The Lovemakings
Written by: authorgiThis is the revised edition. There were some changes in the story, name changes in characters, and some details. But the plot of the story remained to be unchanged.
----------------
TEASER
Bago pa man lumabas si Trisha sa kwarto nito ay muli siyang napatitig sa sarili niyang repleksyon sa salamin upang masigurong presentable ang itsura nito para sa dinner date nito mamaya.
Napangiti siya sa sarili at tahimik niyang pinuri ang kagandahang taglay nito.
Ang pretty ko talaga ever since!
Gusto niyang mapapapalakpak sa sarili dahil sa wakas ay natuto na rin siyang gumamit ng make up at himala dahil nalagay niya lang ito sa kanyang muka ng tama at hindi ganoon kakapal. Kung titignan ito ay parang natural lang at hindi mahahalatang may make up ito ngayon.
Nawala lang ang atensyon nito sa salamin ng marinig niya ang ingay na nagmumula sa kwarto ni Clyde at mabilis siyang lumabas para salubungin ito. Sakto namang sabay pa silang nagkalingunan sa bawat isa at bago pa man isara ni Clyde ang pintuan ng kwarto nito ay mabilis na namuo ang nga guhit sa noo nito at matamang napatingin kay Trisha mula ulo hanggang paa nito.
"Gutom ka na ba Clyde? I already prepared dinner for you" hindi nalang pinansin ni Trisha ang inasta ng fiance nito at isang matamis na ngiti ang ibinigay nito.
Clyde just ignored her at nilagpasan lang siya nito na para bang walang narinig at tuluy tuloy lang itong naglakad. Napasimangot nalang si Trisha at napabuntong hininga. Hindi niya alam kung bakit mukang wala na naman ito sa mood. Pero napaisip nalang siya na baka nga naman masama lang ang gising nito kaya hindi rin ganoon kaganda ang mga ikinikilos ng lalaki.
Ng makarating silang parehas sa dining area ay walang imik na umupo si Clyde sa high stool roon at napabaling ang tingin kay Trisha ng magsimulang kumilos ito at inihanda ang mga makakain ni Clyde.
"You have to try this Sinigang Clyde. Niluto ko yan, kumain ka ng marami para naman mabawi mo ang energy na nawala sayo buong araw." Masiglang sabi ni Trisha. Siya na mismo ang sumandok ng karne sa bowl niya at naglagay ng kanin sa pinggan nito.
Kahit na pakiramdam ni Trisha ay matutunaw na siya sa mga titig ni Clyde habang ginagawa niya ang mga iyon ay pinilit niya nalang itong balewalain at magkunwaring hindi nito iyon napapansin.
Napaubo si Clyde at seryosong sinulyapan siya ng mapansin nitong nakaupo lang ito sa kanyang harapan at pinapanood siya habang abala ito sa pagkain.
"Are you going to starve yourself?" Walang emosyong sabi ni Clyde at pinagpatuloy nito ang pagkain. "Are you not going to eat?" Pahabol pa nito.
"Hindi ako kakain, I intended to cook that just for you" nahihiyang sabi ni Trisha, kaya naman napatigil si Clyde at mas lalong kumunot ang noo nito. Nagtatanong ang mga mata nito at sa oras na umayos ito ng upo ay alam na ni Trisha kung anong gagawin.
"Hmm... Clyde, I have a date" nakangiting sabi parin ni Trisha at sa oras na marinig iyon ni Clyde ay napansin agad niya ang paglunok nito. Napaiwas ito ng tingin at muling bumalik sa ayos nito kanina at pinagpatuloy ang kumain.
Sandali silang natahimik at muling nagsalita si Trisha
"I'm not going home tonight and I may sleep over at my friend's house. Doon na rin ako kakain mamaya" she said. Sandaling tumigil ulit si Clyde sa pagnguya nito at kahit na nakayuko ito ng bahagya ay napansin niya ang pagtiim ng bagang nito.
BINABASA MO ANG
The Lovemakings (REVISION ONGOING)
Romance"That psychopath thief! I never dreamt my first kiss to be stolen by a crazy guy! Tapos hindi ko pa matandaan ang itsura niya kung gwapo ba o pangit, matino ba o manyak? Aba ewan!" "Pero gumanti ka naman at sarap na sarap ka rin naman sa paghalik, g...