Mary Rose's Pov
The graduation ceremony started early that's why maaga ding natapos. Maggagabi na, at may paparty sila sa'min ni kuya. Inisa lang ito para sabay na kami, imbitado din ang mga kaklase namin, kung sino ang gustong pumunta dito.
Pagdating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto para magpalit. The party is starting right now. I can hear the music downstairs. Mabilis akong nagpalit ng dress at bumaba na.
Hinanap ko agad si Kleen but I can't find him. Nilibot ko na ang buong bahay, nakipagkwentuhan sa mga kaklase namin at ilang relatives pero hindi ko pa din siya nakikita. Kumain na lang sila, wala pa rin siya. Where are you? Sasagutin na kita.
"Hinahanap hanap kita" he said in a singsong way even though I know he's singing. He's out of tune
"You're out of tune nasa kabilang linya ang notang kinakanta mo"
"Whatever. By the way, where's your oh so called lover boy huh?" Sinimangutan ko siya kaya naman napangisi siya
"Aba kung ako din no, hindi na ako sisipot sa party ng matagal ko ng nililigawan. Bad trip kaya yun, yung aasa ka na sana sasagutin ka na niya pero hindi pa pala"
"What are you trying to say huh? Bakit ba hindi mo alam kung nasan siya? Asan si Shone?"
"Easy there baby" tinaas baba pa niya ang kilay niya
"Shut up. Yan ang napapala mo, ako ang ginawa mong baby dahil wala kang matatawag na ganyan. Old man!" Inirapan ko muna siya at umakyat uli sa kwarto ko.
Nasan ka na ba kasi? Hindi tuloy ako nakakain. Bakit Mary Rose sinabi ba niyang sabay kayong kumain at hintayin mo siya? Hindi, aish. Nanggigigil ako sa kanya, kung kailan kailangan ko siya hindi siya sisipot. This is important.
May party din kaya sa kanila Mary Rose, wag kang ganyan. He's the salutatorian. But, can he go here just for a minute or so. Kahit masabi ko lang sa kanya ang gusto kong sabihin. Bumaba na lang ako para kumain.
"Asan ka na ba kasi?"
"Sino?" Halos mapatalon ako nang may nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko 'to at nagulat nang makita siya.
"Kle-kleen?"
"Oh? Gulat ka yata?"
"I thought you, never mind" tinalikuran ko siya at agad na umupo sa may pinakamalapit na upuan
"Nagtatampo ba ang mahal ko?" Tinaasan ko siya ng kilay bago sinubo ang carbonara
"Mahal ka dhiyan" pabulong kong sabi kahit may laman pa ang bibig ko
"Ang cute mo talaga kapag nagtatampo o di kaya galit"
"Sige, madali lang naman akong kausap. Balak pa naman kitang sagutin, kaso wag na lang" Nahinto siya sa pagpisil sa pisngi ko at napakurap-kurap
"What?!" Pabulong na sigaw niya
"Wala" natatawang sagot ko sa kanya
"Hindi ka lang naman cute kapag nagtatampo o galit ka. Kahit anong gawin mo cute at maganda ka parin"
"I love you" dagdag niya pa bago hinalikan ang pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang pagpula ng mukha ko.
"Oo. Alam ko." Sagot ko sa kanya at pinahiran ng icing ng cake ang pisngi niya
"Tayo na"
"Ha?" Tanong niya uli
"Tayo na!" Nakangiting sambit ko sa kanya
Nanlaki ang mata niya at napatayo bago tumalon ng bahagya. Napasuntok pa siya sa hangin. Napatingin ang iba sa gawi namin kaya mabilis ko siyang sinaway.
"Wag ka ngang o.a. diyan. Sinagot lang naman kita"
"Lang naman para sayo. Pero sakin napakaimportante na nito"
"Nambola pa"
"Hindi ah!" Mabilis niyang sagot at inakbayan ako.
Kumain na lang uli ako habang siya nakatingin lang sakin. Maya-maya pa ay nakiupo sila kuya sa'min.
"Ano bro? Tapos na?"
"Kayo na?"
"Sinagot ka na ba?"
Napangiwi ako sa tanong nila. Matapos maupo ito agad ang tanong nila. Natigil ako sa pagkain nang hinalikan niya ako sa pisngi. Sumipol naman sila kuya at naghiyawan. Namula tuloy ako.
"Yes. And it's the most precious gift that I received" nakangiting sabi niya.
Napatingin ako sa kanya at kumindat naman siya sakin. Napaiwas ako ng tingin. Feeling ko ang pula ko na ngayon.
"And I don't want this gift to be trash and share it to someone" Damn it!
"Stop it. Kinikilig na ako" Namumula sa hiya at kilig na sabi ko.
"Yun oh!"
"Sabi na nga ba eh!"
"Hindi na nakapigil!" Hiyaw nila. Natahimik sila nang tumikhim si Kleen. Mga ilang segundo bago siya muling nagsalita.
"I love you" nakangiting sabi niya. At napuno na naman ng sigawan at hiyawan ang mesa. Natigil sila nang tumayo si kuya at pabagsak na inihampas ang kamay sa lamesa.
"Tang-ina! Ayoko nang mainlove, nakakabakla!" Sigaw ni kuya at pabagsak na umupo sa upuan. Napatawa kaming lahat sa sinabi niya. Nakatanggap siya ng mga batok at suntok mula sa mga kaibigan niya at kay Kleen habang natatawa pa rin.
Now, I can't really believe that it's happening right now. Kleen Israel fall to me, this nerdy bitch. As what they've said 'That Nerdy Bitch'
Author's Note: And that's it! Thank you po sa mga bumasa, at nagvote nitong story ko. Hope you like it haha