Chapter 2

289 8 0
                                    

Mary Rose's POV

Napakaarte talaga! Sarap ibuhos sa kanya ang alcohol. Pumasok na ang adviser namin makalipas ang ilang minuto pero ni isa sa kanila walang bumati, maliban sakin. Binati ko siya at tumango lamang siya. Ako lang ang nakikinig sa mga tinuturo niya, ang iba naman abala sa mga negosyo nila sa buhay. Wala siyang magawa dahil na rin siguro anak mayaman ang mga tao dito, isang sumbong lang ng mga estudyante sa kanilang magulang, wala ka ng trabaho. Pero ang nakakatawa isang sabi mo lang sa estudyante na ibabagsak mo siya, susunod bigla sayo

"Get a whole sheet of paper. Well have a long quiz" anunsiyo niya. Wala pa ring pakielam ang mga kaklase ko

"Kukuha kayo o bagsak kayo? Pili?" Pinigilan kong matawa sa reaksyon nila, sa huli sila pa rin ang talo.

Nag-unahan silang pumunta sa upuan ko para manghingi ng papel. Mayaman nga wala namang pambili ng papel. Kinuha ko ang supot ng isang bookstore sa bag ko at binigay sa kanila. Naglalaman ng isang pad ng papel.

"Ms. Merontos you can go now"

"Po?"

"Pumunta ka na sa next subject mo o kahit saan. Ikaw lang din naman ang kokopyahan ng mga ito" inabot ko agad ang backpack ko bago pa magbago ang desisyon niya.

May iilang estudyante ang nasa hallway, wala sigurong guro na pumasok sa kanila. Pumunta akong library at umupo sa pagitan ng dalawang bookshelves na nasa pinakadulo. Nilabas ko ang phone at isang pack ng piatos at nagpamusic bago nagsurf sa net. This is my fave spot in school. Hindi nila ako nahuhuli. Akala ng librarian at ng faculty members na nag-aaral ako palagi dito sa library, ang hindi nila alam iba ang ginagawa ko. It's not bad to break to the rules sometimes, or should I say after all? It's fun, ya know. I still have twenty minutes left before my next class.

Pumunta ako sa college building kung saan nag-aaral ang pinakamahahal kung kuya. Tapos na ang klase ko. Naghintay na ako sa waiting area ng building nila para hindi na siya pumunta sa building namin. Buti nga at sakto ang schedule ng uwi niya sa uwian namin. Pareho kaming graduating student kaya minsan hindi kami sabay umuwi dahil may isang magpapagabi sa university. Napahinto ako sa pagmumuni ng may bumusinang sasakyan sa harap ko. Binuksan ko ito at sumakay na.

"Bar tonight?" Tanong ni kuya nang maghapunan na kami, malapit na ang first prelim namin. Pass muna ako

"Nope. Maybe next week? Prelim na namin sa susunod na lunes. How 'bout you" Nagkibat balikat siya

"Weekend naman bukas, may time ka pa"

Tinaasan ko siya ng kilay "Why? May bisita ka kuya?"

"Wala" mabilis niyang sagot

"If you say so. Kung pagdating ko mamaya ay walang grupo ng mga lalaki na magkakalat sa sala at hayaan ako ang maglinis sa sinukaan at ininuman nila. Yan naman ang bagong tawag sa walang bisita kuya right?"

"Oo na. Pupunta dito ang barkada ko"

"Kunsabagay alangan namang pupunta dito ang girlfriend mo. Teka, may girlfriend ka nga ba kuya?" Bago siya makasagot tumayo na ako at pumunta na sa kwarto

Kawawang bata, walang girlfriend. Masyadong mataas ang sinet na standard para sa magiging girlfriend niya. Una pa lang bagsak na siguro ang babae. Una, dapat may letter L-U-K-E ang first name ng babae para bagay sila, to fit his name Luke. Huggable katulad ng teddy bear. Sexy at cute kagaya ng anime. One time nagsuggest ako sa kanya na ligawan niya na lang ang teddy bear at miniature na anime ko. Hindi niya ako pinansin ng dalawang araw. Sinabihan ko naman siya na wala talaga siyang magiging girlfriend kung ganon ang standard niya. Like seriously?

Isinuot ko na lang ang heaphones, at nag-aral. So far, so good. Marami na kong napag-aralan nang makaramdam ng uhaw. Pababa na ko at napasimangot sa nakita ko. Wala na sa tamang pwesto ang couch, makalat na sahig, bukas na tv at mga nakatulog na lalaki. Dumiretso na ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Iinom-inom hindi rin pala kaya" aakyat na sana ako ng may nag doorbell. Tinignan ko ang wall clock, magaalas-dos na. Madaling-araw na din pala, hindi ko man lang namalayan. Di kaya kamag-anak ng mga tropa ni kuya.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong ko sa nakatalikod na lalaki sa labas ng gate.

"Nandito ba si kuya?"

"Sino?"

"Ah ibig kong sabihin, ito ba ang bahay ni kuya Luke Merontos?"

"Oo"

"Susunduin ko na sana si kuya" pinagbuksan ko siya at pinapasok sa loob

"Tingnan mo lang diyan kung sino kuya mo" Ginising niya ang isa na nakaputing long sleeves at itim na pants. Lumapit ako sa kanila hindi para tumulong kundi para tignan kung yung bartender ba sa bar iyon.

"Anong trabaho ng kuya mo?" Inalayan niya ang bagong gising niyang kuya

"Bartender" napalingon sakin ang kuya niya at biglang nawala ang antok nito

"Hey! You're the nerdy bitch! Don't worry i'm not drunk, I didn't drink" tinignan ko lang siya

"Oh, I'm Shone. One of your brother's friend." Tumango lang ako

"Kuya halika na, uwi na tayo" tinignan niya ang wall clock namin bago bumati ng magandang umaga at umalis na sila.

That Nerdy BItchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon