Entry no. 1 =)

17 0 0
                                    

"Hoy!!! Hoy, bruha!! Gising na!! At gusto mo pa palang malate sa unang araw mo sa school, ha? Hala! Gising na!! Tayo na!!!"

Ang boses na 'yun! Boses ng magaling kong bestfriend... Hinihila niya na pala ang braso ko...

"Hoy! Ano ba? Bangon na!!!"

"Arrgghh..... Five minutes...." sabi ko, eh sa inaantok pa ako eh....

"Leche!! Bumangon ka na! Five minutes.... Pustahan, five minutes nalang ililigo mo!! Bangon na!!" tuloy pa rin siya sa paghila sa braso ko....

"Ano ka ba naman, Fiel? Inunahan mo pa 'yung alarm clock ko paggising sa akin!!" sabi ko habang nakapikit...

"Ah, talaga? FYI po, nakailang beses na akong pindot sa supposed to be "alarm clock" mo, pati sa mga snooze niyan..... And do you have an idea what time is it now?" wooh, nosebleed... Ansabe ng english niya......

Napadilat ako sa sinabi niya... "Bakit, anong oras na ba?"

"8:30 na po ng umaga!!" sabay nakakalokong ngiti ni Fiel sa akin.... Nakabihis na siya ng uniform namin.... "9:00 ang pasok natin, diba?"

"Shocks!!!! Bakit 'di mo ko ginising?!!" napabalikwas ako sa kama ko.... Dumiretso na ako sa CR agad-agad... Grabe, define nagmamadali...... Parang gusto kong lumipad... Sana, ako nalang si Flash... Habang ang mga tao sa labas ng CR, ayun, tawa ng tawa.... Parang tuwang-tuwa pang nagmamadali ako nang ganun!!!

"Hintayin nalang kita sa baba!!!" sabi ni Fiel habang tumatawa pa rin, sabay baba sa hagdanan.... Kahit nasa CR ako, dinig na dinig ko pa rin ang mga tawanan nila.... Grabe, nakakainis....

Nagmadali na akong magbihis... Konting pulbo lang at konting suklay, sabay suot ng ID, kuha ng bag, at baba ng hagdanan.... Nandoon ang lahat ng mga ka-border namin... Tawa pa rin sila ng tawa....

"O, ano na? Tara na!!!" sabi ko kay Fiel, na nakikipagtawanan pa sa mga housemates namin....

"Wow, ganyan ka pala magmadali, ah!!! Nagsuklay ka na ba?" sabi ni Tikboy... Haha.... Jordan ang totoong pangalan niya...... Siya kasi 'yung nagsisiga-sigaan dito sa may lugar namin, isang bata ang nagpalayaw sa kaniya na "Tikboy"....

"Hmmm.... Halatang excited ka, ah!!!" sabi naman ni Kuya Spencer, halata mong nag-aasar...

"Haha, sige mag-asar pa kayo! Fiel, ano? Tara na!!!" nagmamadali na talaga ako.... Pero ano? Nginitian lang ako ng magaling kong bestfriend... At sobrang nakakaloko ng ngitin niya, ah!!!

"Tingnan mo nga 'yung orasan, kung anong oras na?" sabay tawang sabi ni Fiel, habang si ako, tingin sa oras... WOW!!!! 8:05 palang....

"Ah, so ano 'to? Victim? Lokomoko?" asar na sabi ko sa kanila..... Grabe, ah!!! Nakakaasar kaya 'yung ganun... Ang ganda ng good time nila, ah.... Umagang-umaga ng Lunes, eh!

"Kasi naman, kanina pa tumutunog 'yung alarm mo!! Nakakarindi kaya... 'Tas mantika ka matulog! 'Yan, naisip namin na pagtripan ka!!" siraulong bestfriend ko 'to!! Hai, naku.... Wala akong nagawa kundi umupo sa may sala, magpalipas ng bad trip!!! Kainis kaya 'yun!!!

"Sorry, espren!! Napag-utusan lang kami!!!" sabi ni Jerome sabay akbay sa akin.... Si Jerome ang bestfriend kong lalake, at si Fiel ang bestfriend kong babae.... Alam ko talaga agad 'pag si Jerome ang umaakbay sa akin.... Anlamig kasi ng aura niya, ewan ko ba kung anong meron dito...

"Naku, ewan ko sa inyo!!!"

"Tsk!!! Kayo talaga, inaaway nyo 'yang little sister ko!!!" sabi ni Kuya Dennis, habang bumababa ng hagdanan... Kuya ko siya, sabi niya nga.... Actually, dalawa sila ni Kuya Spencer... Pero sa kanilang dalawa, si Kuya Dennis ang mas close ko... Totoo nga siguro sabi nila, kapag sa magkakapatid, halimbawa sa aming tatlo, 'yung panganay at pangatlo 'yung magkasundo, kasi 'pag magkasunod, magkaaway daw... Sabi nila, ewan ko lang...

"Kayo talaga, Tikboy, lagi nyong pinagtitripan 'yang bunso namin!!!!"

"Wow, Kuya, ano ako, baby?" natatawag sabi ko...

"O, eto allowance mo!!!! Magkaiba vacant natin mamaya!!! Pero sabay tayong uuwi..." sabay bigay ni Kuya Dennis ng allowance ko.... Nawala 'yung badtrip ko pagkakuha ko ng allowance ko..... P1000, for one week? Ba? Galante si Kuya!!! Haha... Mukhang pera lang?

"Wow, libre ah!!!" gatong ni Fiel pagkakita sa allowance ko.... "Sige na, tara na!!! Para maaga tayo!!!"

"Sige po, Kuya!! Aalis na kami!!!" sabay kiss ko sa pisngi ni Kuya Dennis... Lagi ko 'yung ginagawa, kaya nga naiinggit sa akin 'yung mga nagkakagusto kay Kuya..... Hahahaha..... Okay lang naman kay Kuya 'yun!!!

"Uy, pasalubong, ah!!!" kantyaw nina Tikboy at Matthew, ang dalawang mataba naming housemates....

Sa isang dorm lang kasi kami nakatira.... Kaming tatlong magkakapatid, si Fiel, si Jerome, at ang dalawang baboy.... Actually, sina Kuya lang dapat ang magiging dormmate nila dito sa bording house, pero nang malaman namin na nakapasa kami ni Fiel sa school nina Kuya this College, napagdesisyunan namin ni Fiel na lumuwas din ng Manila, sakto namang may dalawang slots pa sa dorm na tinutuluyan nina Kuya, kaya dito nalang kami... Kami nga lang ang mga bukod tanging female border dito.... Pero okay lang, kahit mga pasaway 'tong mga kaborder namin, eh mga "gentleman" (kuno!!) naman sila kahit papano, saka takot sila kay Kuya Dennis....

"'Wag na!!! Ipambababae nyo lang, eh!!!!" sagot ko, sabay tawa...

"Oo nga, Tikboy pa!!!!" gatong ni Fiel.... "Sige na, tara na!!!!"

"Bye!!!" "Ingat kayo, ha!!!"

Natatawa pa kaming lumabas ni Fiel ng gate... Nawala na nang tuluyan ang badtrip ko.....

~~~ o ~~~

Loving You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon