NagUmpisa lahat sa patatalo . pagtatalong hindi alam san pa tutungo.Tutungo sa PagHingi ng Pahinga. pahinga na hindi alam kung hanggang kailan. Kailan na hindi alam kung ito ay dadarating . Darating sa punto na hahanapin muli ang isa't isa. Isa't isa na Hindi alam kung meron pa. Meron pa kayang tinatawag na pagmamahal. Pagmamahal na Hindi alam san dadalhin. Dadalhin sa kasiyahan na minsang nakamtam at hindi alam kung mararating pang muli.
Kaya hanggat may pag kakataon piliting ipadama hanggat kaya pa. Kaya pang itama ang mga Mali . mga Mali na paulit ulit na lang ng hindi sinasadya sabay paghingi ng pasensya. Pasensya sa mga pangakong na pako. napako na sa mga binitawang salita na hindi na mauulit muli . muli ay nagtatanong kung itoy matutupad na nga ba sa ngayon o ito ay magmimistulang pako na lamang at hindi na magiging salita. Salita na may puso nung binitawan ngunit paanong nasira ng ganun ganun na lang. Saan napunta ang mga malasakit. Malasakit na kinakailangan nung higit na nangangailangan. Siguro nga , OO , andun ang pangangailangan ng pagkalinga ngunit nasaan ang inaasahang ipadama ang "Andito lang ako wag kang magAlala" .
BINABASA MO ANG
If I Stay
Teen FictionMay mga bagay na minsan sinusuko na lang at may mga bagay na worth fighting for . paano kung nastock ka sa dalawang bagay na yan ? Paano kung di mo alam kung ipaglalaban mo pa o isusuko mo na lang. Dahil ang totoo hindi natin alam kung Anong Mas mas...