Entry no. 6 =)

10 0 0
                                    

 Author's Note:

Ah, guys! Pagpasensyahan nyo na po sana kung slow ako mag-update. Unang-una po kasi, wala kami pc sa bahay so sa comp shop lang ako nag-uupdate, at minsan eh wala akong time or wala akong, alam nyo na.... Hehehe... Pero don't worry, I'll try my best to update frequently. As fast as I could...

By the way, please continue reading... Comments are highly appreciated.... Thank you.. :-)

-----------

Elaine's POV

Another usual "boring" day. Kakaumpisa pa lang ng pasukan, nagwelcome na agad 'yung prof namin sa Business Management ng case analysis. Oo, eh! Group case study naman siya, pero naman, ang aga pa rin!

Well, the bad thing is that, kagrupo ko ang antipatikong Marcus na 'yon, but the good thing, kagrupo ko din si Nathan, si Fiel naman, sina Andrew, Vincent at Aiden ang kasama sa grupo... Hahaha! Napuno ng heartthrob ang grupo ni Fiel! Ow, well.... Hindi naman ako naiinggit eh!

Matagal pa naman ipapasa ang case study, for now, nakagrupo lang kami....

Maaga ang uwian namin this day, almost lahat ng morning sessions, pati sina Kuya Dennis, Kuya Spencer at Jerome, maaga rin. Actually, sabay-sabay ang uwian namin, pero may practice pa sina Kuya Dennis ay Kuya Spencer ng sayaw sa Dance Club, at binilin ni Kuya na hintayin ko daw siya. Sa Gymnasium naman daw sila magpapractice, dahil nirerenovate 'yung Dance Studio ng school, kaya pwede daw manuod, kasi may mga benches naman daw akong mauupuan.

"Ano ba 'yan? Sasabay nalang ako kay Multo umuwi, ah!"  angal ni Fiel. Ayaw niya kasi ako samahan. Nasa hallway na kami nun. Nagpaalam na kami sa kanila na mauuna na kami.

"Wow, ano naman ako doon, nganga?" hirit ko. Ayoko namang wala akong makausap doon habang nagpapractice sina Kuya.

"Edi kausapin mo 'yung mga bench," sagot niya. Wow! Nararamdaman kong bestfriend ko talaga siya! "Ayoko na kasi maghintay. Kung gusto mo, magpaalam ka nalang kina Kuya Dennis na mauuna ka na!"

Actually, ginawa ko na 'yun kaninang umaga, bago pumasok. Pero wala, pinagtulungan nila akong dalawa. Gusto nga daw nila akong ipakilala sa mga kagrupo nila. Aba! Aanhin ko naman 'yun? Mga kuya ko talaga! Wala, wala akong choice kundi sumunod! Tsk!

"Hindi, sige, okay lang! Ako nalang!" sagot ko nalang kay Fiel.

"Uy, 'wag ka namang magtampo! Talagang uwing-uwi lang ako, eh!" kunwari pang naglalambing, di naman bagay.

Natawa ako. "Adik, hindi ako nagtatampo! Sige na, sumabay ka na kay Jerome! Okay lang!" alam niya na 'yun! Okay lang talaga sa akin!

Nauna na siya palabas ng school. Ako, pumunta sa may Gaisano Building, kung saan nandoon 'yung gymnasium. pagpunta ko doon, agad akong sinalubong ng magagaling kong kuya!

"Buti, naisipan mo talagang pumunta dito at hintayin kami!" bati ni Kuya Dennis sabay himas sa ulo ko!

"Kuya, 'yung buhok ko!" ungot ko! Eh nagugulo 'yung buhok ko, eh!

"May dala ka bang tubig?" usisa agad ni Kuya Spencer.

"Oo, meron! Nandito sa bag! 3 bote pa, para sa 'yo. Di ko nakalimutan!" binilin niya kasi 'yun bago siya pumasok. Mga kapatid ko talaga, palaasa.

Nagsilapitan din ang ibang mga kagrupo nila.

"Siya na ba 'yun, Spencer?" hirit ng isa. Mga hindi ko sila kilala, malamang.

"Ah, oo. Si Elaine nga pala, bunso namin!" pakilala sa akin ni Kuya Spencer.

"Matalino 'yan! Valedictorian ng high school 'yan!" nakakatouch naman ang pagbibuild-up sa akin ni Kuya Dennis! I love you, Kuya!

Loving You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon