Chapter 5

226 7 0
                                    

Mary Rose's Pov

I'm here in the library again, nagtatago at palihim na kumakain. Walang magawa sa room dahil may meeting ang teachers. Pauwiin na nga lang kaya kami nila tutal silang lahat nasa faculty room, at ano kami? Nganga. Wala ka talagang magawa kapag ganitong nagmemeeting, sobrang nakakaantok. Humiga na lang ako para makatulog, hindi naman nila ako makikita dahil nasa paboritong spot ko ako nakatambay. The last two bookshelves sa may dulo wala ding nagawi ditong estudyante.

Nagising ako sa yabag ng paa. Mabilis akong bumangon at inayos ang sarili. Sakto namang pagdating niya.

"Mary Rose? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya

"I'm bored. Tambay lang" tumango-tango siya

"Ako din. Pinauwi na lang sana nila tayo. Hindi naman tayo kasali sa meeting nila" the bell ring right after he said it. Tumayo na ako

"I guess we're free now"

"Yup" sagot ko sa kanya at nauna ng lumabas sa library

Nakasunod siya sakin hanggang sa may waiting area. Kinawayan pa niya ako at nagpaalam, tango lang ang nagawa ko. I don't even know why he did that. We're not that close. Dumiretso na ako sa college building at tinext si kuya. Sumakay na agad ako ng may humintong sasakyan sa harap ko.

"Buti nakalabas ka"

"Walang prof hanggang sa second period. Wala ding ibinigay na activity kaya okay lang daw" It's already nine a.m.

"Saan tayo?"

Saan nga ba? Oh, what if I'll make some makeover. I'm so bored, so kung magmamake-over ako hindi ko mamalayan ang oras. Yeah, right. Para na rin malaman ko kung sino yung tinutulungan ng kaibigan ni kuya. Nilingon ko siya at ngumiti

"Mall. Gusto kong magmakeover" napahinto siya bigla at iginilid ang sasakyan

Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala "What did you said?"

"Makeover. Duh, kuya naman" inirapan ko siya. Bigla naman siyang tumawa at napahawak pa sa tiyan

"Are you kidding?" Seryoso ko siyang tinitigan at napahinto naman siya sa kakatawa

"Forget it" isinandal ko ang ulo sa bintana at inilagay ang headset sa tenga

"Nagbibiro lang ako. Sige na nga" Sabi niya at pinaandar na muli ang sasakyan

Dumiretso agad kami sa salon, at sinabihan na ni kuya ang mga staff kung ano ang gagawin sakin. Tinignan ko ang sarili sa salamin, napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong magagawa, hindi naman sa ayaw ko sa ayos ko. Para na rin maiba naman and I'm so bored. Matry na rin.

Lumapit na ang bakla sakin at inilugay ang buhok ko. Nagulat siya ng makita ito.

"Girl, nagshashampoo ka ba?" Tanong niya habang kinakalikot ang buhok ko

"Yes"

"Suklay?"

"Hindi" napailing siya at pinapunta ako sa isang higaan na may parang sink sa ulohan. I don't even know what's this thing. Pinatanggal niya ang eyeglasses ko at inumpisahan ng masahiin ang buhok ko at nilagyan ng kung ano. Ugh. Ang sakit na ng batok ko.

"Matagal ba iyan?"

"Medyo, buhol buhol kasi buhok mo at buhaghag. Tiisin mo na lang" Ang sakit na talaga, feeling ko magkakastiffneck pa yata ako nito. Dapat pala hindi ko nalang tinuloy.
Matapos ang ilang minuto, binanlawan na niya ang buhok ko at pinatuyo na. Isinuot ko muli ang eyeglasses ko.

Ilang oras din bago natapos, panay ang daldal ng bakla. Pinapangaralan pa ko sa pag-aalaga ng buhok at sa sarili ko. As if I care. Mahirap talaga pagbakla ang nakahandle sayo ang daming sinasabi. Pagkatapos ay inayos niya ang kilay ko, kiniskisan lang niya ayaw kong magpabunot. Binayaran na din ni kuya ang lahat bago kami umalis

"Wow naman bunso. Mukha ng buhok ang buhok mo" hinawakan niya ito at sininghot pa. Inilagay ko sa tenga ang buhok na nakaharang pero mabilis naman niya itong tinanggal

"Ang kulit mo naman. Wag mong ganyanin, masisira yan. Hindi ka din pwedeng maligo ng ilang araw" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

"Ku-kuya? Bakit mo alam? May hindi ba ako nalalaman? Sana naman sinabi mo hindi naman ako magagalit" sinapo niya ang noo ko. Aray naman

"Hindi ako bakla"

"Sus defensive mo"

"Hindi nga sabi. Sinabi lang sakin ng bakla kanina" tumango lang ako.

Kumain na kami pagkatapos ay pumunta sa isang optical shop. Nagpatingin ako sa mata at nagbago na rin ng eyeglasses. It's the same size and shape to the other one but the grade hindi. Binilhan din ako ni kuya ng contact lense para hindi na ako magsusuot ng eyeglasses but kinuha ko pa rin ang eyeglasses hindi naman sa permanente na itong contact lense ko isusuot. Ipinalagay na rin ni kuya ang contact lense. Nag-away pa kami pero sa huli ako ang natalo.

"Isa na lang kulang, magmumukhang tao ka na" hinila niya ako papunta sa isang sikat brand na damit. Siya ang pumili ng susuotin ko. Marami din siyang pinili at pinasukat na sakin.

Is this a cloth? It's so small. Nagkulang ba sa tela ang companya nila? Ugh. I'm wearing a high waist short and sleeveless crop top. Lumabas na ako ng nakabusangot ang mukha. Si kuya na man nakangiting-aso sa hitsura ko.

"Happy now?" Inis kong sabi sa kanya

Inakbayan niya ako "Finally! Tao ka na! Congratulations! Welcome to earth bunso" iniwan ko siya dun at pumasok na uli sa cubicle. At sinuot ang ilang napili niya, labas pasok din ako dahil pinapakita ko sa kanya. And lastly sinuot ko ang napili niyang above the knee pink dress. It's simple but still I don't like it.

"Ayos na yan. Halika na babayaran na natin"

That Nerdy BItchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon