Chapter 7
THE TEASE
------------
"Stay close to me" seryosong saad ni Clyde habang papasok sila ngayon sa SM Supermarket. Tinignan siya ni Trisha at nahihiya siyang tabihan ito. Mula pa kasi kaninang pumasok sila ay pinagtitinginan na sila ng mga nadadaanan nila.
She's not yet even sure if siya ba ang dinadaanan ng tingin ng mga tao o ang lalaking nasa tabi niya lang ngayon. But she has an instinct na si Clyde talaga dahil nga naman sa dating nito at hindi mapagkakailang dahil narin sa lakas makahuli ng atensyon nito.
Sandaling napakunot ang noo ni Clyde ng hindi siya nito sinunod. Ito na mismo ang lumapit sa kanya at naramdaman nalang niya ang kamay nitong nakahawak na sa kanyang bewang.
"You're being stubborn" he said while they are walking "I said stay close" he even added.
"Hindi naman ako mawawala Clyde" nakangiting tugon ni Trisha. Kung makakapit kasi ito ay para bang ayaw siya nitong makawala.
Patagong kiniliti ang puso ni Trisha sa tagpong iyon.
"I just want you to be secured" seryosong sabi nito. "This mall is too crowded." he said.
Napangiti si Trisha. Napaka overprotective talaga nito kahit kailan. At hindi mapagkakailang kilig na kilig siya sa loob loob niya ngayon.
"But you don't need to keep me this close to you" Napatingin si Trisha sa kamay nitong mahigpit na nakagapos sa kanyang bewang. Ang lagay kasi nila ay halos yakap yakap na nito si Trisha kaya naman kahit patago siyang kinikilig ay hindi niya maiwasang mahiya dahil napapatingin ang ibang mga taong nadadaanan nila.
Tinapunan lang siya ng isang seryosong tingin ni Clyde at hindi manlang bumitaw sa kanya. "O-okay. Stay close" nahiya nalang si Trisha at hindi nalang muling nagreklamo.
Hinayaan niya nalang na halos yakap yakap na siya nito hanggang sa makarating sila roon. Saka lang ito bumitaw nang nagpunta si Trisha sa isang sulok para manguha ng push cart.
At halos matawa pa siya sa reaksyon ni Clyde nang kumawala ito sa kanyang pagkakahawak. Ang akala siguro nito ay may pupuntahan itong iba.
"What are we going to buy?" He asked. Nasa unahan ngayon si Trisha para tumingin ng mga bibilhin sa kusina. Nakasunod naman sa kanya si Clyde habang tinutulak nito ang push cart. Natatawa rin si Trisha dahil nahirapan pa ito nung una, pero kalaunan ay natuto rin naman ito.
Nilingon iyon ni Trisha. "We'll buy everything we need for our kitchen. Napansin ko kasing wala pang laman ang fridge masyado kaya bago pa tayo maubusan, bibili na ako" she said. Binaling niya ang kanyang atensyon sa kukunin nitong frozen foods at agad niya iyong nilagay sa cart.
Sumunod naman ay nagtungo sila sa vegetable section ng supermarket at namili si Trisha ng mga fresh vegetables. Nakasunod lang sa kanya si Clyde at tahimik itong nagmamasid sa paligid. Hindi niya pa maintindihan kung bakit nag iiba ang timpla ng muka nito sa tuwing may lalaki siyang madadaanan.
Kumukunot ang noo nito at parang naiinis. Kanina nga lang ay may nakangitian si Trisha na isang lalaki habang kasabay nitong namimili ng prutas. At nagulat si Trisha ng biglang lumapit si Clyde sa kanya at walang pakundangan siya nitong inakbayan.
"Bakit kanina pa riyan nakasimangot? Naiinip ka na ba?" Nag aalalang tanong ni Trisha. Malapit na rin silang matapos mamili at ang huling pupuntahan nalang nila ang meat section.
"I can still manage" casual na sabi nito pero hindi parin natatanggal ang pagkakunot ng noo nito. "Could you please stop smiling to others?" Naiinis na litana nito.
BINABASA MO ANG
The Lovemakings (REVISION ONGOING)
Romance"That psychopath thief! I never dreamt my first kiss to be stolen by a crazy guy! Tapos hindi ko pa matandaan ang itsura niya kung gwapo ba o pangit, matino ba o manyak? Aba ewan!" "Pero gumanti ka naman at sarap na sarap ka rin naman sa paghalik, g...