Chapter 8

187 6 0
                                    

Mary Rose's POV

"Hatid na kita, tinext ko na si kuya Luke"

Halos ganito na siya sakin araw-araw ng magsimula siyang manligaw. Hatid sundo, may free concert dahil kinakantahan niya ako, at nakikikuya siya kay kuya Luke. Hindi naman mahirap mahalin si Kleen. Mabuti siyang tao, maalaga, at mapagmahal kaya naman hindi ko maiwasang mahulog na din ang loob ko sa kanya.

"Mary Rose, para sayo pala"

"Salamat"

"Goodnight. I love you"

"Goodnight" pinaalis ko muna siya bago isinara ang gate. Napangiti na lang ako sa ibinigay niya. A Ferrero chocolate bouquet mahilig pa naman din ako sa chocolates.

"Mabuti pa siya may chocolate. Ang sweet! Sagutin mo na kasi"

Nagulat ako ng makita siyang nakahiga sa couch habang nanunuod ng spongebob

"Ang aga mo naman kuya"

"Graduating e, practice lang. Kayo, antagal niyo atang nagpractice"

"What do you expect from my schoolmates? Seryosong magpapractice?"

"Oo nga naman, penge nga"

Inilayo ko ang bouquet at inilagay ang mga chocolates sa ref para mas masarap kainin. Bumalik ako sa sala at ibinigay kay kuya ang supot ng bouquet

"Aanhin ko 'to?"

"Sayo na, nakakaawa kang tignan. At least kahit lagyanan na lang diba? Gusto ko din namang iparamdam kuya kung ano ang feeling na bibigyan ka ng ganyan" pagbibiro ko sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at pumunta sa kusina para itapon ang lagyanan. Pagbalik niya may dala na siyang chocolate. Hindi ko na sinaway, kawawang nilalang walang girlfriend.

Pagkatapos kumain dumiretso agad ako sa kwarto. Hindi na din ako masyadong nagpupunta sa bar, good girl na ako. Well I am, dati pa. Sa susunod na mga araw graduation na din namin and of course the valedictorian is me myself and I. And the salutatorian is Kleen, I didn't expect that that would be him. Nalaman ko lang nung nagpractice na kami. Wala naman kasi akong pake kung sino ang rank two as long as nakita ko na kung pang-ilan ako.

Uuwi na din sina mama at papa galing ibang bansa para maka attend sa graduation namin. Mauuna sila and the next day naman ay kami. So should I answer Kleen then?

That Nerdy BItchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon