Chapter 3: The Girl

114 5 2
                                    

Chapter 3: The Girl

"Janessa"
..
.
.
.
May tumatawag sa akin sa madilim na lugar. Wala akong makita.
.
.
.
"Janessa" isang lalaki na pamilyar ang boses. Kuya?
..

.
Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko na boses.
.
"Janessa, nandito kami. Wag mo kaming iwan" Mama? narinig ko ang boses niya pero hindi ko siya makita. Nasaan kayo?

Tumakbo ako..
Kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Sinusundan ko lang ang boses nila.

Mama! Kuya! Papa! Nasaan kayo? Hindi parin ako makapagsalita. Umiiyak na ako at nararamdaman ko ang paglabo ng mata ko.

"Janessa wag kang susuko....mahal--"

.
.
.

"JANESSA!" Napabalikwas ako at napabukas ng mata. Nakita ko ang mukha ni kuya. Bigla ko siyang niyakap ng di namamalayan.

Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin at tinignan ako sa mata.

"Umiiyak ka?" Nag-aalalang tanong ni Kuya.

Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basa nga ito ng luha.Tinignan ko ang orasan ko sa tabi ng kama. 10:04 am.Limang araw narin ang nakalipas simula ng dumating kami dito sa probinsiya.

"Nananaginip ka na naman ng masama?"

Hindi ako sumagot.Natatakot ako sa panaginip ko. At nararamdaman ko siya ngayon.Natatakot ako na mangyari ang nasa panaginip ko kahit hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Parang totoo kasi.

"Wala ka bang balak sabihin sa magulang natin ang nangyayari sayo.?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko na kailangan pag-alalahin pa sila Mama. Marami na silang problema at ayoko ng dagdagan.

"Janessa, ano ba? Hindi ka ba gagawa ng solusyon sa problema na ito. Tatakasan mo nalang ba ha? For Pete's sake! Nag-aalala ako sayo." Naramdaman ko ang inis sa boses ni kuya. Tinulak ko siya palayo sa tabi ko at tinalikuran ko siya at pumunta ako ng banyo.

"JANESSA!"

"KUYA! TAMA NA.mamaya mo na ako kausapin. Please" Nagmakaawa na ako sakanya. Gusto ko ng itigil ang usapan namin.
Hindi ko maintindihan ang expression sa mukha ni kuya. Tumalikod nalang siya at lumabas ng kwarto.

Napaupo ako sa sahig. Ganito ang nangyayari sa akin tuwing umaga. Panaginip, Nakakatakot na Panaginip,...Tumatakbo, Madilim na lugar. Maliban doon, hindi ko na matandaan ang iba pa. Si Kuya ang unang nakadiskubre na lagi akong nananaginip ng masama araw-araw. Lagi akong umiiyak sa panaginip ko. Gusto niya nga ako ipatingin sa Psychologist pero tumatanggi lang ako, ayoko rin na malaman nila Mama. Nangako din si Kuya na hindi niya sasabihin ito sa magulang namin.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Ayokong makita ako ni Lola na ganito ang ayos.

Nagulat ako ng lumabas ako ng kwarto. Isang gwapong lalake ang tumambad sa akin. May masungit na aura at hindi ngumingiti.Si Mark. Nasa tapat mismo siya ng pinto ng kwarto ko at kulang nalang ay magpose siya na parang model. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita.

Hinihintay ko siyang magsalita kung anong kailangan niya sa akin o sa kwarto ko pero lumipas na ang isang minuto at kalahati ay nakatayo parin kami at hindi gumagalaw.

Naramdaman ko na ang gutom kaya iniwan ko na siya doon at nagsimulang maglakad papuntang kusina.

Kukuha na sana ako ng plato pero biglang may nagsalita sa likod ko.

Monster within Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon