Madali nga bang makalimot ?
Bakit pag ang bagay nilagay lang natin sa isang tabi at pag sa panahong kinakailangan natin hindi natin matandaan kung san natin ito nailagay at kahit anong pilit na hanapin natin ito di natin makita , yun pala nasa tapat na natin Yung tipong Kung ahas lang yun natuklaw na tayo. Bakit nga ba ang bilis natin makalimot sa mga bagay bagay, bakit kapag NASA isip lang Hindi nakakalimutan natin ?
Yung tipong dugo at pawis na Yung effort mo sa paghahanap wala pa rin.
Ang bilis natin makalimot dba ?Pero bakit tao na ang nawawala hindi natin agad makalimutan ?
Yung kirot na naiwan sa mga puso nating wasak. Yung mga masasayang memorya na magmimistulang memorya na lang , yung mga panahon na ang sakit sakit na . yung gusto mo na lang mawala para tapos na. Yung maalala mo yung closeness niya sa iba na ganun din kayo. Ansakit dba ? Yung malaman mong hindi lang pala siya sayo clingy. Ansakit dba ? Yung mga panahong hindi na lang pala ikaw yung nakakagawa ng mga bagay na ikaw lang gumawa sa kanya dati. Yung mga panahong hindi ka niya pinakikinggan pero pag siya isa salita lang para kang nang tuta na napapaamo niya. Bakit ganun ? Bakit hindi natin maibalik yung mga sakripisyong nailaan natin para sa isang tao.
Oo siguro hindi niya hiningi pero bakit hindi natin mairespeto hindi natin masuklian ng tama ? Bakit kailangang laging kulang ? Bakit kailangan laging may pride ?
Hindi ba pag mahal mo walang pride ? Walang pagaalinlangan ? Walang second mind ?
Imbis na intindihin laging nagagalit ?Ikaw yung nagturo sakin na wag na intindihin ko muna ang iba bago ang sarili ko. At hindi ako nagsisisi na natutunan ko yun sa sarili ko. Dahil nabawasan ng kahit konti ang pagkaselfish ko.
Pero bakit hindi mo mapagtanto na nagiging selfish ka na. ?
Simple lang naman ang hinihingi ko eh . yung mapasaya ka.
Kaso hindi ko talaga maibigay sayo yun dba ? Hindi ka naman talaga sumaya sakin . kasi kahit kaharap mo na ko nagpepretend ka pa rin ng feelinga mo. Gusto ko lang naman maging transparent tayo eh hindi lang sa mga sikreto , problema sa pamilya o school man. Ang gusto ko pati sa sarili natin, kung may gusto kang sabihin ilabas mo kung gusto mo na kong mawala sabihin mo.
Kung gusto mo na kong sigawan isigaw mo. Wag mkong intindihin okay lang sakin. Okay lang.
Ang hindi lang okay sakin ay gawin ng iba yung ginagawa ko.
Sabi mo sanay ka na sa akbay.
So ibig sabihin pati sa school ganun kayo ?
Ngayon sabihin mo sakin na wala akong tiwala sayo kung nagagawa mo yan sa school.
Ako pa ngayon ang walang tiwala sayo ?
Anlaki ng tiwala ko sayo.
Magpalit tayo ng sitwasyon. Tangina kahit hindi ka seloso o selosa magrereact ka kung makita mo na may nakaAkbay sakin.
Kung sayo wala lang yun paano naman sa kanila.
Hindi ito malisya . reaction ito ng isang tao na may karapatan sayo. May karapatang magalit at magreact sayo. Ngayon kung ayaw mong respetuhin nararamdaman ko. Mas mabuti pa nga sigurong ganito tayo.
Mas mabuti pa nga sigurong tanggalin mo yung karapatan ko.Pero putangina bakit di ka mawala sa isip ko ! Bakit matutulog na lang ako magigising pa ko kasi naalala kita , magigising pa ko kasi napaniginipan kita.
Bakit kailangan Kong umiyak sa mga gabing naalala kita. Bakit kailangan ko pa ring magalala sayo ? Kung tinatanggal mo na ko sa buhay mo ?Bakit ? Kasi mahal kita. Mahal na mahal. Pero kung ipagpapatuloy mo yung ginawa mo baka tuluyan akong maubos , baka matunaw ako sa kasweetan nio. Hindi ko alam ko kaya pa kitang intindihin pag naubos na ko.
Lalo pan ngayon alam ko na wala ka naman pa lang gagawin kung mawala ako. So it means na hindi ako mahalaga ako. Okay lang. Magiging okay lang ako.
Sana bagay ka na nga lang eh. Na kahit makalimutan kita pag nakita kita sakin ka pa rin. Sana.
Pero di ka madaling makalimutan , di kita kayang kalimutan. Lahat ng sakit at saya kapag kasama kita andito lang . kasi ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit pinipilit kong hanapin yung taong nakilala mo nun.
Sa ngayon hindi ko talaga alam gaawin ko
BINABASA MO ANG
If I Stay
Teen FictionMay mga bagay na minsan sinusuko na lang at may mga bagay na worth fighting for . paano kung nastock ka sa dalawang bagay na yan ? Paano kung di mo alam kung ipaglalaban mo pa o isusuko mo na lang. Dahil ang totoo hindi natin alam kung Anong Mas mas...