Mary Rose's Pov
"Mary Rose anak, dalagang-dalaga ka na" sabi agad ni mom pagkakita sakin
Kagabi pa sila nakadating at nag hotel na lang muna sila para hindi kami maisturbo ni kuya. Sakto namang ngayon ang graduation ng pinakamamahal kong kuya. Bineso ko pareho sila mom at dad bago umupo sa harapan nila
"May napupusuan na po kasi itong bunso natin" pagbibiro ni kuya
"Stop teasing me, you old man! Who doesn't have girlfriend!" Pambabara ko sa kanya at napangisi sa reaksyon niya
"Mom tingnan mo oh, inaaway ako"
"Tigilan niyo na nga yan. Sino naman yang lalaki anak?" Tanong ni dad
"Wag po kayong magpaniwala diyan kay kuya"
"Kuya Luke ako na po ang maghahatid kay Mary Rose, ito namang isa dito namumula na ang mukha ayaw pang aminin na may gusto din siya. Nag I love you na nga yung tao" pinanlakihan ko siya ng mata, ngumisi lamang siya
"Naiinggit ka ba Luke kay Mary Rose? Mag girlfriend ka na, tanda mo na" natatawang sabi ni dad kaya napatawa na din kami ni mom
"Mag-aayos na ko" sabi ni kuya at pumunta na sa kwarto niya
It's already evening nang matapos sila. Dumiretso kami sa isang restaurant para icelebrate ang graduation niya. Tahimik lang kaming kumakain nang may nakisalo sa table namin na pang anim ang upuan
"Hello po, good evening" bati niya sa mga magulang ko
"Hi, Mary Rose" nginitian ko na lang siya
"Good evening din, umupo kana iho. Sakto ang dati mo" nagtataka ko silang tinignan at nagpabalik balik ang tingin sa kanila
"Kilala niyo po sila?" Marahan silang tumango
"Niligawan niya muna kami bago ka niya niligawan" nakangiting sabi ni mama
Tinignan ko si Kleen at ngumiti lamang siya. I really liked him these past few months but I think I'm falling inlove with him right now, I really do.