Chapter 1: Departure and Arrival

493 14 2
                                    

Chapter 1: The Departure and Arrival

"Ma,Pa, nandito na po ako" Yun ang una kong sinabi ng marating at mabuksan ko ang pinto ng bahay namin. Weird. Masyadong tahimik ang bahay  namin. Parang may mali. "Ma nasaan kayo?" sigaw ko pa.

 .

 .

"Anak nandiyan ka na ba?Nandito kami sa kusina ng Papa mo" sigaw ni Mama. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano na naman itong nararamdaman ko. Parang ang saya-saya kahit wala namang masaya.Siguro tama nga sila, Ang weirdo ko daw.Feeling ko nga baliw na ako ee.

 .

 .

Binaba ko muna ang backpack ko sa sofa ng sala at inayos ang duming nakita ko sa aking uniform.Mahirap na at baka makita pa ito ni Mama at magtaka kung bakit nadudumihan ako araw-araw. Isa ba naman ako sa binubully at pinagdidiskitahan ng mga kaklase ko. Masyado daw akong weirdo at hindi bagay sa eskwelahan.Idagdag mo pa ang salamin sa mata at kakaibang hairstyle. Napabuntong-hininga na lang ako sa naisip ko. Nasa Maynila ako tumira at lumaki, pero daig ko pa ang isang alien kung ituring at layuan ng mga tao.

 .

 .

Dumiretso na ako sa Kusina at nagmano kay Mama at Papa. Hindi ako mapakali ng makita ko ang malungkot na mukha nila. Nakita ko ring pumasok ang nakakatanda kong kapatid na lalaki. Si Kuya Vanz.  Parang may pag-aalala at lungkot din sa mukha niya.

 .

 .

"Ma, ano pong problema?" tanong ko 

 .

 .

"Anak, may masamang balita.Natanggal sa trabaho ang papa mo.Hindi na kayo kayang pag-aralin ng naipon naming pera." Narinig ko naman ang hikbi ni mama.

 ..

 .

"Ma.wag po kayong mag-alala. Maghahanap po ako ng trabaho para may pangpaaral si bunso,kahit ako nalang ang tumigil sa pag-aaral basta makatapos lang si bunso" sabi pa ni kuya kaila mama.Umiling naman si Papa at mukhang hindi nagustuhan ang ideya ni Kuya

 .

 .

.

"Anak, gusto kong makapagtapos ka ng college.At ayokong matulad ka sa akin na hindi nakatapos dahil sa kahirapan. gusto ko pang makita na umakyat ka stage...Nakapagdesisyon na kami ng Mama mo.Dun nalang tayo titira sa probinsiya ng Lola niyo, May maayos namang University doon atleast magkakasama parin tayo habang nagtatrabaho ako sa sakahan."ramdam na ramdam ko ang lungkot habang nagasasalita si papa

 .

 .

"Wag kayong mag-alala, Alam kong magugustuha niyong tumira doon kasi nandoon nakatira ang lola niyo.Pasensya na mga anak ah.."

 .

*****

Ganoon na nga ang nangyari..Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa probinsiya kung saan nakatira si Lola.Nasa ika -apat na taon na ako sa highschool at buti nalang ay pinagraduate muna ako ni Mama bago kami lumipat. Nakapunta na ako dito noong elementary pa lang ako.Naalala ko pa na dito ako nakaramdam ng may mga kaibigan. Dito ko rin unang naranasan ang magkaroon ng crush o paghanga sa isang lalaki. Matagal na ring panahon ang lumipas kaya nakalimutan ko na ang mukha at itsura nung lalaking iyon. Ang naaalala ko lang ay lagi kaming kumukuha ng mangga at lagi niya akong kinakantahan.

Monster within Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon