Entry no. 4 =) :) :D

11 0 0
                                    

Elaine's POV

Ang aga namin ni Fiel sa school. 10:00 pa ang start ng klase namin, kaya wala pang masyadong tao sa room.

"Ikaw, grabe ka! Daig mo pa 'yung mga baklang stalker doon sa atin!!" sabi sa akin ng bestfriend kong nag-umpisa na naman mang-asar.

"Ako na naman ang nakita mo!" natatawa nalang ako sa kanya.

"Isipin mo, matulog ka ba naman habang inaamoy ang panyo ng isang guy na hindi mo kilala? Daig mo pa ang -----"

"Aish!! Tama na!! Eh bakit ba nangingialam ka? Eh gusto ko, eh!!"

"Naku!! Malande!! Anlande mo 'te!!"

Nagkatawanan kami. Natural na sa amin 'yung ganun. Ganun lang kami mag-asaran. Ayos din kami eh noh? Nakalimutan ata naming sa isang sosyal na school kami nag-aaral. Haha....

"Eh, bakit ba? Mind your own business!!" wow!! Ansabe ng English ko! Hehe....

"Mukhang ang sasaya nyo, ah!!" bati ng isang lalake sabay upo sa upuan sa harap ko, sa harap ng upuan ni Fiel actually.

"O, Andrew. Ang aga mo, ah!" bati ni Fiel sa kanya. FC? Agad-agad? Haha...

Ayun, kwentuhan ulit. Napansin kong madaming babae ang sumisilip sa labas ng room namin. Obvious naman kung kung sino sinisilip nila.

"In fairness, heartthrob ka pala talaga dito, noh?" usisa ni Fiel, habang nakatingin sa mga babae.

Ngumiti lang si Andrew. "Hayaan nyo sila. Huwag nyo nang pansinin!"

"Baka mamaya, bigla kaming sugurin ng mga 'yan sa hallway at pagsasabunutan kami, ah!!" asar ko, dahil halatang pinagbubulungan nila kami habang kausap kami ni Andrew.

"Hindi naman siguro. Hindi naman siguro sila ganun ka-cheap para gawin 'yan sa inyo!" sabi niya habang natatawa. Lumalabas ang mga cute niyang dimples. Haha.... Mabigyan lang ng emphasis.

"Nasabi ko na nga pala sa friends ko ang about sa inyo. I just hope pumasok na sila ngayon!"

"Mga heartthrob din ba sila?" tanong ni Fiel.

"Bakit? Liligawan mo 'yung isa? O baka lahat?" asar ko, natatawa ako sa reaction ng mukha niya, eh..

"Hmm.... I think so! Oo! Mga heartthrob nga sila!" build-up ni Andrew.

Saka pagpasok nina Jessica, Sunny at Tiffany.

"You know Tiffany? Ayun, oh!" sabi ni Andrew sa amin sabay tingin kay Tiffany.

"Oh, bakit?"

"Girlfriend siya ng isa sa mga tropa ko."

"Ay, taken na pala 'yung isa!" sabi ni Fiel. Haha... Sayang ba? Natawa lang ako.

Hmm... Naalala ko 'yung ilang lines sa usapan nila kahapon... Baka nga isa sa mga tropa ni Andrew 'yung tinutukoy niya kahapon... Ow, well, who cares?

Unti-unti na kaming dumami. Malapit na kasi mag-10. Maya-maya, isang guy ang lumapit sa amin.

"Hey, bro!" sabi ni Guy!

"Hey!! Ah, nga pala, Fiel, Elaine, siya nga pala si Aiden, isa sa mga katropa ko... Aiden, si Fiel nga pala, saka si Elaine, 'yung sinasabi ko sa 'yo!"

"Nice to meet you, girls. I'm Aiden Garcia!" Ang cool ng dating, as in presko! Haha.... Nakipagkamay pa siya sa amin! Halata mong may pagkababaero...

"Ah, nice to meet you!" ang sarcastic ng ngiti na sabi ni Fiel, ewan ko lang parang ako lang ang nakahalata.

"Nasaan na sila Marcus?" tanong ni Andrew kay Aiden.

Loving You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon