BGH 4

0 0 0
                                    

Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip tungkol kahapon. Ano bang magandang desisyon? yung parehas kaming hindi masasaktan ni Alex...wow big word.!tsk..my eye bags getting bigger na tuloy, but its ok wala paring nagbabago...maganda pa din ako tulad ng dati.

Nagpre-pare na ko para pumasok sa school. Habang nasa byahe ako. Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang magiging sagot ko sa hiling ni Alex. At oo, papayag nako....siguro ito na rin ang umpisa sa plano kong pagpapabagsak ng mga gangster sa mundo at sasampolan ko yung Ryan Dominic Gonzalo ang hari ng mga badboy.

...

After ng malalim na pag-iisip, bigla na lang dumugo yung utak ko! charott...Nakarating na rin ako sa school at infairness ang aga ko. Malayo palang tanaw ko na si Alex kasama si Jules sa pintuan ng room. Dumiretso ako sakanila. And guess what? buo na ang desisyon ko, pagbibigyan ko sa Alexis Cruz.

"Innah ang aga mo yata ngayon?" amazed na tanong ni Jules..e hindi naman kasi ako nakatulog. Hindi ko na lang siya pinansin...."back to you Jules" baliw ba tong babaeng to, sinagot yung sarili.

Papasok na sana sa room si Alex pero hinila ko siya sa malapit sa corridor. " Oo na Alex payag na ko" at bigla na lang niya ako niyakap kasama nung ngiti niya na pagkalapad-lapad yung ngiti na namiss ko.

"oy anong nangyayari dito" tanong ni Jules habang papalapit samin. "again, back to you Jules" loka loka talaga tong babae na to sinagot nanaman yung sarili. Nagtawanan na lang kami.

Habang nagtatawanan kami, bigla na lang may natanaw akong demonyo!! chos...pero parang ganun narin. Ako e nagtataka sa lahat ng tropa niya siya lang ang nasa Star Section, matalino ba to? wala sa itsura..Ah baka naman malakas ang koneksyon sa mga teacher. hayyy..erase erase...mag focus ka sa pakikipag-close sa kanya. Tiningnan ko si Alex titig na titig talaga siya sa lalaking yun, ano bang gayuma meron yun...Inhale Exhale... " hi Ryan:)" bati ko sa mokong na yun with smiling face pa talaga. Pero laking gulat ko? naks lalim ha...pero nagulat ako kasi iniripan niya lang ako...Mukang nag-uusok ang ilong ko. Tong ganda ko iirapan niya lang, bading ba siya? Konting pasensya Innah. konti pasensya.! Sinundan ko siya sa loob ...may bakanteng pwesto sa tabi niya salikuran ko...umupo na siya at umupo din ako dun sa bakante....sumandal siya habang nakapikit at naka-angat yung ulo...he crossed his arms at hindi man lang niya napansin yung prisensya ko. Wala talagang kwenta tong lalaki na to. Humarap ako sa kanya habang naka pangalumbaba. Tinitigan ko siya. Mga 10 seconds ko siguro pinagmasdan yung gwapo niyang muka...tse!! oo na gwapo na...wala namang mawawala kapag umamin akong gwapo nga siya. E ang ganda kaya ng hugis ng mukha niya tapos yung pilikmata pa ang haba pero hindi ganong kakapal para siyang na ka false eyelashes...talo pa ko...tapos yung ilong sobrang tangos...pababa ng pababa yung mata ko hanggang maka abot sa labi niya...ow...ang nipis tapos pinkish in color pa...kissable lips talaga..ano kayang feeling ng mga nakaka lips to lips nito...napakagat labi ako...pero nagulat ako kasi bigla siyang nagsalita. "Wag mo ng pag nasaan yung gwapo kong mukha.baka mabati..." walang emosyon nyang sabi pero nakapikit pa din...

Biglang bumalik yung utak ko sa katinuan..Luh nakakahiya alam niyang nakatitig ako sa kanya. Feeling ko tuloy nag-init yung pisngi ko..." wow ha laki ng tiwala sa sarili..may kulangot ka lang kaya kita tinititigan" buti nalang mabilis ako mag-isip.

Dumilat siya pero hindi pa rin tumitingin sa akin "sus palusot, alam mo wala naman tayong quiz eh...wag mo ng solohin yung mukha ko" nakaw....pasensya naAlex pero nakaka bwiset talaga yang Ryan mo...Nag-kaskasan yung mga ngipin ko dahil sa inis...Nakakabad-trip...Tumayo ako...

"oy , san ka pupunta?" tanong sakin ni Jules.

" sa CR...magsusklay...masyado na kasing malakas ang HANGIN DITO" diniinan ko talaga yung word na HANGIN habang nakatingin sa Hayop na Ryan na yunn...ay Dyos ko Lord..patawarin nyo po ako sa mga word na nababanggit ko. Tumingin sila sa Ryan na yun...pero this time nakatungo na siya.

Breaking the Gangster's heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon