Introduction

8 0 0
                                    

INTRODUCTION:

"pano pare? panalo ka. Nahulog na siya sayo. Ano na? Ano ng gagawin mo? hindi ko sinasadyang narinig ang pag-uusap nila. Pero ako ba yung pinag-uusapan nila. Panong' teka, tama ba? pinaglalaruan niya lang ako. Bigla nalang nanlambot yung tuhod ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Sana mali yung iniisip ko. Sana hindi totoo yung mga narinig ko..sana.

"oo. panalo na ko. Masaya na kayo. Wag niyo na ulit sasaktan si Innah.!" napaupo na ko sa sahig dahil sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko. Biglang nanikip yung dibdib ko. Nahihirapan nakong huminga. Totoo lahat ng mga narinig ko. Pinaglaruan lang nila ako. Sobrang tanga ko talaga. Umasa ako. Nakalimutan ko na hindi pala ako tulad ng ibang babae. Lumabas na sila ng locker, tumayo ako at hinagis ko lahat ng karton sa kanila na nasa gilid ng pintuan. At nagtatawanan pa talaga sila, di ba nila alam na sobra nakong nasasaktan sa ginawa nila. Pero naalala ko, gangster nga pala sila. Bale wala lang sakanila kung may masaktan sila. Pero bago ako umalis.Sinampal ko muna siya sa harap ng mga kaibigan niya.

"ouch" reklamo niya matapos ko siyang sampalin ng napakalakas.

"boooooh" sabay sabay na sigaw ng mga tropa niya.

"para yan sa paglalaro mo sa nararamdaman ko" at sinampal ko ulit siya, sa kaliwa naman. "para naman to sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Innah, hayaan mo kong magpaliwanag" hinawakan niya yung braso ko.

"wala ka ng dapat ipaliwanag, narinig ko na lahat. Sana lang maging masaya ka sa ginawa mo. Ang galing mo Ryan, napaniwala mo ko. Napaniwala mo kong scensire ka sa panliligaw sakin. Grabe...idol na kita, ang galing mong umarte Ryan..ang galing mo" tuloy tuloy na sa pagpatak yung mga luha ko. Kahit di ko kaya, pinipilit kong maging matatag kahit miski tong puso sakit na sakit na. "sana...sana____" bigla niya lang tinakpan yung bibig ko.

"Innah,t-ng ina. makinig ka muna. Mali lahat ng narinig mo. Mahal kita, mahal na mahal kita" niyakap niya ko sa harap mismo ng mga kaibigan niya. Mali na to...maling mali na tong nararamdaman ko. Maayos naman ako dati ha, simple lang naman ang gusto ko e.. pero bakit naging komplikado nang dumating ang isang Ryan Gonzalo sa buhay. Anlaki ng Impact niya ng nakilala ko siya. Pero kailangan ko ng pigilan tong nararamdaman ko, kahit hindi ko alam kung paano...basta kailangan. " Mahal kita Innah at yun ang totoo" kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.

"tama na Ryan, di mo ba nakikita na sobra na kong nasasaktan....wag mo na kong paasahin pa" tumakbo ako palayo sa kanila. Ayoko ng marinig lahat ng kasinungalingan niya. Tama na nga sigurong nasaktan ako, kasi nalaman ko na marami palang tao ang iba sa inaakala ko. Magkaka iba ng ugali ang lahat, merong mabait at meron ding mga sinungaling. Kahit anong pahid ko sa luha ko tuloy tuloy parin sila sa pagpatak. Ayoko na, panaginip ba to...kung panaginip gisingin niyo na ko...nagmamakaawa ako..

Dinala ako ng paa ko dito sa rooftop ng building namin. Sa madalas kong puntahan pag malungkot ako. Kung saan kami unang nagkita ni Ryan. Lumapit ako sa railings, nagbuntong hininga ako at sumigaw. "F-ck you ka Ryan...T-ng ina ka....ano masaya ka na ba." pahina ng pahina yung boses ko. Nauubusan na ko ng lakas. Parang wala na kong lakas na humarap sa maraming tao.

"Innah!!' pumikit ako, nahihirapan na kong huminga. Hinarap niya ko.

"Ryan tigilan mo na ko...Oo na nasaktan nako, panalo ka na. Ano pa bang gusto mo?" nakapikit pa din ako para pigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

Hinawakan niya yung muka ko. "alam kong niloko kita, pero ito lang ang alam ko na totoo..mahal na kita Innah...mahal na mahal na kita. sana maniwala ka naman" . Nanlalabo na yung mga mata ko. pero nakita ko pa na umiiyak siya. Bago ako nawalan ng malay.
.
.
.
.
.
.
.
THE END
.
.
.
.
.
.
kems...masyadong mabilis no?...
fine umpisahan ulit natin..
Next chapter na :)


Breaking the Gangster's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon