Chapter 29:more problem

212 8 1
                                    

Henry's POV

Habang nanonood ako ng tv sa kwarto may biglang kumatok sa pinto ko.

"Bukas yan"sabi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si mom.

"Henry tumawag sa akin ang dad sa monday pupunta tayo sa US embassy "sabi ni mom.

Napatayo ako sa narinig ko.

"Agad Agad akala ko matagal pa!paano ko to sasabihin kay arianna?"sabi ko.

"Puntahan mo sya ngayon at mag bonding kayo hanggat may oras pa kayong magkasama"sabi ni mom.

"Edi mas lalo akong masasaktan kapag umalis ako"sabi ko.

"Edi wag mo nalang sabihin sa kanya na aalis ka"sabi ni mom.

Hindi nalang ako umimik at napaupo ako sa higaan.

"Mom.....ayaw ko namang umalis na hindi nagpapaalam sa kanya."sabi ko.

"Bahala ka!basta sa monday aalis na tayo"sabi ni mom.

Lumabas ako ng kwarto at tumakbo papunta sa kotse ko
Pupuntahan ko si Arianna.

Arianna's POV

"1 week dito matutulog si ate?ok lang mom atleast may kasama ako matulog"sabi ko.

"Sa tingin mo ba kakausapin ka non?"tanong ni mom

"I don't think so?siguro?"sabi ko.

"O sige bahala ka"sabi ni mom.

May biglang nag door bell.

*Ding Dong*

"Sino yun?"tanong ko.

"Buksan mo ng malaman mo kung sino"sabi ni mom.

Lumabas ako tapos ay binuksan ko ang gate.

"O?henry!nabisita ka dito?"tanong ko.

"Arianna may sasabihin ako sa'yo"sabi nya.

"Ano yun"bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Pupunta ako sa amerika"sabi ni Henry

"Ano?!Amerika?anong gagawin mo dun?"sabi ko

Hinawakan nya ang kamay ko

"Saglit lang ako doon,Promise babalik ako"sabi nya.

"Kailan ka aalis?"tanong ko.

"Hindi ko pa alam,pero sa monday we're going to US Embassy for interview with my mom."
Sabi niya.

Pa english english pa siya ah. Siguraduhin nya lang na babalik siya kaagad dahil pag di sya nakabalik yung english niya magiging korea. -__-

"O-ok sige"sabi ko ng malungkot.

"Wag ka ng malungkot babalik din ako"sabi ni henry.

Feeling ko tutulo na ang luha ko.

"Wag kang umiyak"sabi ni henry.

"Baka naman kasi hindi ka na bumalik!baka kalimutan mo na ako"sabi ko.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko bigla nalang itong tumulo.

"Wag ka ng umiyak...."sabi ni henry sabay punas sa luha ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Ano yung naririnig kong umiiyak?"sabi ng nasa likod ko.

Agad akong humarap.

"Mom?!Wa-wala po aalis po kasi tong best friend ko pupunta po syang ibang bansa"sabi ko.

Tumingin si mom kay henry.

"Hi po tita"sabi ni henry.

"Anong pangalan mo?"tanong ni mom.

"Henry dela cruz po"sabi ni henry.

"He-henry dela cruz?anong name ng parents mo?"tanong ni mom.

"Yssabel and Jerome Dela Cruz po"sabi ni henry.

"Boyfriend ka ba ng anak ko?"tanong ni mom.

"Mom!Hindi ah!bestfriend lang kami ni henry"sabi ko.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko"sabi ni mom.

Napatingin ako kay henry.

--------------------------------------
A/N:Ano kayang sasabihin ni henry?abangan sa next update!^__^

ARIANNA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon