Chapter 7 : Breathe*********************************
ISANG BUWAN na ang nakakalipas matapos mailibing ang katawan ni Jeric. Tahimik ang buong pamilya at ramdam mo ang pagkalungkot sa kanila ng nilibing siya. Hindi ko parin nalilimutan ang mga pangyayari nung namatay si Jeric, hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang sakit.
Pero sabi nga ni Kuya, kailangan narin namin makalimot at magmove on."Janessa!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Papa kasabay ng katok.
"Papa, sandali lang po. Lalabas na po ako" Kinuha ko na ang bag ko at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin. Hindi na ito tulad ng dati Janessa.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at sumalubong sa akin ang nakangiting si Papa. Kinuha niya ang kamay ko at nilapit sakanya. Naramdaman ko naman ang pag-akap niya sa akin
"Mag-iingat ka anak. Wag kang mag-alala dahil nandiyan naman si Mark, nangako siyang babantayan ka"
"Opo papa" Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na. Lumabas ako ng pinto ng bahay at nakita ko si Mark at ang motor niya.Kinuha ko yung helmet at sumakay sa motor.
"Ma aalis na po kami" paalam ko
"Bye Janessa! Ingat ka anak! "
********************
Tahimik lang kami sa byahe maging ng makarating kami sa school. Bumaba ako at binigay sakanya yung helmet. Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako. Tinignan ko siya.
"Sasama ako" sabi ni Mark.Huh?
"No need. Alam ko na yung room ko" Tumalikod na ako sakanya at nagsimulang maglakad. Saglit lang ay nararamdaman kong sumusunod siya. Seriously? Pinabayaan ko na lang siya dahil baka sungitan niya lang ako.
Ng marating ko yung room ko ay tumigil ako para tinignan ko siya na nasa likod ko. Hinihintay ko siyang umalis pero nakatayo lang siya at pinagmamasdan yung room.
"Okay na? " Bigla naman siyang napatingin ng magsalita ako. Tinitigan niya lang ako at hindi gumalaw. Napabuntong-hininga nalang ako.
Pumasok na ako sa loob at iniwan siya doon. Bahala siya sa buhay niya!First day ko bilang isang college student kaya sobrang bago ng lahat saakin. Umupo nalang ako sa may bandang gitna na walang tao. Konti palang ang mga studyanteng nandito dahil masyado pang maaga. Maya-maya pa ay padami na ng padami ang pumapasok sa loob ng room at kahit sino ay wala akong kilala o namumukaan sakanila.
Nagulat ako ng biglang tumahimik yung klase. Tinignan ko yung pinto dahil baka dumating na yung professor.
Isang magandang babae ang pumasok. Maputing babae at medyo singkit. Kilala ko siya! Teka? Sino nga ba siya?
Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Lumapit siya at umupo sa tabi ng upuan ko.
"Janessa? Right? Natatandaan mo pa ba ako?" I know her. Nakita ko na siya isang beses pero hindi ko lang matandaan. Mukhang napansin niya ata na hindi ko siya maalala kaya napabuntong-hininga siya. Bigla ko namang napansin na parang lumungkot yung mata niya pero saglit lang.
"I'm Cheska, nagkita tayo sa enrollment remember?" Bigla naman akong napangiti. Ah, oo siya nga yun.
"Oo naaalala na kita. Sorry medyo makalilimutin ako"
"Naku, okay lang. Sanay na ako"
"Huh? "
"I mean, ganoon talaga kasi yung mga kasama ko sa bahay. Makakalimutin ganoon" Ngumiti naman siya ulit.
"Ah..--" Napatigil ako ng biglang dumating yung professor at nagsimula na yung klase.
Habang nagkakaroon ng orientation regarding sa subject. Masungit at mataray yung prof kaya hindi kami makapagkwentuhan ni Cheska. Naalala ko sakanya si Mark.
BINABASA MO ANG
Monster within Her
VampireHindi inakala ni Janessa na ang paglipat niya sa probinsiya ay lalabas ang mga sikreto na bumabalot sa buong pagkatao niya. May mga halimaw na gusto siyang kunin at angkinin. Halimaw na tinatawag na BAMPIRA ©Copyright 2014