Chapter 6
CAFÉ
------------
Kinabukasan palang ay masigla na ang naging paggising ni Trisha. It's their first day to be together at naeexcite siya sa kadahilanang pagsisilbihan niya na ito na para bang asawa niya.
Asawa? How she wanted to hear that! But since nag lilive in palang sila, papraktisin niya na muna kung paano ang buhay mag asawa kuno.
Madilim pa ang paligid at tanging lampshade lang nito ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Kinuha nito ang kanyang phone sa kanyang tabi at tinignan ang oras.
It's still 5:15 in the morning. Naalala niya na maaga daw si Clyde ngayon dahil may importanteng meeting daw ito ngayon sa isang potential investor. Last night too, both of them shared their schedules para parehas silang aware sa isa't isa.
Kinilig pa si Trisha ng sabihin sa kanya ni Clyde na every MWF daw siya nitong ihahatid at susunduin papuntang school. Siyempre tinanggap iyon ni Trisha! Ultimate crush mo ba naman ang mag alok sayo nun, mag iinarte ka pa ba?
She quickly went off from her bed and she turned on the lights. Nagtungo muna siya sa banyo at naghilamos, nagtoothbrush at inayos ang kanyang buhok. Pagkatapos ay maingat na siyang bumaba sa hagdanan. She made sure na wala siyang malilikhang ingay para hindi magambala ang pagtulog ng mahal nitong si Clyde.
Gosh! She's really so excited. Kagabi pa nga ito nag iisip kung anong iluluto niyang breakfast para sa kanya.
Sandali siyang natigil sa pagpanhik ng kusina ng namataan niya ang papel na nakadikit sa pader. Napakunot ang noo ni Trisha at nainis siya ng makita niya muli ang huling house rule nila.
Don't fall inlove with each other. Just stay to be friends.
Kung pwede lang sana na kumuha ito ng marker at icross out iyon ay ginawa na niya. Pero kahit na, tuloy parin ang plano niya na paibigin ito. Narito na siya, narito na rin si Clyde, bakit pa siya magpapaliguy ligoy pa kung nasa harapan na niya ang pag asa?
Hindi nalang iyon inalintana ni Trisha at dumiretso na ito sa kusina. This morning is such a good vibes for her at sana ay magtuloy tuloy ito. She first got her aprons on, and she also pony tailed her hair. She prepared everything she needs and once it was all set, she started to do the cooking.
MAAGANG nagising si Clyde sa umagang iyon, at sa pagbaba palang nito sa hagdanan ay may naaamoy na itong mabangong kung ano sa kusina. Naglakad siya diretso roon at hindi maiwasan ni Clyde ang mapangiti ng madatnan niyang nakahanda na ang breakfast sa hapag.
He came closer to the table. Tinignan niya iyon. There were some slices of fresh fruits, a cup of brewed coffee, bacons, hams, scrambled eggs and a bowl of fried rice.
"Trisha?" Tawag nito sa pangalan niya pero walang tumugon rito. Napakunot ang noo niya dahil ang aga aga ay mukang wala ito sa loob ng bahay.
Umupo nalang ito sa high stool at agad niyang kinuha ang brewed coffee. Pero napansin niya ang isang yellow notepad na nakadikit sa mug nito.
Start your day with good vibes :) - it says in the note
Muli niyang tinawag ang pangalan nito. But still no one answered him back. Kaya naman tumayo ito mula sa stool at agad siyang nagtungo sa sala. Napansin niya na nakabukas ang front door ng bahay at nagkaroon siya ng ideya na baka lumabas ito.
Napakunot ang noo niya. It's still dark outside pero lumabas ito. Baka mamaya ay may mangyarimg masama rito o di kaya ay mapagtripan ito. Kaya naman lumabas narin ito. Nakarating na siya sa labas ng main gate nila pero hindi niya parin mahagilap ang anino nito.
BINABASA MO ANG
The Lovemakings (REVISION ONGOING)
Romance"That psychopath thief! I never dreamt my first kiss to be stolen by a crazy guy! Tapos hindi ko pa matandaan ang itsura niya kung gwapo ba o pangit, matino ba o manyak? Aba ewan!" "Pero gumanti ka naman at sarap na sarap ka rin naman sa paghalik, g...