CHAPTER V "MAHAL....KITA yun lang."

19 0 0
                                    

Para sa bawat oras na ipinalagi.
Para sa bawat pagkakataong maaring magkasama.
Para sa bawat tawa na itinawa ng magkasama.
Para sa mga bawat kalokohang ginawa niyong dalawa.
Para sa bawat pagpapalitan ng opinion sa mga bagay bagay.
Para sa mga Hindi pagkakaintindihan .
Para sa mga maiinit na yakap na nagpapagaan ng kasalanan at kalooban.
Para sa mga masasakit na salita. Salitang dala ng galit.
Para sa mga pagkakataong nagseselos.
Para sa bawat pagiisip ng gabi hanggang umaga .
Para sa bawat luhang ibinuhos sa mga unan.
Unan na sinandalan kapag ang bawat away ay hindi nagawan ng paraan. Paraan na hindi mahanap hanap kapag nagiisa sapagkat dalawang puso ang may sala.
Para sa bawat araw na pakiramdam mo nagiisa ka pero anjan lang naman siya.
Siya na Hindi mo inintindi ng kahit minsan.
Minsan na masayang paguusap ang hinihiling ngunit hindi mo pa maibigay.
Para sa bawat segundong iniluha na para bang wala nang bukas.
Para sa mga maliliit na bagay na sumisira. Maliit na bagay na unti unting lumalaki.
Para sa bawat I love you,
Para sa bawat I miss you
Para sa bawat kalimitang pagsasabi ng I need You.
Para sa bawat matatamis na salita.
Para sa bawat kilig.
Para sa bawat pagyakap ng unan at iniisip na sana siya na lang. SANA.
Para sa bawat pangungulila.
Para sa bawat kantang inalay sa isat isa.
Para sa bawat oras na inaantay Para lang makausap ang isat isa.
Para sa mga sakripisyo.
Para sa mga letra sa papel na pinagpuyatan. Maibigay lang sa tamang panahon .
Para sa pagpiga ng utak para may masabi.
Para sa bawat asaran at pikonan.
Para sa bawat panunuyo.
Para sa walang katapusang pagtatampo.
Para sa hindi pagkakakilanlan ng Tama, Best at worst .
Para sa mga pangakong kalimitang napapako .
Para sa mga paguusap na walang pinupuntahan.
Para sa bawat pangarap.
Para sa bawat pagiisip ng malisya.
Para sa hindi inaasahang mga kilos.
Para sa bawat pagsisinungaling.
Para sa bawat bitaw at kapit .
Para sa bawat pagbabalik.
Pagbabalik na Hindi alam kung dadating.
Dadating pa kaya ang araw na ang bawat kahulugan ng salitang nababatid ay maintindihan o inindihin man lamang.
Para sa dalawang puso na paulit ulit na nagkakasakitan. Nagkakasakitan ng walang dahilan.
Para sa bawat paghila ng isa kung maligaw man ito.
Para sa bawat paalala na dito ka nararapat.


Para sayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Para sayo.
Para sakin.
Para sa ikaw lang at ako lang .
At Hindi para sa atin.
Paalam na munang saglit.
Saglit na hindi alam kung hanggang saan aabutin.
Siguro nga may nawala, May nabago , at may magbabago.
Ngunit
Isa lang ang hindi nawala,nabago at magbabago.
Ang katotohanang Mahal Kita ,Mahal pa rin kita At Mamahalin pa rin kita.

Salamat sa lahat.

Makakapag-Antay ka ba ?

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon