PHOEBE'S P.O.V
"Ethan!" sigaw ko, hinihintay kong buksan niya 'yong bintana niya pero hindi niya 'to binuksan, tumingin tingin ako sa paligid, nakaisip ako ng pwede. Kumuha ako ng bato, at hinagis ko sa bintana niya, buti nalang hindi sensitive bintana nila hehehez.
Tama ako, binuksan niya at tumingin sakin "Sana naman nag UFO ka nalang para mapansin kita diba?" asar niya, inirapan ko siya at tumingin sa skate board ko.
"Sumama ka sakin," utos ko, pero nagprotesta pa siya. "Pano pag ayaw ko?" i sighed, "Lilibre kita ugat na alak," Pota corny HAHAHAHAHAHAHAHA.
"Huh?" tanong niya, hindi ako nagsalita, napahiya ako dahil sa ka-kornihan ko. "Root beer kasi deputa!" sabi ko, at napatawa siya ng mahina.
"Corny," sabi niya. "Bihis lang ako," dagdag niya, yes! sasama siya! pero no, baka masira puso niya. Tama ba 'yong gagawin ko? kailangan niyang malaman kung ano ginagawa ni Valerie diba?
"Valerie never loved Ethan, she just wanted to make you miserable, because she knows... and everyone knows that you can't live without him.. without Ethan,"
Paulit ulit ko nang naririnig 'yong boses ni William habang sinasabi niya 'yon. Hindi ko lang gets kasi wala naman akong ginawa masama kay Valerie, pero hindi na sakin mahalaga 'yon kasi mas mahalaga si Ethan.
Lumabas si Ethan na dala dala 'yong skate board, "Kung saan tayo pupunta, hindi ka aangal. Okay?" sabi ko, tumango nalang siya at inasar niya ako dahil sa mukha niya.
Sinuntok ko braso niya at tumingin sakin na parang wala siyang ginawa, "Yan ka nanaman eh!" angal niya, napa tsk ako. "Sabi ko walang aangal!" sigaw ko at napasmirk siya.
Nag skate kami patungo kung saan ako pupunta, tumingin ako sa relo ko, 10:34pm.. May curfew pa naman ako. Hindi tumagal, nandito na din kami sa labas ng bar.
It was noisy and it stinks here, minsan ako pumupunta dito kasi dito minsan nagtratrabaho si kuya, part time job something like that. "Phoebe.. bat tayo nandito?" tanong niya.
Tinakpan ko bibig niya, at binulong sakaniya "Trust me,'' sabi ko, binatukan niya ulo ko, ''Ano binabalak mo?'' tinanong niya.
Inirapan ko siya, ''Ulol, baka kung ano ano iniisip mo dyan ha? may papakita lang ako sayo,'' sabi ko at hinila ko na siya sa loob ng bar.
Madaming tao na sumasayaw at nagiinuman, karamihan nagkekwentuhan. Masaya rin naman dito kasi madaming tao na nakakalimot ng mga problema, back to the topic..
Nakita ko na si Valerie na nakikipaghalikan pa din sa lalaking halatang manyak, they were kissing like crazy. Pinabayaan ko muna sila, tumingin ako kay Ethan na hindi niya pa alam kung saan titingin.
''Ano gagawin natin dito? bawal ako sa alak,'' sabi ni Ethan na malakas para marinig ko, hindi ko siya pinansin, naghanap ako ng upuan para saming dalawa.
Umupo siya sa harapan ko habang hinahanap ko si William. Fuck nasan na siya? ''Kinakabahan na ako dito, Phoebe ha,'' angal ni Ethan, hindi ko na kinaya.
Tinext ko si William kung nasaan siya, nagreply naman siya agad.
[''Tumingin ka sa likod mo'']
Tumingin naman ako at nakita ko siyang tinatago mukha niya ng wine, at alam ko nang gagawin talaga namin balak namin.
Hindi alam ni Valerie na nandito kami, ''Uhmm Ethan, lipat tayo dun oh,'' sabi ko at tinuro ko 'yong upuan na malapit kay William, balak sana namin na ipakita sakaniya nang magisa siya.
Ayaw namin sabihin na nandito si Valerie na nakikipaglandian sa ibang lalaki, gusto namin na siya mismo makakakita okay enough with the talking.
Natural kaming lumipat sa upuan na 'yon, pero bad news tumigil siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Ethan (Reply Series #1)
Kurzgeschichten[EPISTOLARY] "Best friends lang ba talaga?" REPLY SERIES #1 + Highest rank: #1 in SS ♡ | cc: aeyeonii • All rights reserved. © writtencries