Chapter 8: Kidnapped

87 2 0
                                    

Chapter 8:Kidnapped

Sorry for the long wait.
Enjoy!

****

NAIILANG si Janessa. Hindi niya alam kung anong gagawin lalo na't nakatingin sakanya si Caleb. Umalis si Damian at Cheska dahil pinatawag sila ng kanilang Lolo at naiwan si Janessa kasama si Caleb.

"Nagugutom ka ba?" Napatingin si Janessa ng magsalita si Caleb. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Binalik niya ang kanyang paningin sa coffee table na nasa harapan niya.

Hanggang ngayon kasi ay iniisip ni Janessa kung anong nangyari sakanya kanina. Oo, kabigha-bighani ang kagwapuhan ni Caleb pero iba ang kanyang naramadaman ng makita ito sa unang pagkakataon.

Napaisip nalang siya na baka 'nasstarstruck' siya katulad ng pag nakakakita siya ng isang artista.

Bigla namang tumawa ng mahina si Caleb kaya napatingin si Janessa sa kanya na may halong pagtataka.

"O, Sorry.Hindi ko sinasadya. May naalala lang akong nakakatawang bagay" aniya ni Caleb. "Ano naman iyon? " lumabas ang pagkacurious ni Janessa kaya naitanong niya ito. Ngumiti naman si Caleb. "Si Damian lang yun, iniisip ko kung anong itsura niya kapag kaharap si Lolo"

"Gusto mo bang ipasyal kita dito sa mansyon?" Bigla namang kuminang ang mga mata ni Janessa. "Talaga? Pero baka bawal?" Bigla namang tumayo si Caleb sa pagkakaupo.

"Hindi naman, gusto mo bang ilibot kita sa library namin? Ang pagkakaalam ko yun ang pinunta mo dito." aniya ni Caleb sabay abot ng kamay kay Janessa para alalayan ito sa pagtayo na siyang kinuha din nito.

"Oo, mahilig ako sa mga libro. Ikaw din ba?" sabi ni Janessa mula sa pagkakatayo.

"Hmm..Oo. Pero noong una ayoko talagang magbasa ng mga libro. Pero may isang taong nagturo sa akin na mahalin ang pagbabasa" aniya ni Caleb

"Talaga? Hulaan ko kung sino. Si Damian diba?" Caleb chuckled
"Paano mo namang nasabi na si Damian ang tinutukoy ko? "

"Ha? Hindi ba? Pero magkapatid kayo at mahilig magbasa si Damian."sabi ni Janessa.Tumigil sila saglit ng marating nila ang isang malaking brown na pinto. Binuksan naman iyon ni Caleb at tumambad sakanila ang naglalakihang bookshelves at maraming libro.

'Pwede na ba akong tumira dito?Parang ayoko ng umalis' isip-isip ni Janessa.

"May lamesa at upuan dito Janessa. Baka mangalay ka sa pag nakatayo ka lang" sabi ni Caleb. Bigla namang bumalik sa ulirat si Janessa at nakita na nakatayo lang siya habang pinagmamasadan ang napakalaking kwarto na punong puno ng libro.

"Napakadaming libro nito. Nabasa mo na ba lahat ng ito? " Tanong ni Janessa ng makaupo siya.

"Hindi. Pero may isang tao akong kilala at kilala mo rin siya na nabasa na halos lahat ng ito. " Tumingin naman si Janessa kay Caleb at napangiti. Alam nilang pareho kung sino ang tinutukoy ni Caleb.

Napatingin si Janessa sa dalawang libro na nasa lamesa. Parehong kulay asul at plain ang cover ng mga ito. Kinuha niya ito at binuklat.

"VAMPIRE BOOK 1st Edition" Binasa ni Janessa ang nakasulat na title.
Binuklat niya ang pangalawang pahina.
To: Cleo

Cleo? Sino si Cleo?

"Nacucurious ka ba kung sino siya?" tanong ni Caleb. "Medyo, sorry ah" sabi nalang ni Janessa. Bumuntong hininga naman si Caleb bago magsalita. "Si Cleo ang nanay ni Damian" nagtaka naman si Janessa sa sinabi ni Caleb.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Monster within Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon