Chapter 6: Confusion
Dedicated to the very beautiful, Sexy, intelligent and a talented singer and dancer. Grazielle Anne " Blue" Ordinario.
××××------------------------
CAST w/ ageJanessa Greon-17
Vanz Greon - 22
Mark Tuazon-18
Steve Tuazon-17
Kevin Genosa-13
Jeric Mendez-18
Dave Mendez-18Family Tree
Silva Greon×Unknown
James Greon×Vanessa Greon.
Janessa Greon
Vanz GreonAmeri G. Genosa × Fernand Genosa
Kevin Genosa****************************
Mark?
"Sh*t"
"Ganyan ka ba bumati ? Kailangan may kasamang suntok?" narinig ko pang tumawa yung Jeoffe. Hindi ko na makita ang nangyayari.
Buhat buhat ako ni Mark sa balikat niya at ang tanging nakikita ko lang ay ang likod niya. Hindi na ako nagpupumiglas pa dahil wala na akong lakas dahil sa mga nangyari. Ang alam ko lang sa ngayon ay ligtas na ako dahil nandito na si Mark.
"Anong ginawa niyo kay Jeric? " naramdaman ko ang seryoso sa boses ni Mark
"Wala, pinatay lang namin ang sagabal sa plano." Napakuyom ang kamao ko sa galit at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Woah! Nakita mo ba yung mukha niya Marcus? Galit na galit siya" Tumawa ng malakas yung Jeoffe.
"Ibigay mo siya sa amin , kung ayaw mong matulad sa nangyari sa kaibigan mo" narinig kong nagsalita yung Marcus. Alam kong ako ang tinutukoy niya kaya napakapit ako sa damit ni Mark dahil nakaramdam ako ng takot.
Pinakikiramdaman ko si Mark. Ibibigay niya ba ako? Paano kung mamatay din siya katulad ni Jeric ng dahil saakin?Pinikit ko ang mga mata ko at naghihintay sa mangyayari.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mark. Please.
.
.
.
.
.
.
.
."Sa tingin niyo ibibigay nalang namin siya ng basta? Mukhang siniswerte ata kayo?" Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
Dave?
"Sh*t, tara na Marcus mukhang may parating pang iba"
"Hep! Saan kayo pupunta? " Dave
"Dave, pabayaan mo na sila""ANO? Paano mo nasasabi yan? Pinatay nila ang kapatid ko!" naramdaman ko ang galit sa boses niya.
"Mapapahamak si Janessa" kalmadong sabi ni Mark
Wala akong narinig na sagot at katahimikan lang ang tumambad saamin.Maya-maya pa ay binaba ako sa damo ni Mark. Nakaupo lang ako at hinang-hina
Tinignan ko ang paligid at wala na yung Marcus at Jeoffe.
Nakita ko si Mark na nakatayo sa tabi ko at tinignan ko si Dave na kinuha yung kutsilyo na may dugo ni Jeric. Galit na galit niyang hinagis ang kutsilyo."Bakit ka umalis sa bahay?" biglang tanong ni Dave. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.
"Sorry"
"Bakit ka umalis sa bahay Janessa? " tanong niya ulit. Hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya.
" N-nag-aalala lang ako.... Wala pa kasi kayo at gabi na baka may nangyari na sa inyo."
BINABASA MO ANG
Monster within Her
VampireHindi inakala ni Janessa na ang paglipat niya sa probinsiya ay lalabas ang mga sikreto na bumabalot sa buong pagkatao niya. May mga halimaw na gusto siyang kunin at angkinin. Halimaw na tinatawag na BAMPIRA ©Copyright 2014