sixty

3.3K 147 129
                                    

PHOEBE'S P.O.V

Fvck, mukha nga akong gurang sa white dress T___T dapat pala blue nalang, pero okay na 'to. Bumaba na ako at tinignan ako ng masama si William.

''Ano nanaman?!'' angal ko, bigla siyang ngumiti at pinat niya ulo ko, ''Yan 'yong mas bagay sa'yo, hindi tomboy,'' inirapan ko siya at hinampas ko ang kamay niya. Kamukha niya talaga si Jackson ng GOT7 nakakairita HAHAHAHAHA.

''Tara na,'' sabi niya at sumunod nalang ako, lumingon ako kay kuya na inaasar ako. Inirapan ko siya at inayos 'yong clip sa buhok ko.

Pumasok kami sa loob ng kotse at inandar niya na ang kotse, pero bago kami umalis tumingin siya sa akin. ''Ganda mo,'' nahihiyang sinabi ni William, tumawa lang ako ng mahina.

Jusko, sanay na ako. ''Thanks,'' aniya ko, at pinaandar niya na ang kotse, mukha akong ikakasal sa suot ko ngayon pero okay na 'to.

''Tandaan mo na pinagselos lang natin si Valerie at Ethan,'' wika nito at napangiti ako, taena ano kaya reaction ni Ethan pag nakita niya ako? aasarin niya nanaman ako 'no? hays.

''I know,'' simple kong sinabi, tumingin ako sa labas at nakatitig ako sa buwan, full moon pa rin, himala. ''Parang dati lang 'no?'' sabi niya, nagets ko naman kaya tumawa ako.

Natandaan ko na siya rin 'yong date ko nung first prom ko, sobrang nahihiya pa ako nun pero ngayon parang wala na sakin eh, hindi na ako nasasaktan.

''Yeah, promises,'' I added, he chuckled and he drove faster, I was used to it. I got a text from Danica but I ignored it first, pero sunod sunod na 'yong texts kaya binukas ko na 'yong phone ko.

[''Phoebe wer na u d2 na me'']

[''HOY IKAW NALANG HINIHINTAY NAMIN OH'']

[''INFAIRNESS MADAMING MASASARAP NA PAGKAIN HEHE'']

Tumawa ako dahil sa kadaldalan ni Danica, nireplyan ko siya ng otw at pinatay na ang phone ko.

Hindi nagtagal nandun na kami, madami na ding tao. Halatang late nanaman ako, nauna ako kay William kasi gusto ko nang makita sila Danica, pero nakacatch up pa rin sila. ''Wag ka lumayo sakin,'' bulong nito.

Natatandaan ko pa 'yong lagi akong nagbublush tuwing sinasabi niya 'yon pero ngayon wala na 'to para sakin. Alam kong wala kayong pake HAHAHAHAHA, Nakita namin 'yong mga kupal nakaupo sa isang table, may dalawa pang upuan. Sakto.

''Oh ayan na pala- waw may patay na dito sa prom,'' asar ni Sky, nilapitan ko sila at binatukan siya, ang hirap lumakad ng nakaheels. ''Aba, babae na siya oh,'' tumingin ako kay Ethan.

Si Valerie kasama niya, ang awkward ng aura. ''Oh wow, ang ganda naman ng kadate mo, Ethan,'' sabi ko, inirapan ako ni Valerie, wow, laban ng mga matataray?

''Ops! last prom na natin 'to kaya walang ganyanan!'' aniya ni Florence, tumingin ako kay William at napansin ko na nakasimangot siya.

''Okay ka lang?'' binulong ko sakaniya, umupo kaming dalawa, and worst part is that katabi ko si Ethan. ''Oo, ikaw ba? okay ka lang?'' bulong niya.

Tumingin ako sakaniya na parang nagmamakaawa, ''Hindi,'' simple kong sinabi, nilabas ko phone ko at tinext ko si Danica.

Phoebe: bakit nandito si valerie?

Danica: idk, akala ko walang kadate si ethan

Phoebe: me too

Danica: DINUDUGO ILONG KO LETSE

Tumingin ako kay Danica ng masama at tumawa siya, earning the attention of the others, ''Luh? anyare dito?'' tanong ni Sky, pinilit kong hindi tumawa.

Ethan (Reply Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon