Chapter 5
LIVING IN THE SAME ROOF
------------
ALAS SAIS palang ng umaga ay abalang nagpapalit na si Trisha. Buong gabi siyang halos hindi makatulog dahil excited siyang makita ang regalo ng kanyang ama. Kaya naman kahit na wala pang araw ay nagmadali talaga siyang maghanda na.
Tutal naman alas dyes pa ang pasok ni Trisha sa school kaya maraming oras pa ang magugugol nito para libutin ang buong bahay.
Napapangiti si Trisha. She's really so excited to see it.
Naabutan niya si Aling Josie na abala ng naghahanda ng agahan ng bumaba siya sa hagdan.
"Good morning Mama Josie!" Masayang bati ni Trisha. Lumapit pa ito sa kanya at marahan niya itonf binigyan ng halik sa pisngi.
"Good morning din hija. Napakaaga mo naman yatang magising" nakangiting sabi nito "At nakabihis ka pa. Saan ka ba pupunta?" Malambing na sabi nito at tsaka ito tumalikod upang kumuha ng isang bowl.
Umupo si Trisha sa high stool "Pupunta po ako para matignan yung bahay na regalo sa akin ni Dad" she said. Hindi mapuknat sa mga labi ni Trisha ang ngiti.
Tumango tango naman si Aling Josie "Ay ganun ba, kaya pala napakaganda ng gising mo hija. Oh siya, mag agahan ka muna bago ka magpunta roon" she said. Sinabi niya lang kagabi kay Aling Josie ang tungkol roon at tuwang tuwa rin naman ang matanda. Yun nga lang, nagdadrama pa ito na baka raw maisipan na niyang tumira roon at hindi na raw umuwi rito.
Natawa si Trisha dahil roon, pero hindi niya pa naman planong lumipat sa bagong bahay. Siguro pag naggraduate nalang ito ay iyon na lang ang tamang oras para lumipat.
"Sige po ma" nakasanayan niya na rin itong tawaging "mama" dahil nga parang tumayo na rin ito bilang kanyang tunay na magulang.
Saglit na pinanood ni Trisha si Aling Josie habang ito ay nagsisimulang magluto. Tumayo siya mula sa kinauupuan nito at nilapitan niya ito. Bacon and hotdogs ang pinprito nito at sa tabi naman ay naaamoy na niya ang nakakagutom na amoy ng sinangag.
"Nagmamadali ka ba anak?" Tanong sa kanya ni Aling Josie. "Opo Ma, pero mas maganda naman paring magpunta ako roon na may laman ang sikmura" she said smiling.
Napangiti si Aling Josie "Oh siya, bumalik ka na roon, ilalagay ko lang ito sa plato at sabay na rin tayong mag agahan" sabi nito. Agad namang bumalik si Trisha sa kanyang upuan. Pagkaraan naman ay sumunod na rin si Aling Josie at inilapag na sa hapag ang kanilang agahan.
Ng matapos silang kumain ay agad ng nagpaalam si Trisha kay Aling Josie. Kinuha nito mula sa kanyang handbag ang susi ng kanyang kotse at sinigurado niya ring dala niya rin ang susi ng bahay.
Muling napangiti si Trisha at excited itong lumabas para kunin ang kanyang kotse.
Agad namang nahanap ni Trisha ang address na sinabi ng kanyang ama at halos mapasinghap siya ng bumaba siya sa tapat ng isang napakalaking gate. Halos trenta minutos lang ang itinagal ng kanyang biyahe dahil malapit lang rin naman ito sa kanilang lugar.
Madilim pa ang buong paligid pero ang ilaw na nakasindi sa malaking gate ang nagbibigay liwanag sa labas. Agad na hinugot ni Trisha ang susi mula sa kanyang bulsa. Lumapit ito sa gate at agad na binuksan iyon.
Halos mahigit ni Trisha ang kanyang hininga sa oras na bumungad sa kanyang paningin ang isang napakalaking 3 storey house. Napatingin siya sa isang gilid at nasilayan niya rin ang isang malaking parihabang pool. Napangiti siya at nagsimulang maglakad. Nasilayan niya rin ang isang fountain sa harapan nito at halos mapapalakpak si Trisha dahil roon.
BINABASA MO ANG
The Lovemakings (REVISION ONGOING)
Romance"That psychopath thief! I never dreamt my first kiss to be stolen by a crazy guy! Tapos hindi ko pa matandaan ang itsura niya kung gwapo ba o pangit, matino ba o manyak? Aba ewan!" "Pero gumanti ka naman at sarap na sarap ka rin naman sa paghalik, g...