Chapter 47:Second Chance

522 9 1
                                    

Arianna's POV

Nag walk out si Airish.Lumapit si Henry sa akin.

"Arianna....sorry sa mga nagawa ko."hinawakan nya ang mukha ko.

"Kalimutan na natin yun....diba nga sabi mo past is past"mukhang nahiya sya sa sinabi ko.

"Oo nga past is past wag nalang natin balikan baka masaktan lang tayo ulit"sabi nya at napahawak sa ulo nya.

"Tama ka baka masaktan lang tayo ulit"tinitigan ko ang mga mata nya.

"Pero Arianna.....hindi ba natin pwede ibalik ang dating tayo?"tanong ni Henry.

"Pwede naman.....ata?kung papayag si mom and dad"sabi ko.

"Bibigyan mo ako ng Second Chance?"

"Oo,Basta ligawan mo muna ang mga parents ko kapag pumayag sila  tayo na ulit"

Henry's POV

"Gagawin ko lahat yan maging tayo lang ulit....at sisiguraduhin kong hindi na tayo maghihiwalay"niyakap ko sya ng mahigpait.buti naman ok na kami.bumitaw kami sa pagyakap.

"Ano?iiyak pa tayo?"natatawang tanong nya.

Ngumiti nalang ako.hinawi ko ang buhok nya at nilapit ko ang mukha ko.mafdidikit na sana ang lips namin pero hinarangan nya ng kamay nya.

"Wag muna....Hindi naman tayo ha...."sabi nya.kita ko sa mga mata nya na masaya sya na ok na kami.

Hinalikan ko sya sa noo.

Kinabukasan

Tinawagan ko si Arianna

"Hello?"tanong nya.

"H-HI Good morning"nabubulol ako.

"bakit ganyan ka mag salita ngayon?"tanong nya.hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Wa-wala hehehe ganito talaga ako pag kakagising lang"plastik nalang akong tumawa

"Hoy!sinungaling ka!alam kung hindi ka ganyan pag kakagising mo lang.ako pa lolokohin mo eh"nagulat ako sa sinabi nya.

"Ahehehe ganon ba?by the way pupunta ako sa hotel mo mamaya saan ba yan?"tanong ko at nag ready na ako ng papel at ballpen para isulat kung saan ang hotel ni Arianna.

Sinabi na ni Arianna kung saan ang hotel nya at nag madali akong pumunta doon

"Henry?bakit parang tumatakbo ka?"tanong ni Arianna

"Ha?ah-eh....nag jojogging kasi ako"sabi ko at napakagat ako ng labi.

Inend call ko na at nag tungo ako sa parking lot.sumakay na ako sa kotse ko at pinuntahan ang hotel ni Arianna.pag dating ko doon.

Arianna's POV

Tinawagan ko ang nasa Front desk ng hotel.

"Hello goodmorning!how can i help you"tanong nya.

"When someone called me just come to my room"Sabi ko.

"What is the name of your visitor?"tanong nya.

"Henry Dela Cruz"

pagkatapos naming mag usap nag shower na ako.hindi ko muna ginising si mom and dad  dahil tulog na tulog pa.si dad dumating kabapon.pagkatapos ko mag shower.may kumatok sa pinto.binuksan ko iyon.

"Goodmorning"sabi ni Henry sabay abot sa akin ng bulaklak.

"Oh...thank you"nag beautiful eyes ako.

hindi ko napansing gising na si ate,tita,dad,mom.

"H-hi?goodmorning"kinakabahan na as abi ni henry.

"Ano yang flowers flowers na yan?kayo na ba?"tanong ni dad at nagcross ang kamay nya.

"Arianna?baka naman bf mo yan"nakapamewang naman si mom.

"Teka lang!Pakinggan muna natin ang sasabihin ni Henry"tumingin ako kay Henry at kumindat ako.

"Pumasok ka muna"sabi ni tita at sinarado ang pinto.

"Umupo ka muna dito sa sofa"sabi ni mom sabay upo sa higaan.

Maglalakad na sana ako papunta doon kaso hinawakan ni ate ang braso ko.

"Bakit nandito yan?"mahinang tanong ni ate.

"Binigyan ko sya ng Second Chance"nakangiti kong sabi.

"Eh kung lolokohin ka na naman nya?ano iiyak ka na naman?"sabi ni ate.

"Ok lang kung lokohin nya ako....sanay naman akong iniiwan"humuhugot na sabi ko.

Napabitaw si ate sa pagkakahawak nya sa braso ko.at pumalakpak ng mahina.

"Aba!humuhugot ka ngayon ah?anong nakain mo?"tanong nya.

"Eto flowers"pinutol ko ang petal ng isang flower at kinain ko

"Yak!kadiri ka talaga!"sabay palo ni ate ng mahina.

Henry's POV

"Goodmorning po im Henry del Cruz-------"naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita ang dad ni arianna.

"Ang may ari ng dela cruz company?"

"Anak po ako"sabi ko naman.

"Pakisabi sa dad mo na thank you sa pagtulong sa pagtulong sa company namin kung hindi dahil sa inyo bumagsak na ang kompanya namin"sabi ng dad ni Arianna.

"Wait!akala ko ba mag kaaway ang Dela Cruz and Santos Company?"tanong ni Arianna.

"Dati yun.....past is past...."sabi ng dad ni Arianna.

"Excuse me po"napatingin sila sa akin.

"Pwede po bang manligaw kay Arianna?"napabuntong hininga ako.

Natahimik sila ng mga 1 minuto.

"Ok lang!basta hindi mo papabayaan ang anak kong si Arianna"sabi ng dad ni Arianna.

Napangiti ako pero may isa pa akong problema paano kung hindi pumayag ang mom ni Arianna?

"ikaw ba yung pumunta sa bahay namin dati?"tanong ng mom ni Arianna.

"A-Ako nga po yun"nakangiti ko g sabi.

"Ikaw rin ba yung nag pabigay ng bulaklak kay Arianna?"tanong nya ulit.

Tumango nalang ako.

"Mabait ka naman eh....sige pwede ka ng manligaw sa anak ko"sabi nya.

"Salamat po ma'am and sir"sabi ko.

"Don't call us ma'am and sir.tito and tita nalang."sabi ni tita na may kasamang matamis na ngiti.

"Thank you po tita and tito"niyakap ko sila.

-------------------
A/N:binigyan ni Arianna si Henry ng second chance.......bago ligawan ni Henry si Arianna.niligawan muna ni Henry ang Parents ni Arianna at pumayag naman sila.
Guys abangan ang nalalapit na pagtatapos ng story ni Arianna at HenryAbangan ang next update

ARIANNA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon