang ginagawa ng mga crimson sa Yin-Yang ng ganito kaaga? Hinahunting ba nila ako?


Kinabahan ako, parang gusto kong umatras palabas ng gate. Habang naglalakad ako patungo sa canteen ay nakayuko ako at medyo nanginginig ang tuhod ko. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Parang hihimatayin yata ako ano mang sandali. Pa'no kung mamukhaan ako ng mga crimson na nakakita sa 'kin noong nakaraang gabi? At saka nandito kaya si Tristan? Kung nandito man siya sana hindi kami magkita. Tiyak kamalasan ang sasapitin ko kapag nagkita kami.


Wala ang pokus ko sa daan at lutang ang isip ko kaya isang crimson ang nabangga ko. Patay! Ang tanga-tanga ko talaga, ang daming pwedeng banggain na kapwa ko grey, bakit crimson pa? Inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang mukha ng lalaking crimson. Tisoy, matankad at parang artista ang dating niya. Blanko ang ekpresyon ng mukha niya kaya hindi ko alam kung galit siya o hindi. Hinanda ko ang ang aking sarili at baka suntukin niya 'ko sa mukha nang biglang...


"Sorry, hindi kita napansin," sabi ng crimson sa 'kin at ngumiti. Lumabas ang biloy niya sa kanang pisngi. Tinaas niya ang hawak na celphone tanda na busy siya sa pagtetext kaya nabangga niya 'ko. Ang totoo'y ako naman talaga ang may kasalanan.


Napaawang ang aking mga labi dahil hindi ko inaasahan na hihingi siya ng sorry sa 'kin. Hindi naman pala lahat ng crimson wild at masusungit. "Sorry din," sabi ko.


"It's okay. By the way I'm Fildon," aniya at inilahad niya ang kamay sa 'kin para makipag-handshake.


Tipid akong ngumiti. "Shero," pigil hiningang tugon ko at nakipag-handshake sa kanya. Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang grey at mga crimson sa paligid namin. "Nice meeting you, sige mauna na 'ko," sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-dali na 'kong umalis papuntang canteen. Narinig ko pa siyang sumigaw ng 'wait' pero hindi na 'ko lumingon pa.


Nadatnan ko sina Canzo at Lesha sa canteen na nag-aalmusal kaya sumabay na rin ako sa pagkain sa kanila. Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming tatlo na dumiretso na sa arts and sciences building para sa aming first subject na humanities. Habang patungo kami sa building ay panay ang iwas at layo namin sa mga crimson. Napagkatuwaan naming i-visualize ang mga ito bilang mga bomba na sasabog ano mang sandali kaya dapat iwasan. Sa ngayon ay wala pa kaming ideya kung bakit sila nasa campus dahil wala pang binibigay na announcement ang Dean.


Narating namin ang lecture room nang ligtas, ibig sabihin ay wala kaming nasagi o nabangga na mga crimson na pwedeng maging dahilan at malagay kami sa alanganing estado dito sa Yin-Yang. Maimpluwensya ang mga crimson kaya mabuti na 'yong nag-iingat. Binuksan ni Lesha ang knob ng pinto at naunang pumasok sa loob, sumunod si Canzo. Humakbang na rin ako nang bigla akong natigilan dahil nakita ko si Tristan na nakaupo sa ibabaw ng teacher's table sa harapan. Parang naging estatwa ang buo kong katawan, hindi ako makagalaw. Nakatitig siya sa 'kin. Katulad ng dati'y masungit ang ekspresyon ng kanyang mukha. Wtf?! Bakit siya nandito? Sahig pakiusap bumuka ka at kainin mo ako nang buhay!


Bigla akong kinabahan at napangiwi ako nang makita ko siyang suminyas sa 'kin at pinapalapit niya 'ko sa kanya. Pakshit talaga 'tong lalaki na 'to. Siyempre ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang lumapit, wala naman akong choice. Humakbang ako patungo sa direksyon niya at huminto ako mga isang dipa ang layo sa kanyang harapan. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Iyon bang parang nagbabanta, feeling ko kasi meron siyang hindi maganda pinaplano. Sa titig pa lang ng mga mata niya'y alam ko nang nasa danger zone ako. Pero mukhang malabo na umubra ang warning look ko sa kanya. Ang isang suplado na katulad ni Tristan ay siguradong hindi matatakot sa masamang titig ko. Sa sitwasyong 'to ako dapat ang matakot at hindi siya dahil hawak niya 'ko dahil sa pag-break ko ng time-rule.


Sininyasan niya ulit ako na lumapit pa sa kanya. Sandali naman akong hindi gumalaw at nilingon ko ang aking mga kaklase na walang mga imik at nakatingin lang sa 'kin. Tikom ang kanilang mga bibig at ang kanilang ekpresyon ay parang nagsasabi na 'lagot ka'. Naku kung alam lang nila ang kalbaryo na pinagdaanan ko noong nakaraang gabi, ewan ko lang kung ano magiging reaksyon nila.


Hinakbang ko ang aking mga paa palapit kay Tristan hanggang sa ilang inches na lang ang layo ko sa kanya. Nakaupo siya sa ibabaw ng mesa at nakabukaka, at ako nama'y nasa harapan niya mismo. Nakaramdam ako ng hiya dahil ang sagwa ng ayos naming dalawa. Feeling ko namumula ang pisngi ko.


Nilapit niya sa 'kin ang kanyan sarili at bumulong sa tenga ko. "Kumusta? Masaya ka bang nagkita tayo muli?" bulong niya sa 'kin at binawi ang sarili.


"Masaya? Ay oo subrang saya ko. Gusto ko ngang magpaparty mamaya eh," sagot ko sa mahinang boses para siya lang ang makarinig.


Ngumiti siya. "Dapat lang na masaya ka dahil hindi pa nila alam na ikaw ang..." mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig dahil malakas ang boses niya at maririnig siya ng mga kaklase ko. Plano ba niyang isiwalat sa harapan ng mga kaklase ko ang ginawa ko?


Lumingon ako sa mga kaklase ko at nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Ang ibang mga babae ay napatakip pa ng kamay sa kanilang bibig. Takot ang mga grey sa crimson kaya siguradong nagulat sila sa ginawa ko. Alam kong walang grey ang maglalakas loob na gawin itong ginawa ko ngayon.


Tinitigan ko si Tristan. "Ay sorry... may laway kasi... pupunasan lang.. hehehe!" sabi ko at pilit na ngumiti. At nagkunwari akong pinunas ang gilid ng labi niya gamit ang aking daliri. Naku lagot na talaga ako nito. Sinusundan talaga ako ng malas.


Nasa ganoon akong ayos ng bumukas ang pinto. Lumingon ako roon at nakita kong pumasok ang isang crimson, si Fildon. Naabutan niya 'ko na nasa harapan nang nakabukakang si Tristan habang ang isang kamay ko nama'y nasa gilid ng labi nito. What the f? Ang ayos naming dalawa ni Tristan ay parang maghahalikan.


"Woooh?!" sabi ni Fildon. "Are you guys... kissing?"



ITUTULOY!!!

[THS Book I] Yinyang University - The Aquaist Tale (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon