BGH 2

0 0 0
                                    

BGH 2:

Lunch na. Palabas na kaming tatlo ng room. Nauuna silang maglakad sakin. Bago ako lumabas ng pinto tumingin ako sa kaliwa at sa kanan..good. wala naman siya. Nag stand-straight ako. Puro salita lang naman siya, for sure natakot na yun. Baka nga nangangatog na mga tuhod nun ngayon e.

Were here now. In their cafeteria. Malaki laki to kesa sa dati kong school. At infairnes andaming tinda at ang ganda. Hindi siya totally canteen. Puro puno siya at puro grass. Yung mga lamesa nila gawa lahat sa kahoy pati mga upuan. Tapos yung bubong nila glass din. And may malaking puno sa center, para siyang three house at dun nakalagay ang mga paninda and wag ka self service to, so it means eat all you can. Bongga talaga tong school na to as in. Walang wala sa dati kong school. Mabuti na rin at lumipat ako dito. Tama pala ang sinasabi nila tungkol dito...ito nga ang pinaka social na school sa Pilipinas. Sulit ang tuition fee, na nasa kulang kulang kalahating milyon kada semestral.

Then ang mga room dito fully-air conditioned. At hindi na rin gumagamit ng libro dito puro gadgets na kasi pero meron pa namang library. ah, Speaking of library....nakita ko si Ryan papalapit sakin...teka? anlayo no?hahaha...pero malapit na talaga siya sakin. Lahat ng mga tao dito nakatingin na sakin. Kasama niya yung mga tropa niya. Marami sila at puro.. gwapo? ah basta..Tinaas ko na lang yung kilay ko para ipakita na hindi ako natatakot. Hinihila na ako ng mga kasama ko. Pero hindi pwede kasi matapang ako kahit kinakabahan na.

"Innah, halika na kasi" Hinihila na nila ako..tatakbo na ba ako? pero kailangan ko tong panindigan andito na sila e.

"no" tipid kong sagot.

"hoy transfer!" galit siya na sumigaw mismo sa mukha ko.

Tumingin ako sa likod ko "ah, ako ba yung tinutukoy mo?" pamimilosopo kong tanong .

"oo ikaw nga" sumagot naman siya.

"Bakit may kailangan ka ba? o ba ka naman miss mo na agad ako?" at mapang-asar ako na humagikgik.

"Anlakas naman ng loob mo na sabihan ako nyan e an---"

"shhhhhh" pinutol ko yung sasabihin niya. Tinakpan ko ng daliri ko yung mga labi niya. At infairness malambot siya. "madali lang naman sabihin na...hi Innah i miss you" hahaha natatawa ako sa sarili ko kanina lang nagkita miss na agad, di pa nga magkakilala.

"hoy wag ka ngang assuming, ganun ka na ba kadesperada? siguro may gusto ka sakin no...kaya ka nag papa-pansin" aww ansakit naman...kapal niya ha.

"hahaha...nagpapatawa ka ba?" mapang-asar ako na tumawa "wag mo ngang binabaliktad, baka ikaw ang may gusto sakin...halika na nga girls . Mamaya umasa pa yan" at hinila ko na sila patalikod...panalo na ba ko?

"saglit nga" at bigla na lang niya ako hinila....bigla ring naglapit yung mga muka namin....nagkatitigan kami ng matagal hindi rin ako makagalaw kasi isang wrong move lang magugunaw ang mundo. kemsss..

"bakit?" tanong ko oh my god napapaligiran nga pala kami ng maraming tao, ganun ba talaga sila ka sikat? pero yuck...bat ako kinakabahan..Ano to She's dating the gangster? kunwari ako si Kathryn tapos siya si DJ....yayakapin niya ko para alamin kung nakatingin si Athena....pero sorry I dont like to be his rebound...maganda ako, hindi panakip butas.

bumulong siya sakin, yung mahina na ako lang ang makakarinig. "ayusin mo pananalita mo kung ayaw mong mabully" ay nako po nanay, natatakot ako natatakot ako garabi..

Dumistansya ako ng konti sa kanya..."ikaw din ayusin mo pananalita mo kung ayaw mo ring mabully" ginaya ko kung pano niya sinabi yon. And I gave him my sweetest glare. Hindi lang naman siya may karapatang mambully e. And that was my first encounter with a gangster.







Breaking the Gangster's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon