Airish POV
Dumeretso ako sa CR at may tinawagan ako.
"Hello?"tanong ng kausap ko.
"Hello sir!Tuloy ang plano ko kay Henry Dela Cruz"sabi ko.
"Very good Airish siguraduhin mong mauubos ang pera nila at tuluyang bumagsak ang kompanya nila"sabi ni sir.
"Masusunod"sabi ko.
End call
Henry's POV
Kinabukasan
Nagising ako dahil may kumatok sa pinto ko.lumapit ako doon at binuksan iyon.
Pagka bukas ko ng pinto nakita ko si airish."Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Bakit?masama bang pumunta dito?"tanong nya din.
"Paano mo nalaman ang room ko dito sa hotel?"tanong ko.
"Bakit masama bang malaman?"tanong nya din.
"Sige!baka matapos tayo sa tanungan na to!"sabi ko.
"Relax!ang aga aga ang init agad ng ulo mo!"sabi nya.
Napabuntong hininga ako
"Kain tayo sa labas?"tanong nya.
"Ayoko!wala akong gana"sabi ko.
"Edi mag coffee nalang tayo sa coffee shop"sabi nya.
Naalala ko na naman ang dati
------------Flashback-------------
Nabunggo ko ang siko ng isang babae at tumapon sa kanya ang kape na iinumin nya.
"Ah!sh*t ang init"sabi nya.
"Sorry"sabi ko.
----------------------
"Henry mag kita tayo sa coffee shop"
"Anong oras?"
"Mga 3:00 pm"
----------------------
Tatayo na sana si arianna pero hinawakan ko ang kamay nya.
"Arianna i love you"sabi ko.
--------End Of Flashback----------
"Hoy!nakatunganga ka dyan?"sabi ni airish.
"Sorry pero ayoko"sabi ko.
"Magtatampo ako sa'yo"sabi nya.
Pumayag nalang ako.pumunta kami sa coffe shop at napaupo sa isang upuan malapit sa salamin.
Arianna's POV
"Henry?"sabi ko.
"Arianna bakit ka nandito?"tanong nya.
"Sino yang kasama mo?"tanong ko.
"Girlfriend ko nga pala si ------"
Hindi malinaw ang pagkakasabi nya sa pangalan.nakaramdam ako ng galit sa puso ko.
"Girlfriend?baka nakakalimutan mo?ako ang GF mo! henry"sabi ko.
"Hey you!wag ka ngang feelingera!kahit kailan hindi ka naging gf ni henry!"sabi ng babae.
"Hoy!wag ka ngang sumabat!hindi mo
Naman alam ang storya namin ha!"sabi ko."Arianna!Arianna!Arianna!"sigaw ni henry.
Nagising ako dahil sumisigaw pala si ate.
"Arianna!magtatanghali na!pumunta na tayo sa coffee shop mag kape tayo doon"sabi ni ate.
"Ayoko ate"sabi ko.
"Mukhang malungkot ka?ano bang napanaginipan mo?"tanong ni ate.
"Wala ate!isang masamang panaginip"sabi ko.
"Oh!dali na wag nang maarte magbihis ka na at magco-coffee shop pa tayo"sabi ni ate.
Wala akong nagawa kundi sundin yon.tumayo na ako at nagbihis.pagkatapos ko magbihis pumunta na kami sa coffee shop.
Pagkapunta namin sa coffee shop umorder na si ate ng kape at ako naman naghanap ng mauupuan.
Umupo ako sa isang upuan.malapit sa salamin.
Pagkatapos umorder ni ate uminom na kami ng coffee."Ang sarap"sabi ko.
Akmang sasandal na ako pero hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko.napasandal ako sa likod ng nasa likod ko.
"Ay!sorry"sabay lingon.
Tumingin sya sa akin.
"Arianna?"sabi nya.
"Henry?"gulat kong sabi.
"Anong ginagawa mo dito?"sabay naming tanong.
"Magka-kilala kayo?"tanong ni ate.
"Oo ate! sya yung dahilan kung bakit ako pumunta dito"sabi ko.
Nagkatitigan kami ni henry.
----------------------------
A/N:Nagkita na sila ulit!makikilala na ni Mariel si Henry!abangan ang next update^___^
BINABASA MO ANG
ARIANNA
Romance[EDITING ON PROGRESS] Date Started: December 14, 2015 Date Finished: April 05, 2016 [ My first ever published story in wattpad ]