Entry no. 5 =)

7 0 0
                                    

Marcus' POV

15 minutes after mag-umpisa ng breaktime ko naisipang pumunta sa room. Siguro naman, hindi pa tapos kumain ang mga tao by that time. Kaya for sure, ako lang ang tao sa room that time.

But when I got there, isang bad view agad ang nakita ko. I just chose to seat at the back, mga 2 seats from the window. I really don't expect this!! Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin dahil sa hindi magandang hangin na umihip.

"So, ganito na lang tayo?" galit na approach sa akin ni Tiffany.

"Ganito ang gusto mo, eh!" wala ako sa mood makipag-usap sa kanya, dahil for sure, mahaba-habang talakan na naman ito.

"Huh! I can't believe you!"

"Tiff, tama na!" awat ng mga kaibigan niya.

"Ganyan ka ba talaga katigas? You don't even apologize for your mistake?" sa tono niya ay alam kong naghihimutok na siya sa galit.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?"

"You're not even answering my calls, at talagang hindi ka umattend sa dinner natin. Do you even realize how embarrassing is that on my part? Pinaasa mo ang family ko!"

"Sino bang may sabing magset ka ng dinner with our families, without even consulting me? Hindi mo man lang inalam kung may lakad ako, tapos palalabasin mong ako ang masama?"

May usapan na kasi kami ng araw na 'yon nina Vincent na may night out kami. Malay ko bang nagset si Tiffany ng isang surprise dinner for us, kasama ang mommy at daddy namin. Of course, it's not my priority! Ni wala siya sa plano ko that day. And then when I came home, pinaghintay ko daw sila? Sinermunan tuloy ako nina Mommy at Daddy! Tapos gusto pa niyang ako ang mag-apologize? Come on!

"Wow! Huh! Grabe ka!" parang naiiyak pa ang tono ni Tiffany. As if maaawa ako sa kanya. "I can't believe you, Marcus! I really can't believe you! Aish!!!!" then, she walked out. Of course, sinundan siya ng mga kaibigan niya. Hay naku, nakakabadtrip talaga ang araw na 'to. Sinasabi ko na eh! Hindi magiging okay ang pagkikita namin ni Tiffany. dapat talaga, hindi na ako pumasok.

Ilang minutong katahimikan. Kahit paano, napawi 'yung bad trip ko. Medyo nahihipan na ako ng magandang hangin. Naisipan kong magsoundtrip, para medyo maunwind ako. Lalo nang nagiging okay ang pakiramdam ko.

I was about to go out of the room, doon ko nalang sana hihintayin sina Andrew. But when I stood up, I saw someone at the front door, and she was staring at me. She was staring at me madly. Tinanggal ko ang headset ko sa tenga.

"Ikaw?!" sabay pa kaming nagsalita.

That stupid clumsy girl na sumanggi sa akin kahapon. Oh God! Talaga bang gusto nyong masira ang araw ko today? Ano bang meron sa linggong ito at umpisa pa lang, eh hindi na maganda ang pasok sa akin?

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?"

"Huh! Ang kapal din ng apog mo, ah! Ikaw, anong ginagawa mo dito?" siya pa ang nagmamalaki! Grabe!

"Huh! Talaga bang pinanganak ka para sirain ang araw ko?" grabe, hindi pa ako ganun nakakarelief sa inis ko kanina, eto na naman. "At talagang hanggang dito sa room ko, sinusundan mo ako?"

"Ang kapal din talaga ng mukha mo! Bakit, paano naging iyo 'yung room na 'to? Binili mo? Ikaw lang ba may karapatan mag-room dito?"

Grabe, ang ingay niya! Napakapalengkera. I bet mahirap lang 'to..... Hmmm.... Oo nga! I think, scholar 'to dito..... Huh, akala mo kung sinong matapang, akala mo naman may maipagmamalaki. Kunsabagay, ganyan nga ang mga attitude ng mga mahihirap sa mga teleserye, totoo pala 'yun.

Loving You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon