BGH 3: My Sweetest RevengeNow we're here sa pinakagusto kong place sa buong campus. dito ko uumpisahan ang plano ko..whhahaaha tamo..tawa nanaman.
…
Sa Entrance pa lang kita mo na kung gaano kadami ang mga tao dito. Nag-buntong hininga muna ako bago kami pumasok. Hinanap ko yung lalaking yun..at ang swerte ko nakita ko siya kasama ang mga tropa niya. Hintayin mo lang ako my dearest enemy. Naglakad na ko palapit sa kumpol ng mga gangsters.
"speaking of... Ryan Dominic Gonzalo ayan na pala siya" Nakangiting bigkas ng playboy na si Hermes Trinidad... speaking of? malamang ako pinag-uusapan nila. Tumayo yung bwiset na hari nila tsaka lumapit sakin...Malayo-layo yung distansya namin sa mesa nila.
"bakit nandito ka panget na babae?" ah ganun tinawag niya pa talaga akong panget, sino kaya samin?
Lumuhod ako mismo sa harap niya, oo lumuhod talaga ako kahit alam kong maraming nakakakita. "oh, ano na namang ka emo-han yan? tumayo ka nga" inuutusan nya bako? ok fine, tumayo ako.
"sorry ha....pano mo bako mapapatawad? gusto mo ba punasan ko yang sapatos mo? o kaya gawin ko lahat ng assignments mo!? ano pano ba..sagutin mo ko...ano masa-hihin kita " pumunta ako sa likod nya at minasahe siya. "gento ba?... o ayan minamasahe na kita....sorry na kasi" hula ko nagtataka na siya kung bakit ko ginagawa to....
"oo na, oo na tigilan mo lang ako, oo na you are forgiven so just ah....just leave us" nakulitan siguro siya sakin. Edi layuan, lumapit na ko sa mga kaibigan ko habang palihim na naka thumbs up... yung silang dalawa lang yung makakakita . Paglapit ko sakanila. Nag hi-five ako kay Jules pero nung si Alex na sana, bigla na lang siyang tumalikod. Ano ba talagang problema ng babaeng to? Palayo na kami pero rinig na rinig ko na nagtatawanan yung mga tao dito sa loob, pero wala kayo mas malakas pa tumawa yung nga tropa nya, Hagalpak as in. hahaha..Dikitan ko lang naman kasi ng bondpapaer na may nakasulat na 'tumabi kayo na pa-tae ako!' and that is my revenge...let's just see kung siya pa rin ang magiging hearthrob nato....pagkatapos ng sobrang kahihiyan na sinapit nya sa ganda ko. Whahahahaha....
…
No one dares to mess up with me, or else they want to die earlier. Dahil hindi nila alam kung ano ang mga kaya kong gawin. Kung badboy siya, mas badgirl ako. Eto na ang simula ng pagiging miserable ng buhay niya ang araw na kinalaban niya ang Evil Princess sa kanyang bangungot..Whahaha
…
On the way na kaming tatlo sa parking lot, mukang uuwi akong masaya nito ha. "Innah your so stupid talaga, you know what? im starting idolizing you na" said jules while hugging me.
Alam ko namang matagal nya na kong ini-idolo eh. Sa ganda ko ba namang to? chos.
"oy Alex uuwi ka na?" tanong ko kay Alex when i saw her ng pagbuksan siya ng driver nila ng pinto ng van. Tumango lang siya. Antamlay niya talaga. "sige, ingat matulog ka maaga ha, may sakit ka ata e" then their driver closed the door.
Lumapit sakin si Jules nung makaalis na si Alex. "alam mo sa tingin ko may problema yang si Alex, bakit kaya ayaw niya sating sabihin?" humarap ako kay Jules.
"siguro nga, pero bakit wala siyang sinasabi?" pagtataka kong tanong.
"di ko nga rin alam, sige Innah I have to go na, see you tomorrow. Wag kang male-late ha" pagpapaalala niya at umandar na pa-exit yung van nila. Nag buntong-hininga ako. Ano kaya yun? ah bahala na kakausapin ko siya paguwi ko. At sumakay na rin ako sa service ko.
…
While lying at my bed biglang pumasok sa isip ko si Alex. Umupo ako then i get my phone on the table near my hello kitty lampshade..di ako mahilig sa hello kitty yun lang naman e, tsaka yung mga pillow, bedshit , frame, curtain, cellphone case, drawer, design ng wall, yung bed tsaka yung mga chairs yun lang naman e. Chos..back to reality..dinial ko si Alex after 2 minutes walang Alex na sumagot. Ah baka tulog?
Bumalik na ako sa pagkakahiga, iidlip lang muna sana ako pero nung pipikit na ko biglang ng ring yung phone ko si Alex tumatawag...abaaa once in a blue moon lang ata siya tumawag, ako kasi ang laging tumatawag sakanya e.
"oh?" maikli kong tanong, ganun talaga pag maganda...binabayaran kaya ang boses ko.
"kita tayo sa park ng village nyo" parang walang reaksyon niyang sabi
"huh----" then she end. bastos tong babaeng to kinakausap ko pa e...pinatay..pasalamat siya bestfriend ko siya dahil kung hindi...ay nako.
Mga tatlong minuto akong napaisip tyaka lang na process sa utak ko yung sinabi niya.
Naka t-shirt at shorts lang ako nagmadali na ako kasi baka may importante siyang sasabihin sakin, kaya siguro gusto niya kaming magkita.
…
Ginamit ko yung scooter ni kuya Gerald, marunong naman ako nito e. Tinuruan niya ko before he migrates in Canada for managing the branch of our business there.
Wala pang 10 minutes narating ko na yung park dito sa village walang masyadong tao dito ngayon kasi medyo madilim na. Magkakaiba kaming tatlo ng village. I saw her na naka upo sa swing pero hindi nagalaw nakayuko lang siya don. Nilapitan ko siya.
"oy Alex bakit? ano na namang ka-emohan to?" pabiro pero seryoso kong tanong.
Inangat niya yung ulo niya, pero bakit ganun parang sobrang bigat ng problema niya? Tumayo siya at hinawakan yung dalawa kong kamay....ano kayang problema mukang kinakabahan ako ha.
"Innah, panget ba ko?" ano bang tanong to? hindi pa naman ako nag karoon ng kaibigan na panget.so hindi siya panget..mapili naman ako no..you know..choosy.
"hindi! ano ba talagang problema? pwede ba Alex diretsuhin mo na nga ko!" andami pa kasing paligoy ligoy e.
"bakit kasi ikaw kabago-bago mo lang napansin ka na agad ni Ryan, pero ako mag-iilang bwan na. Kahit pangalan ko hindi niya pa nga ata alam." nagulat ako kasi biglang may mga luha na lang na pumatak sa muka niya.
tumawa ako "so you mean, may gusto ka sa pangit na yon!" biglang sumeryoso yung muka ko ng makita kong seryoso talaga siya. " Alex maraming lalaki sa mundo--.." hindi na nya ko pinatapos.
"gusto ko siya Innah, gustong-gusto ko siya, tulungan mo naman ako"
"parehas lang din pala kayo ni Jules Alex...parehas lang kayong tanga." ang dami dami naman kasing lalaki sa mundo.
"pero siya ang gusto ko" tuloy tuloy lang siya sa pag-iyak...di ko alam na napaka babaw pala nitong si Alex nato parang bata. "tulungan mo ko Innah, Tulungan mo naman ako na mapalapit sakanya oh."
"ayoko...hindi pwede...sa iba matutulungan pa kita pero dyan sa lalaking yan..nako hindi ko kakayanin" ma-pride kong sagot.
Nagulat ako, kasi bigla nalang siyang lumuhod sa harap ko mismo.
"sige na Innah, hayaan mong mapalapit ka kay Ryan at maging tulay samin." eto na tayo nagmamaka awa na siya. pagbibigyan ko ba.
"Capital A-Y-O-K-O....ayoko talaga Alex ayoko, ayoko ayoko. Exclamation point three times alam mo naman yung rason ko diba" bigla na lang siyang tumayo at tumalikod sakin. Naglalakad na siya palayo. nag buntong hininga ako. Nakaka konsensya kasi e. Magtatampo naman pag hindi ko pinagbigyan.
"sige papayag ako...pag-iisipan ko muna" humarap siya sakin then tumakbo palapit. she hugged me tight.
Sana tama yung desisyon ko.
Sana tama....…
BINABASA MO ANG
Breaking the Gangster's heart
Teen FictionBreaking The Gangster's Heart (BGH) -The story that tells us, on how to be happy on happiest moment, on how to cry on saddest moment..and how to sacrifice for the ones you love...just for the sake of refutation, and your friendships.. -The story tha...