Entry no. 2 =)

14 0 0
                                    

'Asian State University'

Wow!!!! Para kaming mga taga bundok na ngayon lang nakatapak sa patag na lupa sa pagkakanganga namin dito.... Sa wakas, papasok na kami sa isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa Pilipinas... Wow, ampormal, eh, noh? Hahahaha....

"Tara na nga, tutulo na laway natin sa pagkakatitig dito, eh!!!" yaya ni Fiel..... Oo nga, kulang na lang, tumulo na laway namin.... Para kaming asong ngayon lang kakain ng karne... Haha....

Well, sabi ni Kuya Dennis, maganda daw dito.... Ngayon ko makikita kung totoo nga ba 'yun!!!

"Nga pala, diretso tayo ng auditorium... Orientation pa ng lahat ng freshmen...."

Oo nga pala!!!! Naexcite ako lalo.... Sabay kaming pumasok sa loob.... Wow!!! Define malaki!!! As in BIG!!! Grabe!!! Daig pa 'yung mga condominium sa Makati..... Grabe!!! Anlaki sobra!!! Mga kasinlaki ata ng MOA!!! Char!!! Pero malapit na!!

Hawak ni Fiel 'yung mapa, dumiretso kami ng auditorium.... Grabe, anlayo!!! Nasa Third Floor pa ng Main Building... At 'wag ka, ang bongga ng Main Building, may elevator!!! Grabe!!! Ang sossy!!! Nganga talaga kami, pero siyempre, kilos disenteng tao naman kami... Hahaha.... Hindi naman 'yung magmumukhang mga promding inosente sa siyudad... Hahaha....

Sumakay kami sa elevator... Tanda ko pa, 7 kami sa loob ng elevator... Kami ni Fiel, 3 girls na mukhang mayayaman at, sa way nila mag-usap, mukhang sossy pero malalande.... Hahaha... Makapagjudge eh, noh!!! Magaganda naman sila, mapuputi.... Sila na!!! At may 2 cute, ay hindi, isang cute at isang pogi, na guys.... Haha.... Since sila lang ang guys sa loob ng elevator, of course napansin namin sila ni Fiel....

'Yung isa, medyo malaman, cute, I admit, at maputi... 'Yung isa naman, payat, cute din, I admit, ma-cheekbone (hahaha......), maputi rin.... Mas napansin ko si Cheekbone guy dahil mas malapity siya sa akin, katabi ko siya, actually.... He really smell so fragrant... Hahaha.. aso lang? Nang-aamoy? Haha.... But he really got my attention.... Sobrang amo ng mukha niya....

"Ting!"

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang 2 cute na guys.... Haish!! Kainis!! Lalabas na si Cheekbone... Hahaha.... Codename? Hehe.. Hindi ko na siya maaamoy... Hahaha... Joke... Pero sad talaga....

Pero nang palabas na sila, may isang panyo na nalaglag mula sa bulsa ni Cheekbone.... Wala ni isa maliban sa akin ang nakapansin nun, so ako na lang ang kumuha... Nakita ako ni Fiel at binulungan ako.... "Hoy, ayos ka, ah!!Ba't mo pinulot 'yan?" with matching sarcastic smile....

"Wala lang, nalaglag, eh!!!"

"Type mo, noh?" natatawang asar ni Fiel...

Harhar...Halata mo namang nang-aasar siya... Maya-maya, nasa Third Floor na kami, sabay-sabay kami lumabas nung 3 girls... Mukhang mga freshmen din ata sila, at sa Orientation din sila pupunta... Hmmm.. Ow, well, care ko? Hehehe...

At last, nakarating na rin kami sa Auditorium... Wow, parang sinehan, wala nga lang big screen.... Anlamig dahil nakacentralized aircon, ang mga upuan, 'yung nafofold, parang sa mga sinehan nga.... Kaloka ang school na 'to, ang bongga... Feel na feel kong College na nga ako.... Dati rati, sa school namin nung high school sa Cavite, may auditorium nga, sakdal init naman... Tapos, ni monoblock, wala... Minsan 'pag may program, naka-indian seat lang kami sa sahig... 'Tas wala pang electric fan... Dalawa nga 'yung stand fan, 'yung isa hindi gumagana.... Hay!!! Ow, well, bakit ba inaalala ko pa? Bitter lang sa dating school? Hahaha...

Umupo kami ni Fiel sa may bandang gitna, 'dun banda sa walang nakaupo sa buong row...

"Ah!! Grabe, ansarap naman mag-aral dito!!!" ang nasabi ko nalang...

Loving You (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon