Author's Note:
Hooray! I'm back and kickin' again! To tell you, this is the revised version of the story and for the next days, iuupload ko ang mga susunod na chapters! Don't get confused about the story, kasi iniba ko ang plots ng ilan, by the way, iwelcome niyo ako sa aking pagbabalik! Haha!
Just kiddin. Don't forget to vote, promote and leave a comment!
••••••••••••••••
THE UNEXPECTED KISS
"You have to come with me at the ball, I swear, you'll enjoy it Trisha" Gabril told her over the phone. For the past few days, consistent itong si Gabril sa pagpupumilit sa kanya para pumunta sa gaganaping company ball ng kanilang kumpanya. Trisha's not interested about it and she keeps on declining Gabril's request, ang dami niya pang tatapusing requirements sa school at mas mainam na gamitin niya nalang ang oras na yun para sa requirements niya.
"I have to say no Gab, you knew that I need to meet my deadlines this week. I have a lot of requirements to pass." She lazily said "And besides, I already told Dad that I'm not coming, he can understand me anyway" she added.
Narinig niya ang sumusukong pagbuntong hininga ng kanyang kaibigan sa telepono. "Ano ba naman iyan, puro ka nalang aral bes, magliwaliw ka naman minsan, parang ako ang maloloka sa mga ginagawa mo" nagtatampong sabi ni Gabril. Bahagyang natawa si Trisha "Try to hunt some guys naman oh, kaya wala ka pang nagiging boyfriend simula't sapul eh!" Dagdag pa nito.
"Hoy! Wala akong oras para dyan, pinaninindigan ko ang motto ko na, study first before guys, and fyi, masyado pa akong bata para magboyfriend. Wag kang ano Gab" sandaling itinigil ni Trisha ang pagsusulat ng essay nito dahil naaaliw siya ngayon sa usapan nila ni Gabril. Heto at pinapamuka na naman sa kanya na NBSB ito.
"Hindi ka na kinse anyos ate girl, magboyfriend ka na! Maglandi ka minsan! Tuturuan kita, sayang ang ganda natin, kailangan mong irampa ang beauty mo girl" sarkastikong sabi ni Gabril na mas lalong ikinatawa ni Trisha
"Ang good influence mo talaga ever since Gab, hindi ko talaga matandaan kung paano at kailan kita naging bestfriend. Pero sabi ko nga, wala akong oras para dyan. Hindi ako katulad mo na gimik mo na yatang rumampa gabi gabi" sabi nito.
"Hindi ako pokarat! Rumarampa ako, pero with class" Depensa naman ng kanyang kaibigan.
"Wala naman akong sinabing pokarat ka, ang sakin lang, tigilan mo na yang gawain mong yan. At wag mo rin akong idadamay kasi pag nalaman ni Daddy tong kalokohan mo, sigurado akong kakalbuhin ako ni Dad, alam mo yan" natatawang sabi ni Trisha.
Napatingin si Trisha sa relo nito at ng makita nitong alas tres na ay mabilis itong tumayo at inayos ang mga gamit nito. Habang naglalakad siya palabas ng library ay kausap parin nito si Gab sa telepono.
"Bes, hang up na ako, may klase pa ako" Trisha said. "Hindi ko na tuloy natapos yung assignment ko na essay dahil sa biglaang pagtawag mo. Makukurot talaga kita sa tagiliran kapag nakita kita mamaya"
Napahagikgik naman si Gab "Oo na! Sige at may pupuntahan pa ako ngayon, may date ako girl" natutuwang sabi pa nito. Awtomatikong namilog ang mga mata ni Trisha at sarkastikong sumagot rito "Alright, sige kita nalang tayo mamaya. Enjoy your date. Babooo!" She said, natawa pa ang kaibigan nito dahil sa tono ng boses niya na tila ba pinapahiwatig nito na "sige, makipagdate ka pa, lolokohin ka lang ulit ng mga lalakeng iyan"
Hindi na kailangang pangaralan ito ni Trisha dahil sawang sawa na ito sa kaibigan niyang napakatigas ng ulo. Ilang beses na itong pinaglaruan at pinaiyak ng mga nakakadate nitong mga lalake pero sige pa rin ng sige. Hindi na ito nagtanda, may lahi yatang masochista at pagkasadista itong si Gabril dahil ineenjoy nito ang masaktan, at kung oras na niloko ito ay siya ang una nitong lalapitan na umiiyak at para bang pinagbagsakan na ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
The Lovemakings (REVISION ONGOING)
Romance"That psychopath thief! I never dreamt my first kiss to be stolen by a crazy guy! Tapos hindi ko pa matandaan ang itsura niya kung gwapo ba o pangit, matino ba o manyak? Aba ewan!" "Pero gumanti ka naman at sarap na sarap ka rin naman sa paghalik, g...